Stars' most memorable moments with Dad

It's not the luxury gift or the grand outing that Tinseltown's young and famous think of when they talk about their most cherished bonding moments with Dad, Tatay, Papa...

(Clockwise, from top left) Patrick Garcia, JC Tiuseco, Joross Gamboa, Luis Alandy, Chynna Ortaleza, Dingdong Dantes and Glaiza de Castro


It's not expensive things or luxurious places that make a moment really special and memorable. Sa experience ng ilang stars natin ngayon, quality time at bonding moments with their dad— magkasama sila at nakakapag-usap—ang tingin nilang mas mahalaga at memorable.

At gaano man nga ka-busy ang ilan sa mga stars na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), they do have memorable experiences with their dads.

HEART EVANGELISTA. "Kapag pinagsa-shopping niya 'ko. Kapag umaalis siya papuntang Amerika. It is because my dad always believes in me and if your dad tells you that you're beautiful, parang nararamdaman mo na beautiful ka talaga. So, kapag pinilian niya ako ng damit, alam ko na maganda yun para sa kanya, na bagay ko yun. May ganoon ang dad ko na he buys me dresses and I really love it pag yung dad ko ang namimili for me."

LUIS ALANDY. "Siguro noong may binili kaming property sa Lipa, Batangas. Kumbaga, parang tulong ko na rin sa kanila na magkaroon kami ng rest house do'n. Which is, siyempre, tumatanda na rin sila. Siguro, isa talaga yun sa pinaka-memorable. Kapag pumupunta rin kami ro'n, since wala pang bahay, pero, meron nang maliit na kubo, kapag kumakain kaming family na very intimate. Walang bahay, pero kubo lang na ang kasya lang halos ay limang tao."

GEOFF EIGENMANN. "Actually, yung Father's Day never really stood out. It's just any day with my dad is always really special kasi noong bata ako, yung daddy ko ang nag-aalaga sa akin. My mom was really busy. Siguro hanggang three years old, ang dad ko ang nagpapalit ng diaper ko. So, I guess, growing up, my dad's characteristics sa akin napunta. So, a lot of people say that I remind them of my dad. Parang nakikita nila 'ko, nakakasama nila 'ko, nakakausap nila 'ko, naaalala nila dad ko. So, every day with my dad is always special."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MERYLL SORIANO. "Yung Father's Day na memorable sa akin, nasa hospital siya noon, e. Tapos, dinalaw ko. Tapos, nagbigay ako ng card na ginawa ko. Nakalagay ro'n yung picture namin noong baby pa 'ko. Tapos yung picture niya, as in baby na baby pa 'ko. Nahanap ko, nahalungkat ko ang picture naming dalawa. Tapos, ginawan ko ng layout. Recently lang yun."

JAKE CUENCA. "Siguro noong dinala niya ako sa Spain. Mga five years old ako no'n and very memorable sa akin ang experiences na yun, kasi yun ang mga few moments na nakilala ko ang lolo ko. Kasi, di ba, yung lolo ko, namatay kailan lang and it's just a few moments na nakilala ko ang lolo ko, at the same time, kami ng dad, nakapag-bonding din sa mismong country niya."

MAJA SALVADOR. "Siyempre, yung konting oras at panahon na nakasama ko yung dad ko na simula nang makilala ko siya, parang kahit hindi naman every day kaming magkasama, yung communication naman ang importante."

GLAIZA DE CASTRO. "Well, lately kasi, si Tatay, nakakagulat, nagsasalita siya sa amin. Nag-a-advise siya. Kasi, parehas kami ng ugali niyan. Hindi kami makuwento. Ngayon, parang natutuwa ako sa kanya dahil ang dami niyang ibinibigay na payo. Parang pagpasensiyahan mo na ganyan-ganyan, sobrang wala akong masabi sa kanya. So, siguro, ito yung mga hindi ko makakalimutan sa kanya ngayon, yung nag-a-advise na siya sa amin."

JOROSS GAMBOA. "Every Father's Day naman, usually, sama-sama lang kaming family. We go out on dinner. Basta magkakasama lang buong pamilya, so siguro kung Father's Day, kahit anong mangyari, family muna. Yun ang reason kung bakit special siya palagi."

CHYNNA ORTALEZA. "Ang memorable experience ko kay Papa yung mga first time namin na pumunta sa bookstore and binilhan niya ako ng books. He taught me how to love reading."

JC TIUSECO. "Actually, hindi kami nagse-celebrate ng Father's Day. Ewan ko... nasanay lang kami na hindi. Pero binabati ko naman siya, pero, yung celebration na lumalabas, kumakain, hindi, e. Siguro, hindi lang kami sinanay nagse-celebrate ng Father's Day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATRICK GARCIA. "Siguro coming pa lang, siguro this year pa lang yung most memorable kasi, dalawa na kaming father ngayon. Yung difference nga lang, hindi ko pa naipapakita sa kanya yung baby ko."

DINGDONG DANTES. "For me, it was the time when we watched the Pacquiao-De La Hoya fight in Las Vegas . It was one of the most exciting events in my life. And it became all the more unforgettable because I was with him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN