Aljur Abrenica ecstatic that his team-up with Kris Bernal will now be on primetime

"Feeling ko, may plano talaga sa amin ang GMA. Talagang sinugalan po kami at hinubog talaga kami bago kami isalang dito. Masaya! Masayang-masaya. Salamat kay God, sa GMA, sa family ko at sa mga fans. At lalung-lalo na yung masa. Yung sumuporta sa amin ni Kris Bernal kung bakit kami nandito," says Aljur Abrenica.


Nagkaroon ng fans day sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa second anniversary ng Showbiz Cenral kahapon, June 21, bilang pasasalamat na rin sa mga tagahanga nilang tumangkilik ng Sine Novela nilang Dapat Ka Bang Mahalin?, na nagtala ng napakataas na rating sa afternoon slot nito.

Kinuha na rin nila ang pagkakataon upang mag-imbita para sa bagong challenge at opportunity na ibinibigay sa kanila ng Kapuso network—ang kauna-unahang primetime series na sila ang bida, ang All My Life na magsisimula na sa June 29.

Pero sa lahat ng ito, tila hindi pa rin makapaniwala si Aljur na ilu-launch na sila ni Kris sa primetime.

"Ang bilis, e. Ang bilis ng mga pangyayari. Right after kong manalo [sa StarStruck], talagang sunud-sunod, e. In two years, there's Zaido, Dyesebel, Luna Mystika, Dapat Ka Bang Mahalin?... In two years yun, ha? Tapos ngayon, All My Life, primetime na!

"So, feeling ko, may plano talaga sa amin ang GMA. Talagang sinugalan po kami at hinubog talaga kami bago kami isalang dito. Masaya! Masayang-masaya. Salamat kay God, sa GMA, sa family ko at sa mga fans. At lalung-lalo na yung masa. Yung sumuporta sa amin ni Kris Bernal kung bakit kami nandito," pahayag ni Aljur nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Showbiz Central.

Para kay Aljur, kahit kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan ang Dapat Ka Bang Mahalin?.

"Opo, e. Actually, ngayon ko lang napanood yung mga episodes kasi naka-record siya at naging sobrang busy ang schedules. Pero mararamdaman mo talaga na tumatak talaga siya sa buhay ko. Hindi ko makakalimutan yun hanggang sa pagtanda ko. Parang sa stepping stone, 'yan ang pinakaimportante. 'Yan ang pinaka-make or break, e. E, nag-make," masayang sabi ng StarStruck 4 Ultimate Hunk.

ALL MY LIFE. Sa All My Life, seryoso pa rin daw sila ni Kris dito na may pagka-Romeo and Juliet pala ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa bandang una, medyo hindi pa ganoon kaseryoso. Pero once na nasabi na ang mga lihim, ang mga totoo... Romina and Jules ang pangalan namin dito at magkagalit yung families namin," banggit ni Aljur.

Pero nilinaw ng young actor, in real life, parehong okey ang mga pamilya nila ni Kris.

Mas malaki ba ang nararamdaman niyang pressure ngayon na dapat ma-prove din nila sa primetime na kaya na nilang magdala ng isang show at hindi lang sila pang-afternoon?

"Pressure po talaga, at the same time, enjoy," sabi niya. "Nag-e-enjoy na po ako ngayon. Nag-e-enjoy po ako sa trabaho at masaya ako. Masaya akong gampanan ang panibagong role na ibinigay sa akin. Napakagandang oportunidad as Jules."

MOST PROMISING MALE STAR. Kagabi, June 21, ay ginawaran si Aljur bilang Most Promising Male Star sa Box Office King & Queen Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Ano ang reaction niya sa natamong karangalan opposite KC Concepcion, na pinarangalan naman bilang Most Promising Actress?

"Ang sarap ng feeling, kasi baguhan pa lang po ako sa industriyang ito sa showbiz. Nasa dalawang taon pa lang po ako ngayon. Tapos, hindi ko po ine-expect na sa maagang panahon, makaka-receive ako ng award. Napaka-blessed ko po talaga. At nakikita ko po, lahat ng kapaguran namin, paghihirap namin, ito na ang resulta," saad ni Aljur.

Nararamdaman ba niya na isa na siya sa important stars ng Kapuso network ngayon?

"Hindi naman po sa ganoon," nakangiti niyang sabi. "Pero masaya po ako kasi yun po ang ipinaparamdam sa amin ng network. Yun po ang ginagawa nila, inaalagaan po talaga nila kami."

Tinanong din ng PEP si Aljur kung sa palagay niya ay nandoon na siya sa puntong siya na ang ginu-groom ng GMA-7 sa level na ngayon nina Dingdong Dantes o Richard Gutierrez.

"Hindi ko naman po masasabi yun, kasi kilala po natin si Dingdong na matagal nang artista. Hindi ko naman po maihahalintulad ang sarili ko sa kanila dahil I'm sure, mas magaling sila sa akin, mas magaling po si Dingdong sa akin. Pero darating ang panahon, yun lang po ang masasabi ko," sagot ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COURTING KRIS. Para kay Aljur, blessing sa kanya ang pagkakaroon ng ka-love team. At minsan pa, itinanggi niya ang napapabalitang may iba siyang girlfriend na taga-StarStruck din.

In fact, aminado naman daw siya na bago pa man nagsimula ang Dapat Ka Bang Mahalin?, nililigawan na niya si Kris.

"Pero yun nga lang po, natapos na po ang Dapat Ka Bang Mahalin?, hindi pa rin niya ko sinasagot!" natatawang pahayag ng bimata.

Totoo ba talaga na hindi pa rin siya sinasagot ni Kris?

"Kahit tanungin n'yo pa po siya!" sabay turo kay Kris. "Ang sabi po niya sa akin, mas maganda raw po kasi kapag pinaghihirapan. Mas makulay ang relasyon kapag pinaghihirapan. Hindi madalian. Kasi kung madali, parang madali lang din mawawala."

Sa palagay ba niya, enough naman na ang effort niya to win Kris's heart?

"Oo, nag-e-effort talaga ako," sagot niya. "Pero parang mahirap makita sa isang babae kasi palagi kaming magkasama, e. Parang hindi niya ako nami-miss. Pero ako, miss na miss ko siya palagi. Sandali ko lang siyang hindi makasama, nami-miss ko na siya. Pero siya, parang ang gusto niya, paghirapan ko talaga."

Sa ibang magka-love team, as much as possible ay ayaw nilang haluan ng totoong relasyon ang kanilang samahan dahil ayaw nilang maapektuhan ang love team nila kung sakaling magkaroon ng problema. Si Aljur ba ay walang ganoong pangamba kung maging sila nga ni Kris?

"Sa tingin ko po, wala pong magiging problema kung maging kami ni Kris. Kagustuhan din po namin ito at pagdating po sa trabaho, professional po kami," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN