Aiko Melendez is unaware that her half-brother starred in gay indie film

"Hindi siya nagpaalam sa akin... Naka-headline, 'Kapatid ni Aiko Melendez, naghubad sa isang indie film,' kasi raw pinabayaan ko na daw. I am not aware kung napalabas na ba 'to o ipapalabas pa lang," says Aiko Melendez how she found out about the indie film of her half-brother Jam Melendez.


Nag-guest ang actress-politician na si Aiko Melendez kaninang tanghali, June 22, sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ. Isa sa mga naging alaga ni Douglas Quijano si Aiko, kaya agad na naitanong sa kanya kung bakit siya napaiyak nang husto nang dumalaw sa burol ni Tito Dougs.

"Doon sa mga hindi nakakaalam, hindi lang siya dating manager ko, but he was the discoverer of my dad [Jimi Melendez] also. Siya ang discoverer ng papa ko. So, ninong pa siya ni Andrei [Aiko's son with Jomari Yllana]. Ako, ninong ko pa siya sa kumpil. Nag-sink in lang sa akin nung gabing 'yon na hindi ko akalain na nasa kabaong na siya, wala na, patay na, hindi na natin makakapiling," kuwento ni Aiko.

AIKO'S HALF-BROTHER. Noong Linggo, June 21, ang gabi ng pasiyam kay Douglas na ginanap sa Imperial Palace Suites, nagkausap sila ng stepmom niyang si Deborah Sun at half-brother niyang si Jam Melendez. Okay na ba sila? Hindi ba't nagkaroon ng isyu na pinabayaan niya ang kapatid na si Jam?

"Medyo okay na [kami]," sagot ni Aiko. "Kasi for so long, parang na-misinformed si Tita Gigi [Deborah] na hindi ko natitingnan ang kapatid ko, and so ginawa ko, I asked Patrick [Meneses, boyfriend ni Aiko at vice mayor ng Bulacan] to call up Mother Ogie [Diaz] para puntahan namin sila. Kasi, every time na magpapadala ako ng something sa kapatid ko, tinatanong ko kay Mother Ogie, 'Ano ba ipapadala ko? Magkano ba?' Laging may go-signal ni Ogie bago ako magpadala. At least, may witness ako."

Ano ang napag-usapan at naging "deal" nilang magkapatid?

"Well, sabi ko sa kanya, magpakabait siya. Ayoko namang maging kontrabida pagdating sa lovelife ng kapatid ko. Pero ako kasi yung tipo ng tao na 'pag sa tingin mo di makakabuti sa 'yo yung tao, e, medyo iwas-iwasan mo yung mga tao, di naman good influence sa 'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Aiko, "Ang naging deal ko sa kanya, 'Hangga't yung mga taong nakapaligid sa 'yo hindi naman nakakabuti sa 'yo, hindi muna ako magpaparamdam ng tulong sa 'yo. Hangga't nakikita ko na may katigasan ang ulo mo, hindi muna ako magpaparamdam sa 'yo.'"

Nagpaalam ba sa kanya si Jam sa ginawa nitong indie film kung saan naghubo ito at nakipaghalikan pa sa kapwa niya lalake?

"Hindi siya nagpaalam sa akin," tugon ni Aiko. Nabasa na lang daw ng actress-politician sa headline ng isang diyaryo ang tungkol doon. "Naka-headline, 'Kapatid ni Aiko Melendez, naghubad sa isang indie film,' kasi raw pinabayaan ko na daw. I am not aware kung napalabas na ba 'to o ipapalabas pa lang."

Naging producer din si Aiko noon ng mga shows at teleserye. Kung sakali ba ay igagawa niya ng indie movie si Jam?

"Why not? Kung may magandang material kay Jam, di ba? He deserves a break also," sagot niya.

REUNION MOVIE WITH JOMARI. Naging paksa rin ng usapang radyo ang pagsasama nilang muli ng ex-husband niyang si Jomari Yllana sa pelikula nina Ogie Alcasid at Michael V. Meron ba siyang na-miss sa kanyang ex-husband?

"Siguro yung fun na magkatrabaho kaming muli. Kasi for so long, yung team-up namin talaga, hindi yun nakita nang matagal, e. Ang daming offer sa amin before to do a movie together. Kaya lang, parang natatapat kami sa script na parehong hindi namin gusto. Hindi naman natin maipagkakaila na kahit papaano, si Jomari masarap din namang katrabaho."

Patuloy niya, "And 'eto pa, natapat pa yung movie na ginagawa namin, Angelina, Spoiled Brat: The Movie,is a very wholesome movie. Lahat ng pamilya puwede n'yong dalhin."

Meron ba silang kissing scene sa pelikula?

"Ah, wala, wala kaming kissing scene," agad na sagot ni Aiko. "Alam naman nila yung limitation ko na hindi ako puwedeng makipag-kissing scene. Kasi yung anak ko, e lumalaki na, [Andrei is] 11 years old na. Si Marthena medyo may pagka-bratinella. She's turning three."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Wholesome talaga yung movie. 'Saka parang magiging pilit, hindi talaga magiging bagay sa movie na lalagyan kami ng kissing scene kasi nga pambata yung pelikula."

ANDREI & MARTHENA. Payag ba siyang pasukin din ng anak niyang si Andrei ang showbiz?

"Sa ngayon, okay na yung billboard-billboard muna siya ng Bench Tweeners. Commercials, okay 'yan. Every weekend ko lang siya pinapayagang mag-shoot ng mga ganyan. Full-time hindi pa puwede, hindi ko pa maisip," aniya.

Naipasyal ba ng mga ama nila ang kanyang mga anak noong Father's Day last Sunday?

"Si Marthena, nailabas ni Martin [Jickain]. E, si Jom yata still in mourning pa yata with what happened with Tito Dougs, hindi ko alam kung kailan sila lalabas ni Andrei," sagot ni Aiko.

PATRICK MENESES. Totoo ba ang tsismis na hindi raw siya type ng pamilya ni Patrick?

"That's not true," diin ni Aiko. "Hindi totoo 'yon. In fact, Saturday [June 20], nasa bahay namin si Tita Precy [mother ni Patrick]. Okay yung relationship namin. Last week nando'n naman ako sa bahay nila and tanggap niya yung mga kids ko.

"In fairness to Tita Precy, she's been very good to me, sobrang accommodating. Even yung mga kamag-anak ni Patrick na-meet ko nang lahat, e. Yung lola niya from the States, si Nanay, mabait siya sa akin. Kaya hindi totoo yung balitang 'yan."

POLITICAL CAREER. Tuloy na tuloy na ba at wala nang makakapigil pa sa pagtakbo niya bilang vice mayor ng Quezon City?

"Meron talaga akong plano. Yung makapagpipigil, maraming pipigil kung maraming pipigil sa akin!" natatawang sagot ni Aiko. "As of now, buo ang puso ko at buo ang loob ko na 'yon ang landas na gusto kong tahakin."

Pabor pa ba siya kung tatakbong konsehala ng 2nd district ng Quezon City si Ara Mina?

"Why not? Ang huhusga naman d'yan yung mga botante, hindi naman ako. Iisa lang ako, di ba? Kung may magandang hangarin naman, I know naman na Ara won't go in a situation na hindi siya sigurado, di ba? So kung totoo at gusto niya talagang ituloy ang pagseserbisyo, why not? It's free for all," paliwanag ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad kayang magkasama sila ni Ara sa isang project?

"Tingnan natin yung pagkakataon kung magiging okay na kami. Sayang, hindi kami napagbati ni Tito Dougs sa burol. Hindi kami nagkita. I don't know kung anong araw siya nagpunta. Do'n nag-fail si Tito Dougs. Sayang!" natatawang sabi ni Aiko.

Pahabol niya, "Napakaipokrita ko namang sabihin na magtatrabaho kami agad nang hindi kami nakakapag-usap, nakakapag-ayos pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN