John Lloyd Cruz visits Ruffa Gutierrez's parents

"Jokingly, noong paalis na kami, 'Totoo ba talaga ang balita? Kayo ba talaga ng anak ko?' Natawa na lang ako sa kanya. Tapos sabi ko, 'Hindi po, hindi po.' Kaya sabi ko kay Ruffa, 'Mommy mo, tinatanong ako.' Ganoon lang," relates John Lloyd Cruz about his recent visit to Annabelle Rama and Eddie Gutierrez, parents of actress-TV host Ruffa Gutierrez.


For the second year in a row ay itinanghal na Box-Office King ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) ang aktor na si John Lloyd Cruz. Ginanap ang 40th Box-Office Entertainment Awards kagabi, June 21, sa Carlos P. Romulo Auditorium of RCBC Plaza sa Makati City.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na muntik na palang hindi personal na matanggap ni John Lloyd ang kanyang award dahil may sakit siya. Pero nagawa pa rin niyang makarating para tanggapin ang kanyang award at magpasalamat sa bumubuo ng GMMSFI.

"Alam n'yo, ang maganda rito... Ako, natutunan ko 'to from Ms. Kris Aquino na yung sinasabi na, 'Sana, ikaw ang maging Box-Office King this year.' Kami ni Sarah [Geronimo], pareho kaming we always say na, 'Okey lang, kahit naman hindi kami, basta kumita ng maganda yung pelikula at maganda ang reviews, okey na rin.'

"Pero sabi ni Kris, 'Hindi 'no, dapat yun ang ine-aim mo. Dapat, doon ka nakatuon. Importanteng award 'yan. Imagine, for 2007 and 2008, pinakamaraming nanood ng pelikula mo.' Nakakatuwa nga naman na for two consecutive years, yung pelikula ko, yun ang parang pinaka-pinanood ng mga tao.

"So, salamat sa lahat ng mga bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation at sa lahat ng nanood ng A Very Special Love and of course, sa Star Cinema and Viva Films," pahayag ni John Lloyd nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi.

Dahil nga sa box-office success ng A Very Special Love last year kaya silang dalawa ng leading lady niya na si Sarah Geronimo ang pinarangalan bilang Box-Office King & Queen for 2008. Si Bea Alonzo naman ang katuwang ni John Lloyd noong 2007 para sa box-office success ng One More Chance.

Magkaiba ang leading ladies ni John Lloyd sa dalawang pelikula, kaya puwedeng sabihin na consistent siyang pinapanood ng mga tao kahit sino pa ang leading lady niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kami namang mga artista, kumbaga, yung amin, parang ano yun, e, collective ang effort. So, ako bilang aktor, bilang artista, bilang isang pangalan sa pelikulang ito, naibahagi ko lang siguro yung hinihingi mula sa akin.

"Napakaimportante pa rin yung material. Like ako, tingin ko, ang success ko naman sa industriyang ito, material-driven, e. Hindi naman 'to, kumbaga, it won't turn out this way kung hindi dahil sa pinaka-base ng ginagawa ko, which is yung material. Tapos, secondly, kung mahahawakan ka ng director na talaga namang you can work together.

"Siyempre," dugtong niya, "isa pang importante yung chemistry na nabi-buildup between you and your screen partner. Malaking factor din yun. So, kapag pinagsama-sama mo ang lahat ng yun, makakabuo ka ng mark, ng significance."

Malaki rin daw ang chance na sila pa rin ni Sarah ang koronohan sa isang taon dahil sa laki ng kinita ng sequel ng movie nila na You Changed My Life. Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

"Well, mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng 2009, so hindi pa natin masasabi," aniya. "But, siyempre, ako naman, gusto ko yun. Sabi ko nga, napakasarap ng pakiramdam na pagdating ko ng edad na medyo down the road na, at babalikan ko itong mga years na 'to, ang sarap balikan na maraming nanood ng pelikula mo for that year. So, sana, sana..."

GUTIERREZ FAMILY. Sa The Buzz kahapon, June 21, kung saan ipinagdiwang ang birthday ni Ruffa Gutierrez, nagsalita si Eddie Gutierrez na okey raw sa kanya ang pagkakaibigan ng anak niya para kay John Lloyd. Ano naman ang naging reaksiyon ni John Lloyd sa sinabing ito ng ama ni Ruffa?

"Well, natutuwa ako na na-meet ko na sila finally," sambit ni John Lloyd. "Kumbaga, parang hindi naman kailangan ng validation ng friendship, e. As long as malinis naman ang intensiyon mo bilang kaibigan, hindi ka naman nanggagamit, so, parang hindi naman...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganoon yun, di ba? Kapag nakikipagkaibigan ka naman sa ibang tao, hindi mo naman ipinagpapaalam sa mga magulang nila. Ganoon lang yun. Nakakatuwa naman na welcome tayo sa bahay nila. Kami nina Mr. M [Johnny Manahan] at Tita Mariole [Alberto], nagpunta kami dun [sa bahay nila]."

Last week daw nang samahan siya ng dalawang heads ng Star Magic sa bahay ng mga Gutierrezes sa DasmariƱas, Makati City.

"Remember, sabi ko sa inyo, I was planning to talk to Tita Annabelle in private? So, yun," paalala ni John Lloyd.

Kumusta naman ang naging pag-uusap nila?

"Okey naman, wala namang masyadong usap na nangyari," sagot ng aktor. "Very casual dinner, kuwentuhan lang about things na, siyempre, work-related. Pero nothing really personal. Siyempre, sila Tita Annabelle naman and si Tito Eddie, parang nirerespeto naman siguro nila yung... Ayokong sabihin na may edad, pero parang yun."

Ano ang sinabi sa kanya ni Annabelle na nagmarka sa kanya?

"Wala naman... Wala namang gaanong sinabi... Anyway, jokingly, noong paalis na kami, 'Totoo ba talaga ang balita? Kayo ba talaga ng anak ko?' Natawa na lang ako sa kanya. Tapos sabi ko, 'Hindi po, hindi po.' Kaya sabi ko kay Ruffa, 'Mommy mo, tinatanong ako.' Ganoon lang."

Ayon pa kay Eddie, nasabi nitong masaya siya dahil nakikita niyang masaya naman ang kanyang unica hija.

"Alam n'yo, yung happiness naman, nanggagaling naman 'yan sa iba't ibang sources," sabi ni John Lloyd. "Si Ruffa, masayahing tao. Alam niya kung paano niya i-distribute ang energy niya. Alam niya kung saan niya kinukuha ang energy niya na dapat nagkakaroon siya para i-represent ang kanyang being.

"So, hindi lang naman ang friendship namin ang manifestation. Kasi, nagkakaroon ng ibang ibig sabihin, e. Si Ruffa, maraming kaibigan. Once, nakapunta ako sa party niya at nakita ko kung gaano karaming kaibigan meron siya. It only goes to show na isa siyang masayahing tao, kasi palakaibigan siya. Ang ganda ng nangyayari sa career niya ngayon and, I think, yung custody case ng dalawang bata, okey naman. Maganda ang itinatakbo ng kaso. So, maraming dahilan para maging masaya si Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi kapag nadamay na ang pangalan ko, parang iba na ang dating," pahabol ng aktor.

Inamin ni John Lloyd na si Ruffa ang nag-suggest na baka magandang ma-meet ng aktor ang mommy nito. Although, at first, he was quite hesitant dahil pakiramdam niya, bakit ba kailangan pa niya itong ma-meet to think na nagkakilala na rin sila before ng talent manager.

"Pero nag-offer rin naman sina Tita Mariole at Mr. M na, 'Tara, puntahan natin para makilala mo rin talaga si Tita Annabelle formally.' On second thought, sabi ko, 'Yeah, sige, let's do it.'"

At least daw ngayon, umalis man siya ng bansa for Star Magic show sa U.S., mas maayos na lahat ng isyu at gayundin sa pagsalubong niya sa kanyang birthday on June 24.

"Siguro nga, kung meron man magandang naidulot ang dinner na yun, 'eto yun. And, napakagaling ni Ruffa kung paano niya naisip. Kumabaga, 'eto ang paraan para mas okey na rin ang lahat. At least ngayon, aalis ako ng bansa na medyo maganda, malinaw ang mga iiwan ko," saad niya.

Sa huli, tinanong ng PEP si John Lloyd kung masaya ba siya ngayon.

"Besides my birthday blues, I think masaya naman ako. Okey naman ako," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN