Dingdong Dantes and Marian Rivera miss their onscreen tandem

Marian Rivera and Dingdong Dantes receive their award as Most Phenomenal Loveteam on TV during the 40th Box-Office Entertainment Awards held last Sunday, June 21.


Magkasabay na dumating at umalis sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) noong Linggo, June 21, sa RCBC Plaza, Makati City. Ginawaran ang dalawa bilang Most Phenomenal Loveteam on TV dahil na rin sa sunud-sunod na tagumpay ng kanilang mga teleserye sa GMA-7: Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Masaya pareho sina Marian at Dingdong sa bagong karangalang ibinigay sa kanila.

"Siyempre sa tuwing makakatanggap ng award, kahit na anong award, siyempre isang malaking karangalan sa akin yun," sabi ni Marian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag naman ni Dingdong, "Ano talaga, e, kumbaga, ang laki ng influence nitong pangyayaring ito sa mga career namin kaya memorable siya sa amin. Kahit na may iba na kaming ginagawa, yung tandem na ito ay talagang hindi makakalimutan. That's why nang binigyan kami ng parangal, naging mas meaningful pa siya."

Alam daw nila na hindi "regular award" ang Most Phenomenal Loveteam on TV na natanggap nila mula sa GMMSFI. Hindi naman kasi masasabing every year ay may matatawag talagang "phenomenal." Kaya another achievement na naman daw yun on their part.

Ayon kay Dingdong, "The fact na na-cite kami, it's already an achievement. Kaya nagbibigay ako ng pasasalamat sa Guillermo Mendoza Foundation dahil sa recognition na ibinigay nila."

Bukod sa award na natanggap nila ni Dingdong, binigyan din ng parangal si Marian—kasama naman this time si Richard Gutierrez—bilang Valentine Box-Office King and Queen dahil sa box-office success ng kanilang Valentine movie last year na My Best Friend's Girlfriend.

"Thankful pa rin, siyempre, salamat. Kapag may mga awards na ganyan at ang mga pelikula pa rin ay hindi birong gawin," sambit ni Marian.

Masaya rin daw si Marian para sa fantaserye na Dyesebel dahil ito naman ang itinanghal na Most Popular TV Program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, e, dugo't pawis din ang Dyesebel. Hindi lang sa aming dalawa ni Dingdong kundi sa lahat talaga ng bumubuo ng show," sabi ni Marian.

Natawa lang si Marian nang sabihin namin na ang Dyesebel ang isa sa mga show na ginawa nila na maging malapit sa puso nilang dalawa.

Ayon kay Dingdong, "Ano 'yan, e, kanya-kanya 'yan. Pero siyempre, merong umpisa, Dyesebel ang pangalawa, may third din. Kanya-kanyang level of importance 'yan."

Nami-miss ba nila ang loveteam nila?

"Oo naman, of course," sagot ni Dingdong. "Marami kasing highlights na napagdaanan namin together kaya talagang mami-miss talaga namin."

What about Marian?

"Oo naman, oo naman, di ba? Pero wala, e. Kung may choice ka, siyempre alam n'yo naman na siya pa rin ang pipiliin ko, di ba?"

Tila kinumpirma na rin ni Dingdong na posibleng sa loob ng taong ito ay wala muna talaga silang anumang projects na pagsasamahan, although they are both excited sa mga individual projects nila.

Kung matinding preparation ang ginagawa ni Marian for her next primetime series Darna, si Dingdong naman daw ay hindi pa naghahanda for Stairway to Heaven since August pa naman siya magsisimulang mag-taping para rito.

Ayon kay Dingdong, wala pa rin daw napipiling gumanap bilang Jodi sa kanyang bagong primetime series.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN