Ai-Ai delas Alas graciously accepts Comedy Box-Office Queen title

"Box-office din naman 'to, e. Kaya lang, meron siyang comedy. Kahit ano, basta manood na lang ang mga tao ng pelikula, masaya na ako. Kasi, ano yun, e, di ba, ang TV kasi libre. Ito [pelikula], nagpupunta sila dun, nagbabayad sila para panoorin ka. So, talagang napakalaking blessing noon," says Ai-Ai delas Alas.


Naging maintriga ang pagpili ng Box-Office Queen title ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) para sa taong ito.

May mga nagsasabing si Ai-Ai delas Alas raw ang dapat na nanalo dahil sa mas malaki ang kinita ng pelikula niyang Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Pero dahil sa "technicality"—umabot sa 2009 ang pagpapalabas ng pelikula ni Ai-Ai kaya hindi na isinama ang kinita nito lagpas ng 2008—ay si Sarah Geronimo ang nakakuha ng titulo dahil sa sa lakas ng kinita ng A Very Special Love nila ni John Lloyd Cruz, na itinanghal namang Box-Office King.

Pero hindi naman tuluyang kinalimutan ng GMMSFI si Ai-Ai dahil ginawaran pa rin nila ito ng Comedy Box-Office Queen, opposite Dolphy and Vic Sotto na binigyan naman ng award bilang Comedy Box-Office Kings dahil sa pelikula nilang Dobol Trobol.

Personal na tinanggap ni Ai-Ai ang kanyang award sa ginanap na Box-Office Entertainment Awards noong Linggo, June 21. Aniya, kahit marami na siyang recognition na natanggap sa ibang award giving-bodies, hindi pa rin daw matatawaran ang kasiyahan every time she receives an award.

"Ang sarap ng feeling kasi patuloy kong pinagbubuti ang ginagawa ko. Nag-aaral ka. Iba kasi kapag may award ka, parang nasisimentuhan ang career mo," saad ni Ai-Ai.

Pero hindi maaalis na magtanong ang ilan na hindi kaya pampalubag-loob lamang ang pagbibigay sa kanya ng special award as Comedy Box-Office Queen dahil sa naging mahigpit na kumpetisyon sa pagitan nila ni Sarah?

"Kahit ano pa ang sabihin natin, may award na ako. So, thank you pa rin, kasi it's a blessing," sagot niya.

Hindi rin daw sumagi sa isip niya na huwag na lamang pumunta sa awards night.

"Hindi rin, kasi binigyan nila ako, e. It's a gesture rin na parang, 'A, karapat-dapat lang natin siyang bigyan."

What about next year, wini-wish na ba niyang sana siya ang makasungkit ng Box-Office Queen award?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Box-office din naman 'to, e," sabi niya. "Kaya lang, meron siyang comedy. Kahit ano, basta manood na lang ang mga tao ng pelikula, masaya na ako. Kasi, ano yun, e, di ba, ang TV kasi libre. Ito [pelikula], nagpupunta sila dun, nagbabayad sila para panoorin ka. So, talagang napakalaking blessing noon. At sabi nga nila, bring back the glory to God, kasi talagang pang-Diyos lang 'to, e."

MOVIE WITH ERAP. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon para kumustahin ang pelikulang nakatakdang pagsamahan nila ng dating action star at pangulo, Erap Estrada. Ani Ai-Ai, malapit na raw nila itong simulang gawin.

"I think gagawin siya ng July and showing siya ng October," sabi niya.

Wala raw naka-schedule na movie si Ai-Ai for Metro Manila Film Festival 2009 kung kaya't ang pelikula niya with Erap ang magiging huling pelikula niya sa taong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN