Lani Mercado-Revilla denies new rift with Rosanna Roces

"Kami ni Osang, we're okay with one another. Wala kaming problema. Tapos na iyon, e. Alam naman niya ang reason why Gab is in our house muna. Sa kanya na rin nanggaling na sunud-sunod ang trabaho niya at hindi rin niya mabantayan si Gab the same way she did noong hindi pa siya busy," says Lani Mercado-Revilla about the rumored renewed rift between her and Rosanna Roces.


Hindi napapahinga si Lani Mercado-Revilla sa paglabas sa mga bagong drama series ng GMA-7. Hindi pa man natatapos ang Zorro ay isinama na siya sa bagong primetime series na All My Life kunsaan bida sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Gaganap si Lani bilang ina ni Aljur na si Marita Romualdez, na makakaranas ng kahirapan ng buhay dahil sa pagpapabaya ng kanyang asawa na si Gary Romualdez na ginagampanan naman ni Jay Manalo.

Marami ang nakapansin na tuwing may bagong ilu-launch na love team sa GMA-7 ay parating kasama si Lani sa cast. Perfect choice nga raw kasi siya bilang ina ng isa sa mga bidang artista.

"Mukhang gano'n na nga ang nangyayari. I am always part of a new show that features new talents. Oo nga, at napapansin ko rin na may love team parati sa mga sinasamahan kong show.

"When I did noon ang Twin Hearts, ang love team that time was Dingdong Dantes and Tanya Garcia. Noong ginawa ko naman ang Marimar, it was Dingdong and Marian Rivera naman. The last one I did was Saan Darating Ang Umaga? and it was Yasmien Kurdi and Dion Ignacio. May ginawa rin naman ako before sa ABS-CBN 2 na SCQ Reload at ang love team that time was Hero Angeles and Sandara Park.

"It feels good na nagiging part ka ng pag-build up sa mga baguhan na ito. It's also good na meron tayong mga bagong artistang inaabangan. Ibig sabihin, that our entertainment industry is still doing well kasi nga marami nang mga bago ulit, at panibagong henerasyon na ito ng mga artista," ngiti pa ni Lani.

CONTINUOUS LEARNING. Natsa-challenge pa rin nga raw si Lani na sumabay sa pag-arte ng mga baguhang artista ngayon. May natututunan din siya sa mga ito kahit na maituturing na siyang beterano sa entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In everyone naman, may natututunan tayo. Be it bata o may edad na sa industriya na ito. Tulad ko, dumaan din ako sa edad ng mga batang ito at nasa showbiz ako noon. I remember working with the likes of Nida Blanca, Charito Solis, Celia Rodriguez, Barbara Perez, Nora Aunor, Tirso Cruz III, and a lot more.

"Kaya yung mga natutunan mo sa mga nakatrabaho mo na, it's time na you share it with the young ones. At the same, may nadi-discover kaming bago sa kanila. Every generation naman, may pagbabago ang lahat. Masuwerte lang ako because I'm able to work with these new stars ngayon."

LANI-OSANG GAP OVER GAB? Tinanong namin si Lani tungkol sa balitang may tampo na naman daw sa kanyang pamilya si Rosanna Roces dahil ang kanilang apo na si Gabriel—anak nina Jolo Revilla at Grace Adriano—ay higit na isang buwan nang nasa bahay ng mga Revilla sa Ayala Alabang.

Paliwanag naman ni Lani na hindi raw niya naging desisyon na ang kanilang apo ay sa bahay muna nila nakatira. Desisyon daw iyon ng kanyang anak na si Jolo at ng ina naman ni Gab na si Grace.

Dagdag pa ni Lani na may sakit daw si Gab at mas makakabuti raw na nandoon sa bahay nila ang bata para nababantayan at naoobserbahan ang kalusugan nito.

"Since Mother's Day last May ay nasa bahay na namin si Gab. Wala naman akong naging desisyon diyan, kundi sina Jolo at Grace ang gumawa ng desisyon na 'yan.

"May komplikasyon kasi sa lungs si Gab, and according sa mga magulang niya, kailangan ng medical attention ng bata. Noong dinala namin siya sa doctor, sinabi na it would be best kung nasa malapit lang nakatira ang bata para mabantayan ang health nito. It will take six months daw kasi na gamutan para kay Gab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, bilang lola, okey lang sa akin na nandoon si Gab. Matagal ko rin naman siyang hindi nakasama and may kinalaman naman sa kalusugan niya. Hindi lang iyon basta bakasyon.

"At least sa bahay, nababantayan siya ng maraming tao. At malapit nga sa ospital kaya anytime na kailangan siyang itakbo ay walang problema."

NO FEUD WITH OSANG. Sabi pa ni Lani ay wala silang problema ni Osang. Nagkukumustahan naman daw silang dalawa at inaalam din ni Osang ang kalagayan ng kanyang apo.

"Kami ni Osang, we're okay with one another. Wala kaming problema. Tapos na iyon, e. Alam naman niya ang reason why Gab is in our house muna. Sa kanya na rin nanggaling na sunud-sunod ang trabaho niya, at hindi rin niya mabantayan si Gab the same way she did noong hindi pa siya busy.

"Tumatawag naman siya at nakakausap niya ang bata. Sometimes dinadala naman siya ni Jolo doon sa kanila, pero naiuuwi naman niya rin kasi nga may advice ang mga doktor na doon muna sa amin ang bata.

"Alam ko naman na naiintindihan ni Osang iyon kasi ang health ng bata ang importante sa amin ngayon. Wala namang dapat na magtampo o magalit. What's important is that naaalagaan naming lahat si Gab," pagtatapos pa ni Lani Mercado-Revilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN