Mexican fans want Moymoy Palaboy in Mexico

The lipsynch duo Moymoy Palaboy paid tribute to their Latin American fans by singing "Chorizo Burrito" in their album, Uploaded.


Bukod sa kanilang Filipino fans, marami rin sa mga tagahanga ng magkapatid na Roadfil at James Obeso—ang tinatawag na lipsynch duo na Moymoy Palaboy—ay mga foreigner, partikular na sa bansang Mexico.

Sa katunayan, ginaya pa ng hosts ng Mexican show na Venga La Alegria, na sina Fernando del Solar at Mauricio Mancer, sina James at Rodfil sa video nilang "Macho Man," na unang ginawa ng Moymoy Palaboy sa GMA-7 show na Bubble Gang, kung saan regulars sila.

Flattered sina Roadfil at James, alias Moymoy, sa ganitong paghangang nakukuha nila, lalo na sa mga taong hindi man lang nila kababayan.

"Sobrang flattered. Hindi nga namin alam noon na sikat pala kami sa Mexico. Siguro dahil dun sa 'Marimar' at dun sa 'Bolare,' ani Roadfill nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng cell phone kamakailan.

Ginawan kasi ng lipsynch videos nina Roadfill ang dalawang Latin songs na ito, na dalawa lang sa pinakauna at pinakasikat nilang YouTube videos.

"Siguro nagtataka sila o naku-curious sila kung paanong natuto kaming sabayan yung mga kanta. Samantalang in Spanish pala."

Dahil nga sa kasikatan nila sa Mexico, ang mga fans pa nila roon ang nagparating sa Venga La Alegria na pupunta sila ng Mexico for their fans. Pupunta nga ba sila?

"Hindi pa puwede. E, yung sitwasyon kasi ngayon, di ba?" sagot ni Rod, na ang tinutukoy ay ang pagkalat ng swine flu o A(H1N1). Panay din kasi ang tour nila ngayon sa iba't-ibang lugar para mag-show. Plus may album pa silang pino-promote, ang Uploaded.

"Kaya nga bilang tribute na lang dun sa mga fans naming Spanish-speaking, dun sa mga Mexicano, lalo na, ginawa namin yung 'Chorizo Burritto,'" kuwento ni Roadfill.

Ibinigay raw sa kanila ng record producer at arranger nilang si John Ong ang Spanish song na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi nga namin alam kung ano ang ibig sabihin. Basta kinanta na lang namin. Tribute nga kasi namin sa mga fans naming Spanish-speaking."

Dahil sa kasikatan nila, nakikiloko na rin sa kanila ang iba pang celebrities.

Noon ngang ginawan nila ng video ang "When I Grow Up" ng Pussycat Dolls, sumama pang naki-lipsynch sa kanila ang mga sikat na artistang sina Richard Gomez, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at iba pa (click here).

Gumawa rin sila ng video, kunsaan boses na nila't kumanta pa sila ng N'Sync song na "This I Promise You" with Aljur Abrenica (click here).

Kamakailan naman, ang "Bad Boy of the Dance Floor" na si Mark Herras ang nakigulo sa kanila, lipsynching to the Backstreet Boys tune "Everybody" (click here).

"Sa third floor yun, dressing room ng Bubble Gang sa GMA. Wala lang magawa kaya nagkayayaan lang. Yung lalake sa likod, P.A. (personal assistant) namin, si Jessie. Di namin akalain na kuha pala sa frame," kuwento ni Rodfil.

Sa ngayon, patuloy pa rin sa touring ang magkapatid habang patuloy rin sa raket nila sa Bubble Gang.

Click here to watch their videos or visit PEParazzi for more photos and videos by PEPsters and celebrities.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN