Jade Lopez ready to do sexy pictorials, but with limitations

StarStruck Batch 1 Avenger Jade Lopez is back on screen via All My Life. Jade took a break from showbiz to continue with her college education. She's now back on TV, and even declares that she's also ready to do sexy photo shoots...but with limitations.


Payag nang sumabak sa sexy pictorials ang StarStruck Batch 1 Avenger na si Jade Lopez. In fact, muntik na siyang maging cover girl ng isang sexy men's magazine.

"Opo, yung kay Aiza Marquez, yung tribute kay Amorsolo, mga May yata yun," umpisang kuwento ni Jade sa PEP (Philippine Entertainmet Portal), sa press launch ng All My Life ng GMA-7.

Sa kanya raw unang inalok na maging cover girl ng issue na yun, pero hindi natuloy.

"Actually, nagsabi na ako ng yes, umoo na ako. Pero sabi ko rin sa kanila [sa mga taga-sexy magazine], ask ko muna po yung GMA Artist Center [GMAAC].

"Hindi sila [GMAAC] pumayag, kasi masyado raw daring."

In-assure naman daw siya ng mga taga-sexy magazine na hindi siya pipilitin.

"Kung hanggang saan lang ang kaya ko," lahad pa ni Jade.

Pero hanggang saan nga ba ang kayang paghuhubad ni Jade?

"Hindi ko kayang mag- topless. Two-piece, as in swimsuit talaga, okey lang. Pero hindi ko yata kaya kung panty or bra.

"Kung super-daring na two-piece swimsuit, pag-iisipan ko."

CHRISTIAN ESTEBAN. Nagkaroon noon ng relasyon sina Jade at co-avenger niya sa StarStruck Batch 1 na si Christian Esteban. Ngayon, kahit break na sila, nananatili silang magkaibigan.

Nag-break sila ilang buwan matapos pumunta si Christian sa Amerika para magpatuloy ng pag-aaral.

"Itinuloy namin yung relationship noong una. Long-distance, pero tumagal lang siya ng three months. January or February 2007 kami nag-break. Pero may communication pa rin kami sa Facebook as friends. Matatapos na siya ng film directing sa New York Film Academy.

"Ang alam ko, ang balita ko, babalik siya by November, pero hindi na para mag-artista kundi para maging direktor."

Apat na taon din silang mag-on ni Christian. Mula pa noong StarStruck (2003) hanggang sa umalis si Christian noong 2007. Sa breakup nila, malinaw na hindi nila kaya ang isang long-distance love affair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personally, hindi po, hindi po talaga kaya," sabi pa ni Jade.

Hindi naman daw natatanong ni Jade kung may girlfriend na ngayon si Christian sa tuwing nag-uusap sila sa Facbook.

"Hindi, hindi napupunta dun yung usapan, kamustahan lang."

Paano kung pagbalik ni Christian sa Pilipinas ay makipagbalikan sa kanya?

"Mas maganda po na magkaibigan na lang kami. Lagi kaming nag-aaway noon. Hindi naman po malalim, mga petty things lang, pero mas okey kami as friends.

"Parang mas masaya kami bilang magkaibigan."

PSYCH STUDENT. Samantala, happy rin si Jade sa takbo ng kanyang showbiz career. At kung nawala naman siya sa sirkulasyon noon ay dahil may ibang pinagkaabalahan si Jade.

"Opo, masaya naman ako. Nag-aral ako, 4th year college na ako ng BS Psychology sa San Beda. Sinabi ko kasi sa sarili ko at sa daddy ko rin na tatapusin ko ang studies ko, and after ng studies ko, tsaka ako magpo-focus talaga ng sobra sa showbiz. And kung mapansin, e, di salamat."

Target daw ni Jade na maka-graduate ng March next year.

"Hopefully. Pero kung hindi, baka summer grad."

Bakit psychology?

"Kasi parang related din siya sa pag-aartista kapag Psychology ka, mabilis mong mapapag-aralan yung mga tao," sagot ni Jade.

After her Psychology course, may plano rin si Jade na kumuha ng kursong culinary arts, o hindi kaya naman ay fashion designing.

PAULO AVELINO. Tinanong naman ng PEP si Jade kung nanliligaw sa kanya si Paulo Avelino na kasama rin sa All My Life, na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Marami kasi ang nakakapansin na sobra silang close ni Paulo.

"Hindi po, wala naman po siyang sinasabi. Madalas lang po na nagbibiruan lang naman kami."

May chance ba naman si Paulo if ever manligaw sa kanya?

"Tingnan natin kung may chance siya. Ha-ha-ha! Mabait naman si Paulo. Nung first time na nagkasama kami, lagi niya akong binibiro, tinatawag niya ako ng 'Baby Jade,' tapos sasabihin ko sa kanya, 'Oh, beh, kamusta ka na?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero biruan lang yun," pagtatapos ni Jade.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN