Maricar Reyes starts working again, but is not yet ready to talk about the sex videos

Commercial model turned actress Maricar Reyes has decided to go back to work weeks after her sex videos with former boyfriend Hayden Kho spread on the Internet. She has a special role in the top-rating ABS-CBN primetime series May Bukas Pa, and is part of the cast of Your Song Presents Gaano Kita Kamahal.


Pagkatapos lumabas sa ASAP '09 last Sunday, June 21, ang baguhan at kontrobersiyal na Star Magic talent na si Maricar Reyes, tuluyan nang nabura ang haka-haka na wala na siya sa bansa at lumipad na sa U.S. kasama ang kanyang pamilya. Ang balita kasi noon ay umalis na ng Pilipinas si Maricar pagkatapos sumabog ang sex videos nila ng ex-boyfriend niyang si Hayden Kho.

Ilang linggo bago lumabas si Maricar sa ASAP '09, isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nakausap mismo ng controversial commercial model turned actress. Sabi ng aming source, kung payat noon si Maricar sa sex video nila ni Hayden, ngayon daw ay doble ang ipinayat ng baguhang artista and doctor by profession dahil sa sobrang depression.

Nagdadalawang-isip pa rin daw noon ang Star Magic talent kung lilitaw na ba siya in public o mananatili na lamang nakakulong sa kanyang kuwarto at tahanan. Nanahimik lang ang kampo ni Maricar sa gitna ng kontrobersiya.

Nirespeto naman ng ABS-CBN ang desisyon ng pamilya ni Maricar na manatiling tahimik at hindi nagsasalita. Pero pagkatapos makatanggap ng mga magagandang payo mula sa ilang network bigwigs, she finally decided na rumampa na rin sa special segment ng ASAP '09 para sa anniversary ng Star Magic.

Kaya naman todo ang suporta ng Kapamilya network kay Maricar. Sa kabila ng kontrobersya sa buhay niya, hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN at Star Magic.

Bilang patunay na sinusuportahan siya ng ABS-CBN, dalawang TV projects ang ibinigay nito kay Maricar. Unang napanood si Maricar sa I Love Betty La Fea bilang si Candy, ang ex-girlfriend ni Armando na ginampanan naman ni John Lloyd Cruz.

Ngayon ay special guest star naman si Maricar sa high-rating primetime series na May Bukas Pa, bilang taong-grasa. Dito pinatunayan naman ni Maricar na worth it ang suporta sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang best sa pagganap sa role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa July 5, isa siya sa mga bida kasama sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero sa bagong episode ng Sunday drama series na Your Song Presents Gaano Kita Kamahal sa direksyon ni Erick Salud, na siya ring direktor ng I Love Betty La Fea.

Todo ang nakuhang suporta ni Maricar mula sa cast hanggang sa production team ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal, na ang kumanta ng theme song ay walang iba kundi ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla.

Puring-puri rin ni Direk Erick si Maricar sa kanyang pagganap sa Your Song.

"She's one new star who is as if not new in the industry. Natural umarte at may lalim. Given more challenging roles, she can be elevated to the status of a seasoned performer. On the set, she is quiet. But once you talk to her, she will not run out of stories to tell. Magaan siyang katrabaho. And she is one person who is unfazed by the problems around her," sabi ni Direk Erick.

Sa ngayon, ang pagte-taping ng mga show sa ABS-CBN ang kaya pa lang harapin ni Maricar. Wala pang lakas ng loob ang controversial new star para ilahad ang kanyang damdamin sa paglabas ng sex videos nila ni Hayden Kho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN