Marco Morales once again shows what he's got in Big Night

"Yun naman ang gusto kong mangyari, ang ma-recognize ako as an actor. Lahat ng artista, 'yan ang goal. Kaya nga ang gusto ko lang, sa dami ng ino-offer sa akin, kailangang maging maingat ako. So far, wala pa namang sinasabing may nagawa akong basurang pelikula. Kasi iniisip ko nga, maghuhubad na nga lang ako, mababalewala lang kung hindi maganda ang kalalabasan ng pelikula," says Marco Morales.


Nararamdaman na siguro ni Marco Morales ang repercussions ng ginagawa niyang paghuhubo't hubad sa pelikula. Kaya mayroon siyang pahayag na last few movies na lang at mag-iiba na siya ng style.

"Hindi naman dapat kasi na bawat pelikulang gawin ko, kailangan kong magpakita ng ano. Never akong nag-inarte pagdating diyan, because I believe that's just part of being an actor. I should say that I have to slow down a bit and be more picky.

"Hindi ko masasabing wala na akong tatanggapin na pelikulang may hubaran, 'cause let's face it, 'yan ang mga ino-offer sa akin ngayon. I just have to think of a strategy to get through the next level," sabi ni Marco sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya nga muli niyang pinasilip ang mga manonood ng puwede pa niyang ipakita sa pelikulang Big Night. May nagsasabi naman na habang pa-daring nang pa-daring ang ginagawa niya, lalo naman siyang nagpapakita ng kahusayan bilang aktor.

"Yun naman ang gusto kong mangyari, ang ma-recognize ako as an actor. Lahat ng artista, 'yan ang goal. Kaya nga ang gusto ko lang, sa dami ng ino-offer sa akin, kailangang maging maingat ako. So far, wala pa namang sinasabing may nagawa akong basurang pelikula. Kasi iniisip ko nga, maghuhubad na nga lang ako, mababalewala lang kung hindi maganda ang kalalabasan ng pelikula," sabi ni Marco.

Habang ganito ang nangyayari, palala rin nang palala ang impresyong naikakapit sa kanya, no matter how hard he tries na maging significant ang desisyon niyang mag-frontal nudity.

"Naglalagay lang ako ng mataas na bakod sa indecent proposals," sabi niya. "May mga lumalapit offering odd jobs, like pictorials, na hindi ko maintindihan kung para sa kung saan ba, pero malaki ang ibabayad. Nagtatanung-tanong muna ako.

"I never do a nude pictorial din naman. Malalaman ko rin kung fake o hindi ang offer. Maingat lang talaga. Basta ako, bigyan ako ng matinong trabaho, lahat ng pupuwedeng asahang gawin sa akin, ibibigay ko," tila paghahamon ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa business na ito, naka-encounter na rin si Marco ng mga taong pumapasok dito just to build a premium for prostitution's sake.

"Ah, okay, mayroon pala talagang ganoon, matagal na pala 'yan. Pero kung 'yan lang ang insip ko, e, di sana mayaman na ako," aniya.

NOT A SOFT-PORN MOVIE. May balitang gumagawa raw ng isang soft-porn Spanish movie si Marco na sinu-shoot dito sa Pilipinas. Agad na nilinaw ni Marco na matino at maganda ang produksiyong kabahagi siya, at hindi totoong soft-porn movie ito.

"Abangan na lang siguro nila. Ang title nito is The Consul of Sodome, at kasama ko rito si Jordi Molla. Ako ag leading man sa movie. Nagsu-shoot kami sa Metro Manila, and in some places like Binondo. I'm so happy may ganitong mga project na dumarating. Something different. May sexy scenes din ako rito na hindi na yata mawawala. Pero basically, drama ang project. In the days to come, malalaman din naman ninyo ang iba pang detalye," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN