Sexbomb's Evette Pabalan will represent the Philippines at the 13th WCOPA in L.A.

The plucky Sexbomb singer-dancer entered five categories of the talent championships for world-class performers.


Sa 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) to be held at the Westin Bonaventure in Los Angeles, California on July 11-18, ilan sa mga celebrities natin ang nag-audition at pinalad na makasama sa 28 participants na ipadadala ng Pilipinas sa taong ito.

Isa sa mga ito ay ang Sexbomb girl na si Evette Pabalan who asked permission from her manager, Joy Cancio, na masubukan ang luck niya sa WCOPA.

Ayon kay Evette, kailan lang daw kasi siya naging aware about the said contest na may 13 years na ngang ginaganap sa L.A.

"Pumayag naman po si Ate Joy, kaya hayun, nagtuloy-tuloy. Ngayon ko lang din po kasi nalaman yung sa WCOPA, pero kung dito lang po sa bansa, dati pa akong nakakasali sa mga contest, even before pa po akong mag-Sexbomb. Sa ganito po talaga ako nag-start, mga competition."

"FEVER" AT THE PRESS LAUNCH. Ayon pa kay Evette, nakasabay rin niya before sa mga contest tulad ng Metropop Young Singers Competition noong 1997 sina Toni Gonzaga at Kyla. Isa si Evette sa mga nag-perform among the participants present during the press launch at Moomba Bar last Thursday, June 25, at hindi maitatangging isa siya sa nag-shine nang husto with her one-minute performance of "Fever," na plano niyang kantahin din for the Broadway category.

"Mahirap pong magsalita, e. Pero gagawin ko rin lahat ng magagawa ko. Siyempre, isa pong karangalan yun kung magiging representative ka ng Philippines, di ba? Yun lang po... gagawin ko lang po ang lahat ng makakaya ko, basta, ayoko lang pong magsalita nang patapos."

Hindi rin maitatanggi na among the participants from the Philippines, siya yung masasabing kilala na rin at may pangalang dadalhin in their group kahit mag-isa lang siyang lalaban. Kaya naman hindi itinanggi ni Evette na may takot siyang nararamdaman.

"Meron po... hindi po mawawala yun. Kanina lang po, noong mag-perform ako, ninenerbiyos ako," aniya. "Kasi po, siguro, normal yun. Iba po kasi 'to, e. Iba po kasi ang sasabakan namin kaya hindi mawawala ang nerbiyos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EVETTE IN FIVE CATEGORIES. Limang category ang sasalihan niya sa WCOPA. Maliban sa Open category, nakaplano na kung ano ang kanyang kakantahin per category.

"Yun nga, sa Broadway, yung "Fever." Sa pop, "I'm An Angel," sa gospel, "I Believe," for rock, yung "You Oughta Know," sa Open naman, pinag-iisipan ko pa yung isa ko pang kanta."

Sa "Fever" at "I Believe,"puwede rin niyang ipakita ang husay naman niya sa pagsayaw bilang isang Sexbomb dancer.

Kahit exposed na siya for the longest time sa pagpe-perform, matinding preparasyon pa rin daw ang ginagawa niya.

"Kailangan pa rin po ng practice po talaga. Natutuwa nga po ako sa suporta ng Sexbomb. Like yung "Fever," pinagtulung-tulungan namin ang steps kahit papaano. Kasi, nagkataon lahat may ginagawa. Gusto ko pong magpaturo kay Aira (Bermudez), kaso, walang time."

Bakit si Aira at hindi ang leader ng grupo nila na si Rochelle Pangilinan?

"Kasi, siya po talaga ang pinakamagaling na dancer, given na po talaga yun. Iba po naman kasi si Ate Rochelle. Iba rin si Aira. Siguro po, kaya ko rin napiling Aira kasi, sa sayaw mas ano siya palagi, mas active siya. E, si Ate Rochelle, palaging sa acting na, kumakanta rin."

HELP FROM SEXBOMB SISTERS. Kuwento pa rin niya, "Nagkataon pong busy talaga si Aira. E, nasa Eat Bulaga kami, so, pinagtulung-tulungan po namin ng Sexbomb. Hindi po talaga madali. Ako, nagsasayaw ako, pero hindi po ako magaling gumawa ng steps, aminado 'ko run. Siguro sa kantahan, sige... pero sa sayaw, aminado ako na maraming magaling na Sexbomb kesa sa akin."

Bakit hindi niya naisipang sa dance category sumali? "Hindi talaga, e... lumaki po kasi ako na singer. Nag-start ako ng two years old, so yun talaga ang gusto ko, e. Kahit dati pa po. Kumbaga, yung dancing, pangalawa ko lang yan."

Nararamdaman naman niya ang support ng mga kasamahan niya? "Opo... sinasabi nila, kaya mo 'yan, Mare... susuportahan ka namin. Alam naman naming d'yan ka talaga nag-start. May mga loko pa nga 'yan na, o, ako ang magpi-PA sa 'yo. Ako ang fashion consultant mo, mga biruan. Si Jopay [Paguio], ganoon din. Sobra!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po kasing ano sa amin, kung may umaangat man or nakikilalang lalo, yun, nakakatuwa."

At dahil din daw sa WCOPA kung kaya't hindi na siya ipinasok muna sa Kamabalilong episode ng Daisy Siyete.

"Nauna po kasi ito, April pa lang, nag-audition na. Kaya hindi na po nila ako maibalik sa story."

Tingin niya, worth it naman lahat ng ginagawa niya ngayon kapalit ng ibang raket niya sana bilang Sexbomb?

"Opo... opo! Kasi, yung ikaw na matanggap ka lang dito, tapos, nabigyan ka pa ng visa. At hindi lang... hmmm... multiple, 10 years! So, sobrang blessing na pong talaga."

EXPENSES. Hindi biro ang dollars na gagastusin ng each participant na ipinapadala from the Philippines to L.A. Although may ilang nakuhang sponsors ang team WCOPA Philippines, na pinangungunahan nina Carlo Orosa at Oliver Oliveros, tulad ng PGMA's funding through Pacgcor at Le Froge, each participant should still raise money na pandagdag sa subsidy na nakuha nila.

On Evette's part daw, some came from her own pocket na. "Meron po akong sariling gastos like costume ko. Gusto ko yung maganda, siyempre. So, yung gumagawa rin ng costume namin sa Sexbomb, sa kanya rin po ako nagpagawa. Tapos, yung non-refundable na bayad ko po, hundred dollars din po.

"At saka, sa tatlong category ko pa, nagbayad din ako almost $200 din po. Siguro po, kulang-kulang $500 din po. Wala pa po yung plane ticket dun kasi, sinagot na po ni Ate Joy yung plane ticket ko.

"Sinuwerte rin po ako kasi, meron po akong subsidy. So, sinagot ng government yung hotel ko ro'n."

MOMMY'S LUCKY CHARM. Actually, Evette is one of Sexbomb's hot momma na, kung tutuusin, dahil mayroon na siyang one year and six months old na baby girl.

"Naku, sobra, nag-i-split na nga, e!" natatawa niyang sabi.

But when it comes to her partner, biglang nakiusap si Evette na huwag na lang daw itong isali sa interview, although they are both okay naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba po, kahit naman po dati, wala naman po akong sinasagot na ganyan. Private na lang po," nakangiting pakiusap niya.

Kuwento ni Evette, nang mabuntis daw siya, she was really out of the Sexbomb group na, silang dalawa ni Weng. Kaya kino-consider raw niyang blessing ang anak niya dahil nang isilang niya ito, muli siyang pinabalik ng manager sa grupo nila.

"Ini-out na po talaga kami. Pero, nandoon pa rin kami sa Daisy, pero, as Evette... hindi na Sexbomb. Pero, after a month, pinabalik kami. Yun lang... talagang sobra... sobra kasing suwerte ng anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN