Singer Bryan Termulo gets acting break in All My Life

Bryan Termulo doesn't abandon his first love in his first acting venture. In All My Life where he plays support to leading man Aljur Abrenica, "I don't just get to sing in the series, may kasamang acting na rin," said the Pinoy Pop Superstar Season 3 runner-up.


Masayang-masaya ang Pinoy Pop Superstar Season 3 runner-up at miyembro ng You've Got Male ng SOP na si Bryan Termulo dahil nabigyan na siya ng pagkakataon na lumabas sa isang primetime drama series.

Kasama si Bryan sa cast ng All My Life kunsaan bida sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ito nga ang first time ni Bryan na masubukan ang umarte sa isang drama series na matagal na niyang gustong gawin noong pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Sa All My Life, Bryan plays Dino, isa sa mga bandmates ni Aljur sa Shooting Stars at magiging saksi sa daraan na pagmamahalan nina Jules at Romina.

"Natuwa ako noong sabihin nga nila sa akin na kasama ako sa bagong show nina Aljur at Kris. Akala ko noong una ay guest role lang as a singer. Pero noong nilinaw sa akin na isa ako sa magiging kaibigan ni Aljur sa series, lalo akong natuwa kasi nga ibang opportunity naman ito ngayon para sa akin. I don't just get to sing in the series, may kasamang acting na rin," ngiti pa ni Bryan.

Marami nga ang nagsasabi na artistahin ang hitsura ni Bryan. Bukod sa maamo ang mukha ng 21-year-old Bulakeño, maganda pa ang tindig at puwede niyang pasukin ang mundo ng modeling. Pero unang love nga ni Bryan ay ang pagkanta kaya mas sinunod niya ang kanyang hilig sa musika.

"Singing has always been a part of my life. Bata pa lang ako, kumakanta na ako at sumasali na ako sa mga singing contest. Sinuwerte lang ako to be part of Pinoy Pop Superstar at nakarating ako hanggang sa finals.

"Kahit hindi ako nanalo [the winner was Maricris Garcia], nabigyan pa rin ako ng GMA-7 ng magandang career. I've been with SOP for more than two years now and I've been doing shows with our group You've Got Male [composed of Gian Magdangal, Harry Santos and Jan Nieto] kunsaan-saan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now that I've achieved a lot na rin as a singer and performer, maybe it's time na nga to try something different naman and nagkataon that All My Life came into the picture. Hindi lang naman ako sa grupo namin ang pinasok na ang acting, e. Si Gian nasa cast ng Rosalinda. Si Jan yata may ginagawang indie movie. So it's a whole new different career but singing will still be a big part of me."

SOLO ALBUM SOMEDAY. Isa pang gustong matupad ni Bryan ay ang magkaroon ng solo album. Kung mabigyan man siya, gusto niya ay makasulat siya ng kahit na ilang songs para mas personal ang dating ng kanyang magiging unang album.

"Mahilig akong magsulat talaga. Sabi nga nila ang pagiging Bulakeño ko lumalabas sa mga sinusulat kong mga letters and poems. May mga sinusulat din ako na mga songs para sa sarili ko lang.

"Kaya nga if ever na matuloy ang plans for a solo album, I would love to write my own songs. I like to put whatever my personality is in my songs.

"Idol ko kasi si Mr. Ogie Alcasid and he writes many of his songs na magaganda lahat. Para mas personal ang kalalabasan ng debut album ko, kasi manggagaling lahat ng words sa ano ang mga nararamdaman ko," pagtatapos ni Bryan Termulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN