Lani Mercado talks about Bong Revilla's chance encounter with Vicki Belo

Lani Mercado clarifies two things: (1) Her husband was not after "pogi points" when he decided to help young actress Katrina Halili, and (2) It's not true that Senator Bong received a hefty amount by letting the issue die a natural death.


Aminado si Lani Mercado na nasaktan siya at nalungkot sa mga naganap sa pagitan ng mister niyang si Senator Bong Revilla at Dra. Vicki Belo.

As we all know, kumampi at sumuporta ang kanyang asawa kay Katrina Halili sa laban nito against Hayden Kho Jr., na malapit sa puso ni Dra. Vicki.

"Kliyente nila ako, masakit para sa akin...Hindi naman kami sobrang friends, I was a client. Kapag may okasyon ang Belo andun ako talaga," ang bungad na pahayag ni Lani nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng All My Life ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Dugtong niya, "For a while umalis ako pero bumalik din ako sa kanya. Ngayon I'm sorry to say malungkot man but we really have to be... it won't be nice if I'd still be a part of the Belo group.

"Ang paghihiwalay ay masakit, dahil siyempre hindi tungkol sa services niya ito. Hindi ko sinasabi na pangit ang serbisyo ng Belo, mahusay ang Belo, yun nga lang ethically, hindi siguro tama na kliyente pa rin ako."

ENCOUNTER AT MALACAÑANG. Nagkita na ba sina Lani, Senator Bong at Dra. Vicki, pati ang anak ni Dra. Belo na si Cristalle Henares, after the sex video controversy?

"Alam mo, sa Malacañang, binati ako ni Cristalle, hinalikan ko din si Dra. Belo... Yun yung sa Malacañang na Rigodon de Honor nung Independence Day. Participant din yung ex-husband niya si Atom [Henares] and si Senator Bong, so nagkita kami kasi inimbitahan yata ni Atom si Dra. Vicki at si Cristalle.

"Sabi ni Cristalle, 'Hi!' 'Tapos wala lang, ganun lang. Si doctora, sabi niya kay Bong na, 'I don't think kung I will greet you or what,' parang ganun. Sabi ni Bong, 'It's up to you if you want to greet me.' Very civil, hindi ko alam kung nag-beso sila, hindi ko nakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman kasi kaming problema personally, this is nothing personal. Para sa akin nagkataon lang na-involve yung partner niya. I feel bad kasi siyempre, ang issue dito kasi, hindi siya per se, ang issue sa kanya is something else na konektado sa kanya.

"I mean mahal niya si Doc Hayden, isa ako sa mga nalulungkot sa mga nangyari pero wala akong magagawa."

Hindi na pormal na nagpaalam si Ms. Lani na aalis na siya sa Belo group bilang kliyente.

"Siguro si Nay Lolit na ang nagsabi, wala naman kaming contract, everything was verbal. Siguro nagkakaunawaan na kami at this point na hindi maganda na ano... pero service-wise wala akong ano."

SENATOR BONG LOOKING FOR POGI POINTS? Ano ang tingin niyang magiging resulta ng kaso?

"I do believe [that] justice will prevail and hayaan na lang natin na korte ang magdesisyon dahil inihain na nila sa proper agencies. Justice is on its way. We're like you, tulad ng lahat, nag-iintay na lang kung ano ang magiging desisyon."

As this moment ano ang stand niya sa pagtulong ng mister niya kay Katrina?

"Ang alam ko lumapit yata sa opisina niya. Tumulong lang siya para mailapit sa mga ahensiya. And dapat from there, she's doing it on her own already. Yun ang tamang proseso.

"So far ang alam kong pagtulong na ginagawa niya ay purely legislation na lang. Yung sa kaso, alam ko na-file na niya yung law, yung anti-voyeurism, kasi trabaho ng senador ang gumawa ng batas para maiwasan natin yung mga ganung klase ng sitwasyon.

"Batas ang pairalin natin, gumawa tayo ng mas matibay na batas, proteksyunan ang mga karapatan ng mga kababaihan."

May mga nagsasabi ng gusto lang daw ni Senador Bong na magkaroon ng pogi points, lalo pa't nalalapit na ang eleksiyon?

"Matagal nang pogi ang asawa ko. Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, seriously, nakakaawa naman yung asawa ko. Ang akin lang, kapag wala kang ginawang mali or kapag may ginawa ka, mali pa din. Huwag namang ganun. Nagkataon lang siguro na artista itong mga nagkaroon ng issue at sa kanya lumapit at nakita niya yung ginawang kahalayan.

"Reaksyon lang yan basically ng isang tao kasi, noon pa niya gustong isulong yung anti-pornography bill, pinag-aralan naman niya nang mabuti.

"Merong mga nag-o-oppose dun sa anti-pornography bill, dun sa mga ayaw sa censorship, pero nung sinuportahan niya yung anti-voyeurism bill na ngayon, e, nasa third reading na, matibay ito bilang pagsugpo sa ganitong problema na nangyayari sa cyber space."

Ano ang reaksyon ng maybahay ng senador sa intrigang lumabas na may nagbigay daw ng milyun-milyon sa asawa niya para huwag nang tumulong at makialam?

"May ganun na pinaiikot ang kung sinong kampo. Siguro naman kilala ninyo na siguro kung sino yun. Masakit pakinggan. Ang prinsipyo naman ni Bong, hindi sa ganun nakukuha. Kung lalaban siya, lalaban siya. Nakita ninyo siya na lumaban sa piracy, nakita ninyo siyang nakipaglaban na bawasan ang amusement tax ng pelikula.

"Hindi siya makukuha sa ganun. Hindi ganun ang asawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN