Former Wowowee co-host Janelle Jamer dismisses rumored links to DOM and to Jordan Herrera

"Mangyari man yung dati, gagawin ko pa rin yun kasi maraming mga personal na bagay na hindi ko na siguro kaya pang sabihin, kasi ang tagal-tagal na rin. Para naman akong papansin pag binanggit ko pa. Ang importante, I've learned from it and I'm proud of myself na yun ang naging desisyon ko. Prinsipiyo na lang ang pinag-uusapan dun," answers Janelle Jamer when asked if she regrets having left Wowowee two years ago.


Sa halos dalawang taong pagkawala ng dating Wowowee co-host na si Janelle Jamer sa showbiz, iba't ibang pagdududa ang agad pumasok sa isip ng marami.

Nandiyan ang usap-usapan na baka may mayamang DOM (dirty old man) na kinakasama si Janelle kung kaya't na-afford niyang magpatayo ng sarili niyang restaurant, ang Baluarte. May ilan namang nagsasabi na wala raw kasing nangyari sa tina-target niyang international career kung kaya't balik-Pinas ang singer-TV host.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Janelle, ipinaliwanag niya ang kanyang sarili tungkol sa mga isyung ito.

"Kung anuman ang mayroon ako, kung anuman ang capital na ginamit ko para sa Baluarte, lahat yun pera ko," panimula niya. "Galing sa sarili kong bulsa at hindi sa kahit na kanino pa man. Isa pa, hindi lang naman ako solo dito, may mga kasosyo ako, hati-hati kami dito.

"'Saka bata pa lang talaga ako, alam ko na magiging negosyante ako. I chose food business kasi I love to cook, basic necessity ang pagkain. 'Saka mahilig din akong mag-chill kaya kesa magtambay ako kung saan-saan, dito na lang ako.

"Dun naman sa sinasabi nilang wala raw kasing nangyari sa career ko abroad kaya ako nagbalik-bansa, hindi pa nga ako nag-i-start. Pabalik-balik ako dun for two years, hindi lang sa States, even in Europe. Nag-concert-concert for TFC [The Filipino Channel], recording, nag-aral ako ng sayaw, hip hop and belly dancing, nag-voice lesson din ako.

"Yung album na nagawa ko in States entitled Believer, ilu-launch sa Asia. Pinaka-late na siguro August. It's under Paranormal Production and distributed by EMI. Babalik uli ako dun for the second album and some shows," paliwanag ni Janelle.

Wala ba siyang pagsisisi sa pag-alis ng bansa at sa Wowowee?

"Wala. Mangyari man yung dati, gagawin ko pa rin yun kasi maraming mga personal na bagay na hindi ko na siguro kaya pang sabihin, kasi ang tagal-tagal na rin. Para naman akong papansin pag binanggit ko pa. Ang importante, I've learned from it and I'm proud of myself na yun ang naging desisyon ko. Prinsipiyo na lang ang pinag-uusapan dun," makahulugan niyang sabi sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE MEN IN JANELLE'S LIFE. Na-link din dati si Janelle sa Wowowee host na si Willie Revillame. Nagkikita o nagkakausap pa ba sila nito.

"The last time I saw Willie was before I left the Philippines, siguro nine months ago," banggit ni Janelle. "Invitation yun ng friend ko, dumating siya. Tapos, hindi ko na siya nakita uli after nun. Mula nang umalis ako hanggang ngayon, wala na akong balita sa kanya."

Sa huling interview sa kanya ng The Buzz, inamin ni Janelle na may non-showbiz boyfriend siya na inakala ng iba ay mauuwi na sa kasalan. Pero ayon kay Janelle, nag-break na raw sila ng boyfriend niya.

"We just broke up, siguro one and a half months or two months ago na," sabi niya. "He stayed in Madrid because nagwo-work siya sa Gucci. Ang layo, e. Sabi ko sa kanya, malay niya pag-uwi niya, 'pag dito na siya nag-stay, tingnan namin. Pero hanggang malayo kami, hindi namin masasabi ang mga mangyayari. Ayoko ng lokohan, sayang yung time and effort ko. Maghihintay ako tapos sa wala rin pala mapupunta. I can say I'm loveless, but I'm inspired naman."

Bago pa man umamin na may boyfriend na nauwi rin sa paghihiwalay, nali-link na ang pangalan ni Janelle kay Jordan Herrera. Ito'y sa kabila ng pagkakaroon ng asawa at mga anak ng aktor.

Ayon sa mga lumabas na balita, nakita raw sina Janelle at Jordan na magka-holding hands sa mall at naka-cap pa raw ang singer para hindi siya makilala ng mga tao. Nabalita rin na madalas daw nakikita si Janelle sa Bulacan, sa lugar nila Jordan.

"Si Jordan, kahit ulit-ulitin nila ang issue sa amin, sasabihin kong mahal ko siya bilang kaibigan ko at wala nang higit pa dun," diin ni Janelle. "Alam ko rin na may asawa at mga anak siya. Hindi ko pa nami-meet ang wife niya, pero wala namang problema kung magkakakilala kami. Siguro puwede akong pumatol sa nagka-asawa, yung hiwalay na. Pero huwag naman para makisabay o manira ng isang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung sinasabi nilang magka-holding hands daw kami sa mall, it's a rumor. Galing kami ng raket nun, lahat kami kumain. May mga iba kaming kasama, pero kami lang yung napansin na puwedeng i-link. Nadala ko na ang boyfriend ko sa ABS, pero hindi ako nakipag-holding hands. Una, public property ka. Lalo na artista pa yung kasama ko, makikipag-holding hands ba ako? Ang tanga-tanga ko naman nun!

"Dun sa sinasabi nilang naka-cap daw ako para hindi ako makilala, nag-cap ako hindi dahil gusto kong mag-cap at hindi dahil may itinatago ako. Bakit ako magtatago, hindi naman ako guilty of anything?

"Dun sa nakita daw ako kina Jordan, opening ng basketball sa lugar nila. Nanay ni Jordan is konsehala o kagawad yata, in-invite ako kung puwede raw ba akong mag-host sa opening ng basketball sa kanila. After ko mag-host, tinanong ko si Jordan kung puwede akong manood, oo daw. But after that, umuwi na ako. So, hindi ko maintindihan kung bakit ginawan siya ng issue na di naman dapat," pagwawakas ni Janelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN