Carla Abellana "excited and nervous" as premiere of Rosalinda nears

Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg">

Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg">

"Umaasa lang ako na, siyempre, ipagdarasal ko po yun na mataas ang rating. Unang-una, alam ko na maganda ang story at napaka-star studded po ng cast kaya umaasa po ako sa mga bagay na yun," says Carla Abellana about the premiere of her first primetime series, Rosalinda.


Physically, lutang na lutang ang chemistry nina Carla Abellana at ng balik-Kapuso na si Geoff Eigenmann. Marami ang nakapansin nito during the grand launch of Rosalinda sa Studio 5 ng GMA Network Center noong June 30.

An insider, who always stays at the taping of the teleserye, told PEP (Philippine Entertainment Portal) na halata raw na "attracted" si Geoff sa baguhang aktres. Pero hindi naman ito nakapagtataka dahil masasabing beauty and brains si Carla, having graduated as cum laude sa La Salle.

Nang tanungin ng PEP si Carla tungkol sa attraction ni Geoff sa kanya, kahit halos isang buwan pa lang silang nagkakakilala at nagkakasama, nakangiti itong sumagot, "Bago pa lang, kakakilala pa lang po namin sa isa't isa and, like I said, may starting point naman po lahat-lahat. So, we're really getting to know about each other. We are starting as friends at open naman po ako sa kanya. Nagkukuwento naman po ako sa kanya. Likewise, he tells me a lot of personal things.

"And he's a very nice person. Very, very nice to me," pahabol ng dalaga.

Ano naman ang nagiging pagkakakilala niya sa leading man at masasabing kauna-unahang ka-loveteam niya?

"Okay, magaling po siya bilang isang actor at mabait po siya bilang isang tao at lalaki. He's a good friend, supportive, at matulungin in many ways," sagot niya.

Sa pagpasok ni Carla sa showbiz, kasabay na agad nito ang isyung may non-showbiz boyfriend na raw siya—ang Ginebra player na si JC Intal. Gusto ba niyang linawin kung ano ang totoo rito?

"Ako po ay open, available at willing!" natatawang sabi ni Carla.

So, if ever mag-prosper ang pagkakakilala nila ni Geoff at manligaw ito sa kanya, magugustuhan niya ba ang binata?

"Ay, bakit naman hindi?" sagot niya. "There's nothing not to like kay Geoff. Mabait na tao, e. Basta naman po mabait ang tao, hindi naman po ako mahirap paibigin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KISSING SCENES & GOING SEXY. Kung pagbabasehan ang original Rosalinda, napakaraming kissing scenes noon nina Thalia at Fernando Carrillo bilang Rosalinda at Fernando Jose, respectively. Kabado na ba si Carla sa mga gagawin nilang kissing scenes ni Geoff, lalo pa nga't ayon sa kanya, wala pa silang nasu-shoot na ganoong eksena?

"Ay, hindi po ako kinakabahan," sambit ni Carla. "Kasi, wala naman po akong worry kay Geoff. Alam ko naman po na wala siyang bad intention. Mabait po siya. Alam kong gentleman siya, so hindi po ako kinakabahan."

Hindi ba siya nagkaroon ng limitation na sa unang attempt niya sa acting ay may mga kissing scenes na siya?

"Ay, siyempre, meron naman pong kaba," sagot niya. "Pero, tinuruan din po kami ng acting coach namin sa set. May exercises po kami para mawala po yung kabang yun."

Will she go sexy eventually?

"Ay, parang hindi pa po. Ayoko pong ma-disappoint ang aking daddy, lalung-lalo na ang aking lola, dahil pangako ko po yun sa kanila, e. Promise ko ho 'yan sa kanila. Kung hindi, naku, ang aking lola!" natatawa niyang sabi.

Ang ama ni Carla ay ang dating matinee idol na si Rey "PJ" Abellana, at lola naman niya ang dating leading lady sa LVN Pictures na si Delia Razon.

Ano ba ang idea niya ng pagpapaseksi?

"You can see me in dresses, no problem, but not on the cover of men's magazines," sagot ni Carla.

Nagsasalita na ba siya nang patapos sa bagay na ito?

"Opo," nakangiti niyang sabi.

Carla was asked hypothetically, what if after siyang mapanood sa Rosalinda, isa siya sa mag-top sa Sexiest Women list ng FHM. This year nga, hindi pa man naipapalabas ang Rosalinda ay nasa No. 48 na siya ng taunang listahan ng Sexiest Women ng No. 1 men's magazine ng bansa.

"E, bakit naman po si Marian Rivera, nag-number one siya, pero never naman po siyang nag-cover? I don't believe lang na you have to be on the cover of a men's magazine to be seen as beautiful or sexy person. Basta, ayoko pong saktan ang aking daddy at lola," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FLOWERS FROM MARIAN. Speaking of Marian, napag-alaman ng PEP na nagpadala ng bouquet of flowers ang bagong Darna kay Carla para i-congratulate ang huli sa pagsisimula ng Rosalinda.

Ikinatuwa naman ito ni Carla dahil hindi niya inaasahan ang gesture na ito from Marian. Nakasaad daw sa card sa ipinadalang bulaklak ni Marian ay: To Carla "Rosalinda" Abellana, congratulations, from Marian "Marimar" Rivera.

Hindi ba't may balitang may gagawin silang pelikula ni Marian?

"Yes po, Marian and I will be doing a movie together for the filmfest," pagkumpirma ni Carla. "Pero under negotiation pa po yun. If ever po, yun po ang magiging first movie ko, under Regal po."

So, wala talagang isyu sa pagitan nila ni Marian?

"Naku, wala po!" bulalas ni Carla. "Ang bait-bait niya sa akin. Ang ganda-ganda niya in person. Nakaka-starstruck. Mas maganda, mas sexy pa in person. Hopefully, naku, my goodness! I'm excited to work with her."

THE PRESSURE IS ON. Sa Monday, July 6, ay mahuhusgahan na si Carla sa pilot episode ng Rosalinda. Hindi itinatanggi ni Carla na bilang baguhan na nabigyan agad ng napaka-bonggang oportunidad ng Kapuso network ay hindi pupuwedeng hindi siya kabahan.

"Sobrang pressure po!" sambit niya. "Lalo na po bago pa kami mag-start mag-taping, may mga times po talaga na hindi ako makatulog. Hindi makakain nang maigi. Yung appetite ko po, nag-change. Kabado, anxious po talaga.

"Pero as soon as nag-start na po kaming mag-taping, na-realize ko, ay, enjoy naman pala. Parang dapat ganito palagi. Positive lang. Para hindi makita at hindi lumabas yung pressure."

Confident ba siya na katulad ng ibang primetime series ng GMA-7, makakakuha rin ng mataas na rating ang Rosalinda?

"Ay, maaga pa po I guess para sabihin," ani Carla. "Umaasa lang ako na, siyempre, ipagdarasal ko po yun na mataas ang rating. Unang-una, alam ko na maganda ang story at napaka-star studded po ng cast kaya umaasa po ako sa mga bagay na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pressure, hindi naman daw nawawala excitement ni Carla.

"Excited kasi marami pong excited for us, lalo na po yung mga friends ko, family and relatives. Ang dami pong umaabang talaga, so sana yung mga fans din po at mga supporters ng GMA, excited din po sila tulad namin. Excited po talaga na kinakabahan at the same time."

Malaking hamon kung tutuusin sa lead cast ng Rosalinda ang magiging pagtanggap ng manonood sa kanilang show. Si Carla, bilang baguhan talaga sa larangan ng showbiz. Si Geoff, na ngayon pa lang mapu-prove ang pagiging leading man niya sa telebisyon. At ang gaganap na kontrabida na si Katrina Halili, na nasa gitna ng laban niya kaugnay ng sex-video scandal nila ni Hayden Kho.

Idagdag pa rito ang katotohanan na ang Rosalinda ang isa sa nagtala ng pinakamataas na rating nang ipalabas ito noon sa ABS-CBN. Sa katunayan, mas mataas pa ang ratings ng Rosalinda kesa sa isa pang telenovela ni Thalia, Marimar.

"Of course, siyempre, marami pong comparisons," sabi ni Carla. "It's a big project. It's a beautiful story. Primetime. Baguhan lang po ako, wala naman po akong pangalan. Of course, the pressure is there, di ba?

"But, ayoko pong masyadong isipin. Gusto ko pong mag-focus sa trabaho at i-enjoy po talaga as much as I can. So, I take it one day at a time lang."

THE NEW CARLA. Ano na ang mga pagbabago sa kanya simula nang mag-showbiz siya?

"Nabago po? Schedule, yun lang... Schedule, lifestyle, appetite!" natatawa niyang sabi.

Hindi rin daw totoong gusto ng GMA-7 na magdagdag pa siya ng weight.

"Naku, hindi po. Pina-lose nga po ako ng weight, e. Everybody looks heavier in TV. I was asked to lose 10 pounds, but I lost 12 pounds already."

Kapag lumalabas siya, like sa mall, may nakakakilala na ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa po, wala pa po," sagot niya. "Without the hair, the makeup, and the flower, wala pa po. Kaya normal pa rin po akong nakakalabas," nakangiti niyang sabi.

Ano ang mga expectations niya ngayon?

"Gusto ko po, ang expectation ko po is to really enjoy, unang-una na po yun. Pangalawa, matuto kasi alam ko na marami pa po akong dapat matutunan. Mag-a-adjust pa rin po ako. I know I need to change but hopefully in a good way. Matuto po, yun po talaga ang goal ko ngayon. Matutong umarte nang maigi," pagtatapos ni Carla.

Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg">


Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg"> Rosalinda nears" data-url="https://www.pep.ph/news/22330/carla-abellana-excited-and-nervous-as-premiere-of-rosalinda-nears" data-desc="Carla received a bouquet of flowers from Marian Rivera." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/062bda1d4.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN