Are You the Next big Star? reveals its "bottom three" male and female contenders tonight

This week's episode cranks up the suspense for both audience and contestants as we find out who'll be the first male and female contestants to leave the show. It's not looking good for PJ Gonzales (above) who was judged the "worst performer" last Saturday.


Ngayong Sabado, after Pinoy Records sa GMA-7, siguradong magiging kapana-panabik, lalo na sa Circle of 16 na nakapasok sa Are You The Next Big Star? ang episode ngayon.

Magsisimula nang halos kabahan nang husto ang 16 contenders dahil magkakaalaman na kung sino sa kanilang walong babae at walong lalaki ang nanganganib na mapabilang sa bottom three. Tatlong babae at tatlong lalaki ang tatawagin ngayong Sabado at sa susunod na Sabado naman magkakaroon ng announcement kung sino sa Circle of 16 ang mauunang magpaalam.

Nakabatay na sa mga naging performances nilang 16 ang judgement ng mga judges na sina Annie Quintos, Mon Faustino, Danny Tan, Randy Santiago at Pops Fernandez.

Kung matatandaan, unang nagpakitang gilas ang mga babae sa big star stage kung saan tinanghal na "best female performer" si Francheska Farr, 16, ng Las PiƱas habang si Christine Allado, 18, mula sa Quezon City, ang napiling "worst performer." Batay ito sa scores na binigay ng mga hurado at ng jury na binuo noon ng mga lalaking kalahok.

Sumunod namang nag-perform ang mga lalaki, habang ang mga babae ang binigyan ng pagkakataon na husgahan sila. Ilan sa mga nakakuha ng positibong komento ay sina Geoff Taylor, Anton Cruz at Jay Perillo. Subalit sa huli, ang 23 taong gulang mula sa Cagayan Valley na si Geoff ang napiling "best male performer" habang ang 18 taong gulang na si PJ Gonzales naman ang worst.

But just the same, hindi maaapektuhan ng naging score or judgment sa kanila kung sino ang malalagay sa bottom three. It's still the judges' verdict sa overall performance na ipinakita nila sa mga nakaraang linggo.

Kung mapapansin din, masasabing malaki na rin ang in-improve ng Circle of 16 dahil na rin sa patuloy nilang pagdaan sa proseso ng total makeover. Mas may confidence na rin sila sa pag-perform at pagharap sa audience as compared noong una silang ipakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood din ngayong Sabado ang kanilang unang group performance at siyempre pa, ang big announcement na magaganap.

Ayon sa isa sa mga judges ng Are You The Next Big Star?, hindi raw madali ang trabahong ginagawa nila, lalo pa nga't mahirap daw pumili ng "next big star." Talagang halos lahat daw ay masasabing nasala na at may potential to be one. But of course, at the end of it, they have to come up with only one male and one female next big star.

Ang Are You The Next Big Star? is hosted by Regine Velasquez kasama si Keempee de Leon tuwing Sabado after Pinoy Records sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN