Dra. Vicki Belo can't understand why Katrina Halili sued her and Belo Medical Group

"Ngayon, parang nagbaligtad na yata ang mundo. Ang alam ko, biktima po ako rito. Ako ang pinakamalaking biktima, I think. Pero ang nangyayari ngayon, ako na ang idinedemanda. Ako na ang inaano na ako ang nag-upload ng videos. Anong nangyari rito? I think, it's time naman na magsalita ako para ipagtanggol ang sarili ko," says Dra. Vicki Belo.


Parehong nag-guest nang live sa Showbiz Central kahapon, July 5, sina Dra. Vicki Belo at Katrina Halili. Pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa dahil magkahiwalay ang dressing room nila at naunang sumalang si Dra. Belo kesa kay Katrina.

Pagkatapos manahimik ng ilang linggo mula nang pumutok ang kontrobersiyal na sex videos ng dating boyfriend ni Dra. Belo na si Hayden Kho, kasama ang iba't ibang babae kabilang na si Katrina, pumayag nang magpa-interview ng cosmetic surgeon upang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang Belo Medical Group.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si Katrina laban kay Dra. Belo dahil sa pagkalat ng sex videos nila ni Hayden, at sa Belo Medical Group dahil sa pagpapahintulot nito kay Hayden na magsagawa ng liposuction kay Katrina bagamat hindi pa raw sapat ang kaalaman nito.

Sa umpisa pa lang ay nagbiro ang Showbiz Central co-host na si Mo Twister na dapat ay mag-behave sila dahil noong unang pagkakataon na mag-guest si Dra. Belo sa show ay gumawa sila ng "fireworks" at maraming intriga ang lumabas. (Click here to read related story.) Kaya this time, silang dalawa ni Raymond Gutierrez ang nag-interview sa cosmetic surgeon.

DRA. BELO SPEAKS UP. Sinabi ni Raymond na since marami na ang lumabas na intriga, maraming tao ang naghihintay ng interview ni Dra. Belo, but it took her a long time bago siya magsalita. Why?

"Because in the beginning, of course, nasaktan din ako sa nangyari," sagot ni Dra. Belo. "Sobrang masakit talaga. I changed, e. I became [introverted]. I didn't go out. I just kept to myself. I wasn't talking to any of my close friends about it. Parang I needed to absorb it.

"Pero ngayon, parang nagbaligtad na yata ang mundo. Ang alam ko, biktima po ako rito. Ako ang pinakamalaking biktima, I think. Pero ang nangyayari ngayon, ako na ang idinedemanda. Ako na ang inaano na ako ang nag-upload ng videos. Anong nangyari rito? I think, it's time naman na magsalita ako para ipagtanggol ang sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Does she know how to upload things on the Internet?

"No, zero! The only thing I know to do is word processing. I don't even do e-mail. I don't know anything," sabi ni Dra. Belo.

Tanong naman ni Mo, "With all these cases going on now at nalaman pa na this week, you lost your father, he passed away... You're in the immigration watch list. May mga attacks sa business mo. When you look back about this year, ito ba ang pinaka-lowest point sa buhay mo?"

"I think, it's definitely one of the lowest, the lowest or the second lowest, because the last time I felt this depressed was when Atom [Henares, Vicki's husband] and I broke up. But now, it's on all fronts, e, it's all my business, it's my personal life... My father passed away. One of the reasons I opened the clinic in Cebu is so I can visit him every month. My Cebu clinic has been only open for four months, and then he left me already, so that's really painful.

"You know, Mo, as usual, I always look at the bright side. There's two sides to every coin. I've found out naman how much my patients love me. How much they give me support because before, it's a bit more impersonal—I'm the doctor, they are my patients. But now, they come to me with prayers and words of encouragement. My children have become more close to me. I'm closer to my brother and sister."

WHY HAYDEN DESERVES A SECOND CHANCE. Ayon kay Raymond, "A lot of people, napaka-negative ng tingin kay Hayden. So, is Hayden worth all these troubles?

"I always think about that. And I think, I've come to the conclusion that it's better to have loved and lost than never to have loved at all," sagot ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, walang regrets tungkol kay Hayden?

"No regrets."

Napatawad na raw ni Vicki si Hayden for what he has done. Ang tanong, para sa ibang tao, bakit kailangang bigyan ng second chance si Hayden?

"Well, I think, in the 29 years that Hayden has been alive, 28 years has been very good. If you look at his past records, his friends from school, everybody will say how a decent man he was. And I think, you know, everybody, somehow, I don't want people to judge his life for this one incident. I feel that everybody deserves a second chance."

KATRINA HALILI. Napunta naman ang usapan kay Katrina Halili, na sinasabing isa sa "major players" sa kontrobersiyang ito. Tinanong ni Mo si Dra. Belo: "What hurt more, Katrina having an affair with your longtime boyfriend na si Hayden, or Katrina suing you, especially with the fact that she was an endorser of yours and someone who you think you treated very well?

"Well, definitely, it's for having an affair with Hayden, because that's something that was so painful. There's nothing, it's a lost relationship, di ba? As far as the things she sued me for, I'm so sure that I'll be cleared. I know I haven't done anything. So I will win that part.

"It's really painful. I thought she's my friend. Four years of friendship. I defended both of them when there were rumors in the beginning, so it really hurt me, extremely painful on a personal level," sagot ni Dra. Belo.

Affected ba ang Belo Medical Group sa gitna ng kontrobersiyang ito?

"The employees are the one who are affected, not Belo Medical Group. I have 350 employees. They have families, may pinag-aaral, inaalagaan ang parents. And then ngayon, bigla na lang nasangkot ang Belo Medical Group na wala namang kinalaman sa uploading ng videos. Lagi nila akong tinatanong na, 'Paano nangyari yun? Paano nasangkot ang Belo Medical?' Iba kasi ang Vicki Belo, iba naman ang Belo Medical Group, corporation yun," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nagsasabi that Katrina was ill-advised sa mga huli niyang hakbang, kasama na ang pagsampa niya ng kaso laban kay Dra. Belo. Paano gusto ni Dra. Balo na matapos ang isyung ito?

"Well, I think, first of all, Katrina, dapat she should remember what she started this whole thing for, which was a search for justice and truth, di ba? Pero ngayon, yung mga actions na niya, ipapasara ang Belo Medical Group para mawalan ako ng lisensiya... Parang nawawala na siya sa original intent niya. So, I think, if she can remember and go back, because I support her. Of course, I also want the truth and I support her with that mission. If we're on the same team, then I think we'll be okay."

CHRISTMAS IN SERENDRA. Ayon kay Mo, sa umpisa ng show nila, sinasabi na nila how big their show that day dahil parehong live guests sina Vicki at Katrina. If ever, lumalakad siya sa hallway ng studio at nakita niya si Katrina, would she say hi to her? Would she acknowledge her? What would she want to happen?

"I think at this point, I will just be civil to her," sagot niya. "If she says hello, then I will say hello. It's not, you know, definitely no bastusan. No nothing. Medyo difficult for me kasi medyo na-shock ako sa ginawa niya sa pag-sue sa Belo Medical Group at sa akin. Kasi nung Christmas... You know naman when this agony or this calvary started December pa..."

Dugtong naman ni Mo, "Bilang kaibigan, I knew that nang malaman mo tungkol sa affair nina Hayden at Katrina, you actually took Katrina out for dinner and you confronted her as a friend. You said, 'Katrina, I know about your affair, what happened?' Pero you took her out for dinner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Dra. Belo, "What happened was Hayden was in the basement because he tried to commit suicide. So, at that time, it was Christmas and I called Katrina and asked her to come out with me for dinner. During the dinner, I asked her, 'Katrina, I need to know if you had an affair with Hayden'.

"And of course she said, 'I deny, no Doctora, never, ganyan.' So, I said, 'Katrina, it's very important to me that you tell me the truth. But before you answer, I'll ask the question again. I want you to know that I have seen some videos which definitely will prove to me that you did had an affair, but I just need it to hear it from you.'

"And then she said, 'Oo, Doctora, pero naglalaro lang naman kami. Hindi naman seryoso yun.' Ang tingin ko sa kanya, parang, oh my god, parang wala lang silang iniisip, parang nag-e-enjoy lang, parang ganun. And you know, they don't understand how much it would hurt me, di ba?

"And then, but in spite of that, she said, 'I'm really sorry, ano lang po ako, human, tao lang po ako, ganyan. Please forgive me.' So ako naman, I tried to remember the good things that she did for me, which she is naman. She's a good endorser, et cetera. And then I said, can I forgive this person? Then I thought, I think I can. Pareho lang naman sila ni Hayden. I already decided to forgive Hayden and they are equally guilty, so I want to forgive Katrina.

"So I thought it was okay. We ended well. Very civil, very quiet. We were out in Serendra, in Chelsea, so maraming tao. But really, I'm not the type to make sigaw or anything. At the end of the day, I greeted her Merry Christmas. I gave her a gift, a Chanel bag, and I thought, we were okay. So, after that, suddenly now, parang ano 'to, di ba? Nagbaligtad na naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Initial reaction when she found out from the news na dinemanda siya ni Katrina?

"Akala ko joke! Kasi, hindi talaga ako makapaniwala. Parang nandito pa ako, nagsa-suffer pa ako. Of course, heartbroken pa rin ako. Hindi naman ako ganyang kabilis mag-recover. And suddenly, nademanda ako, kinukuha pa ang lisensiya ko. Malpractice daw, eh, ang ganda-ganda naman ng katawan niya. Nag-enjoy siya ng katawan niya for two years. Bakit naman magsu-sue siya two years later na wala namang ka-damage-damage? So, it was really hard for me."

Last question, what is the next step for you, Dra. Belo?

"The next step for me is doing more of the same. I mean, I love more than anything else my clinic, my work. It's the thing that loves me back. It has never betrayed me. Human beings and people I trust, and love betrayed me. But my clinic, my patients love me constantly. So, I have decided to just be even better version of Dra. Belo and make Belo Medical Group the best in the world, I hope," pagtatapos ni Dra. Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN