Dennis Trillo reacts to rumor that Carlene Aguilar also has video with Hayden Kho

"Una, kinabahan ako para kay Calix, iniisip ko, anong iisipin nun paglaki. Hanggang dun lang naman ang inisip ko. Naisip ko din, wala namang lumalabas. So, sabi ko, hindi totoo. Wala namang point na maniwala ako," says Dennis Trillo about rumors that ex-girlfriend Carlene Aguilar also has a sex video with Hayden Kho.


Pagkagulat ang unang naging reaksiyon ng aktor na si Dennis Trillo nang nakarating sa kanya ang bulung-bulungan na isa rin daw ang ex-girlfriend niyang si Carlene Aguilar na kasama diumano ni Hayden Kho Jr. sa kanyang infamous sex-video collection.

"Nagulat ako siyempre. Nung una, alam kong magkaibigan sila dati. Sabi ko, marami kasing mga pangalan na lumalabas. Hanggang walang ebidensiya hindi ako maniniwala," sabi ni Dennis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang anak daw nila ni Carlene na si Calix Andreas ang naging concern ni Dennis nang makarating sa kanya ang naturang balita.

"Una, kinabahan ako para kay Calix, iniisip ko, anong iisipin nun paglaki. Hanggang dun lang naman ang inisip ko. Naisip ko din, wala namang lumalabas. So, sabi ko, hindi totoo. Wala namang point na maniwala ako."

Tinawanan lang daw ni Carlene ang issue nang itanong ito ni Dennis sa kanya.

LIKE FATHER, LIKE SON. Kinumusta rin ng PEP kay Dennis ang kanyang anak.

"Okay naman, one year and nine months na. Sobrang bilis ng panahon! Malungkot lang na hindi ko siya nakasama nung Father's day, kasi yun yung time na natrangkaso ako. Hindi ko siya nasundo, kasi, siyempre, mahahawa siya," saad ng binatang ama.

Anong nagpapasaya kay Dennis ngayong may anak siya na magda-dalawang taon na?

"Kakulitan niya. Nanggagaya na siya ng mga action at mga salita ng kahit sino. Nakakalakad na siya, nakakatakbo. Pero wala siyang simpleng lakad lang, lagi siyang tumatakbo, patalun-talon, sobrang hyper niya," kuwento niya.

Ano naman ang namana ng anak niya sa kanya?

"Mahilig sa music, nagra-rock band kami. Mahilig siya sa mga musical instruments, mga gitara, drums. Basta palo lang siya nang palo. Habang pumapalo siya, sumisigaw pa siya. Nakikita ko talaga yung sarili ko sa kanya, kaya aliw na aliw ako sa kanya."

Pati buong pamilya ni Dennis ay masaya raw kapag kasama nila si Calix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag hinihiram ko siya, isinasama ko din buong family ko. Every Sunday, nandun kami after SOP. Susunduin ko sila, tapos punta sila lahat sa bahay. Dun kami, inaaliw namin sarili namin habang pinapanood lang namin siya [Calix]."

Parehong artista sina Dennis at Carlene. Papayagan kaya ni Dennis si Calix kapag nagustuhan rin nitong mag-artista someday?

"Ayoko!" bulalas niya. "Makakagulo yun sa pag-aaral niya. Gusto ko tapusin niya muna, tapos bahala siya kung ano yung gusto niyang gawin. Kung yun yung talagang gusto niya, basta huwag lang niya pababayaan ang studies niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN