Janelle Jamer still gunning for international music career

"Ang manager ko ay parang nagbubuo siya ng girl group na parang Pussycat Dolls, pero ang tagal ng process nun. So ang plano, dapat ay maglu-launch ako sa Thailand. Pero dahil matagal pa siya, dito muna sa Pilipinas para makapag-start na tayo...bago ako lalabas ng ibang bansa," says Janelle Jamer.


Kung hindi kagandahan ang nasabi ni Freddie Aguilar sa mga Pinoy talent na sumisikat ngayon sa U.S., partikular si Charice Pempengco, si Janelle Jamer naman ay sobrang ipinagmamalaki ang talented Pinoy singers na umaarangkada ngayon sa international music scene. Itinuturing niya itong plus factor sa mga tulad niyang nangangarap na magkaroon din ng puwang na makilala sa buong mundo.

"Actually, now, sobra yung progress ng mga Filipino when it comes to being an international artist. Kasi parang ang dami, sunud-sunod yung opportunities, like Charice Pempengco... Hindi man sa U.S., yung iba nagki-click sa Malaysia, sa Singapore, di ba?

"So now, mas napapansin talaga ang talent ng mga Pinoy dahil na rin siguro may mga sikat na rin sa ibang bansa, like Nicole Scherzinger [of Pussycat Dolls], na half-Filipina," pahayag ni Janelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

So, sina Arnel Pineda ng Journey at apl.de.ap ng Black Eyed Peas, nakakatulong din para makita ang galing ng mga Filipino sa pagkanta?

"Oo naman, kasi once na na-recognize ka sa isang bansa, yung race mo, hindi na ganoon kahirap i-please yung ibang tao, na parang, 'Ah, another Filipino.' So, alam na nila na kapag Filipino, magaling talagang kumanta.

"Pati si [Manny] Pacquiao, nakakatulong. Sa totoo lang, because of him, talagang nabibigyan pa ng chance ang mga Filipino artists natin na mas makilala pa," saad ng singer-TV host.

GUNNING FOR FAME OVERSEAS. Nagkuwento rin ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowee ng mga plano niya bilang recording artist at kung paano siya nagkaroon ng shot sa international fame.

"Actually, na-discover ako after I left Wowowee. Yung babaeng manager ko [Julie Voughan] from Atlanta, dapat dadalhin niya yung Soulja Boy [American rapper], pero hindi nag-click. So, paalis na sana siya the following day going back to the States, biglang nakita niya ako sa Pilita's, naki-jam ako sa banda. Tapos, sabi niya, 'Why don't you try the music industry in the U.S., let's just make demo songs.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi ko, lasing pa ako noon, e, 'Why me, don't play around.' Tapos, pinakanta ako, impromptu. Tapos yun na, nagpunta na ako doon [sa U.S.]," kuwento ni Janelle.

"Noong una," patuloy niya, "hindi ko in-announce sa press, hindi ako nagpasulat sa press, dahil baka sabihin ay nasisiraan ako ng ulo. 'Ang dami-dami namang magagaling na singer diyan, bakit ikaw?' Hanggang sa noong nandoon na ako, nagulat ako dahil nandoon...like si Kevin Michael-Hollywood singer siya doon, e. Sila yung mga naging boss ko sa recording. Tapos, si Brian Kidd [isa pa niyang manager] kasi ay gumagawa rin ng music nina Britney [Spears], Beyonce, marami siyang artists, e. Siya rin yung sa 'Do You Know' ni Enrique Iglesias at remix ng 'Say My Name.'"

"Tapos, nag-aral din ako ng hip hop at belly dancing under Sizzy Kelly na dancer ni Beyonce. So, sobrang sinuwerte talaga."

Kailan ang launching ng album niyang Believer?

"Hindi ko pa siya ilu-launch. Pero hopefully by August ay ma-launch ko siya.

"Yung song ko na dadalhin sa Asia, demo songs lang siya sa States, ganoon siya ka-ano, e. So, pagbalik ko doon, sinasabi nila na ang hirap as a solo, e, kaya ilalagay nila kami sa group, Filipina, Japanese... Kaya naghahanap sila ng mga artists ngayon na marunong sumayaw at kumanta.

"Ang manager ko ay parang nagbubuo siya ng girl group na parang Pussycat Dolls, pero ang tagal ng process nun. So ang plano, dapat ay maglu-launch ako sa Thailand. Pero dahil matagal pa siya, dito muna sa Pilipinas para makapag-start na tayo. So, dito muna bago ako lalabas ng ibang bansa," pagbabalita ni Janelle.

Patuloy niya, "After nitong album, gusto ko ay isa pang business after nitong Baluarte Resto-Bar Grill, alam ko kasi na itong showbiz ay hindi permanente, e. Kapag nakaipon kasi ako, ilalagay ko sa bangko, bili ng bahay, tapos benta. Nasa real estate business kasi kami, e. At ako, hindi ako maluho, hindi ako mahilig sa Louis Vuitton. Wala akong signature na gamit, sobrang marunong ako sa buhay," pagmamalaki pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WOWOWEE. Nilinaw rin ni Janelle na malaki ang pasasalamat at utang na loob niya sa Wowowee. Naging co-host ng Wowowee si Janelle mula 2005 hanggang 2007.

"Malaki pa rin ang utang na loob ko sa Wowowee. So, kahit ano pa ang nangyari, wala akong masasabi sa Wowowee, the show, kundi salamat talaga.

"Actually, pag-uwi ko ng Philippines [mula U.S.], ang una kong ginawa ay dinalaw ko ang mga staff ng Wowowee. Nagkataon lang na naospital that time si Willie, pero hindi ko alam 'yon. So, kung hindi siya naospital, magkikita kami. Magha-'hi-hello' at kung hindi ako pansinin ni Willie, okay lang. Kung pansinin, mas okay, di ba?

"Basta, kung ano man ang nangyari sa akin sa Wowowee, prinsipyo ang pinag-uuspan doon. Kaya kahit sabihin nila na lumaki ang ulo ko o ang yabang kaya umalis sa show, hindi ganoon, e. Kasi kung malalaman lang talaga nila yung rason ko, mauunawaan nila talaga ako," pagtatapos ni Janelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN