Isabel Oli backs out of role as Babaeng Tuod in Narda

Isabel Oli backed out of Narda just a few days after it was announced that she will play the role of Ang Babaeng Tuod. The actress said that she has to take care of her ailing father first. She also dismissed reports that she is backing out because her ex-boyfriend Paolo Contis and ex-best friend Nadine Samonte are also in the cast.


Isabel Oli prioritizes her family over her career.

Last Wednesday, July 1, nag-story conference ang Narda ni Marian Rivera kung saan na-announce ang cast. Noong Linggo, July 5, may pagbabago na rito.

Pinagpalit sina Ehra Madrigal at Maggie Wilson ng natokang characters; si Ehra na ang Babaeng Lawin at si Maggie ang Babaeng Linta. Si Isabel naman, nag-back out na bilang Babaeng Tuod.

Kararating pa lang ni Isabel mula Singapore noong Biyernes, July 3, at alam na niyang siya ang Babaeng Tuod sa Narda. Alam niya ring makakasama niya sa serye ang kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis, na gaganap na Cobra, at ang ex-best friend niyang si Nadine Samonte, na siya namang Babaeng Impakta.

Nang marinig namin ang pag-back out niya, tinext namin si Isabel kagabi, July 6, upang alamin kung bakit. Mabilis naman siyang tumawag sa amin.

"Kailangan, e," bungad ni Isabel sa PEP. "Si Papa is not really that well. Biglaan nga ang dating nila ngayong gabi ng alas-dose [Monday midnight], dito na muna siya."

Cerebellar degeneration ang sakit ng ama ni Isabel na naka-base na sa Singapore dahil nandoon ang ilan sa mga kapatid niya. Noong una, inakalang Parkinson's disease ang karamdaman ng ama ngunit hindi pala.

Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, "Cerebellar degeneration is a disease process in which neurons in the cerebellum—the area of the brain that controls muscle coordination and balance—deteriorate and die."

"Isa-isang tinatamaan ang mga organs niya," sabi ni Isabel. "Una ang legs lang, tapos stomach, then lungs. Bago ako umuwi, throat na."

Bago pa man magpasimula ng issue, hindi raw iniiwasan ni Isabel sina Paolo at Nadine na makasama kaya siya nag-back out sa Narda.

Paliwanag niya, "Alam ko nang kasama sila sa series noong sinabihan akong kasama rin ako, di sana doon pa lang nag-back out na ako. Si Nadine, gusto ko na ring makausap para magkaayos kami. Si Paolo, naka-move on na ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas kailangan lang talaga ako ng daddy ko ngayon dahil hindi rin namin alam kung ibabalik ba agad siya sa Singapore o dito na talaga magpapagamot. Sino ba ang hindi nangangailangan ng trabaho, lalo na ako ngayon? Kaya lang, hindi talaga puwede kasi beck-and-call kaming lahat ngayon ni Papa.

"Sinabihan ako ni Ms. Wilma [Galvante] na hahanapan niya na lang ako ng ibang trabaho kapag naayos na namin ang schedule ng pamilya namin," pagtatapos ng GMA Artist Center star.

At press time, wala pang napipiling aktres na papalit sa role ni Isabel bilang Babaeng Tuod sa Narda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN