More Hayden Kho sex videos still being uploaded even if the issue has reached the Senate and the court

Despite the fact the controversial sex videos of Dr. Hayden Kho have already reached the Senate and the court, these videos continue to be uploaded.


Nasa Senado at korte na ang kontrobersiya ng sex videos ni Dr. Hayden Kho. Inakala ng marami na magtatapos na rin ang pagpapalabas ng iba pang videos pagkatapos magkakasabay na na-upload ang mga videos na kasangkot si Katrina Halili, ang bagong artista ng ABS-CBN na si Maricar Reyes, at isang Brazilian model.

Hindi ganito ang nangyari.

Nagkaroon ng pangalawang Maricar-Hayden video at maraming pangalan pa ang lumabas na isa-isang na-deny.

Nang mag-file na ng kaso si Katrina laban sa grupo ng Belo Medical Clinic, lumabas ang pangatlong video nina Maricar at Hayden kung saan parang nakikipag-usap na sila sa camera ng video. Mas malinaw na ito at mas mahaba.

Sa balitang nagkahulihan na raw ng mga unang nag-upload ng mga videos, dalawa pa ang bagong labas ngayon.

Una ay sa isa pang Brazilian model na pinakamahaba sa lahat. Parehong kuwarto ang nagamit para sa video na ito.

Si Maricar, may pang-apat nang video—isang 30-second video kung saan kinunan siya habang natutulog na naka-panty lang.

Sino ang nagpapalabas ng mga video na ito? tanong ng karamihan. Ang mas mahalagang tanong—Bakit sunud-sunod pa rin ang pag-upload at kailan ito titigil?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN