Roderick Paulate is in demand again to play gay roles

"Hindi ko nga alam kung bakit may bagong interest sa akin. Pansin ko nga. Kaya I won't get tired of gay roles. Ito naman ang gusto ng mga tao sa akin," says Roderick Paulate.


Mukhang in na naman ang komedyanteng si Roderick "Dick" Paulate mula nang mag-hit sa takilya ang indie film na Ded Na Si Lolo mula sa Sine Direk event produced by APT Entertainment at Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI). Walang dudang isa si Dick sa totoong dahilan kung bakit super-kuwela ang nabanggit na pelikula.

Ngayon, heto siya't kasama uli, in another gay role, sa pelikula nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid na OMG (Oh, My Girl!) ng Regal Entertainment at GMA Films. Napapanood na rin siya regularly sa Rosalinda bilang isa sa mahahalagang suporta nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

"Impressed ako kay Carla," sabi ni Roderick tungkol sa baguhang co-star. "Lumapit talaga sa amin noong una namin siyang na-meet, nagpakilala. Aba, mabait! Sabi ko, maganda ang breeding ng bata.

"Ay, hindi nakapagtataka dahil Delia Razon ang lola, Rey PJ Abellana ang father! Matatagal na sa showbiz, kumbaga. Si Gina [Alajar] nga, tinuturuan ang anak na si Geoff na tawagin akong 'lolo.' Na ayoko siyempre! Sabi ko kay Geoff, huwag niya akong matawag-tawag na lolo!" natatawang patuloy ni Dick sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

BACK TO GAY ROLES. Ginawa ring isyu ang pagtatrabaho niya sa GMA-7. For quite sometime, well, sobrang identified si Dick sa ABS-CBN. Marami siyang shows na sinamahan dito, kumbaga.

"Sa isip ng tao kasi," sabi ni Dick. "Masyado nga akong identified sa Dos dahil matagal ako sa kanila, kahit hindi naman naging exclusive ang contract ko sa kanila. Matagal na akong walang kontrata sa ABS-CBN. Pero nakakapag-guest na rin naman ako sa GMA-7. Puwede naman. Per project ako dito sa GMA.

"Hindi naman ako napapagod sa gay roles, kasi sa That's My Doc! sa Dos, lalaki ang role ko doon. Nagiging gay ang character kung minsan dahil nga sa research-research na 'yan. Surveys kasi 'yan, na marami ang nagkakagusto na nagbabakla-bakla ako. After that, Ded Na Si Lolo, matagal din. Kaya nabuhay na naman! May sequel yata yun na parang 40 days naman after."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Maryo J. de los Reyes ang may ideyang gawing bading ang role na Florencio sa Rosalinda.

"Para maiba doon sa original," sabi niya. "Matanda nga lang doon, binading para may ibang touch sa character. Masaya ang show. Nagdadrama ako rito na umiiyak, pero nakakatawa yung sitwasyon. Comic na sincere.

"Hindi ko nga alam kung bakit may bagong interest sa akin. Pansin ko nga. Kaya I won't get tired of gay roles. Ito naman ang gusto ng mga tao sa akin. Hindi ko nga alam. Hindi naman ako nawawala. Pareho din lang naman sa dati yung ginagawa ko, kaya lang, ang naririnig ko, na-miss daw nila ako sa big screen. Dagsaan nga sila sa panonood. Sabi nga ni Mr. Tony Tuviera sa akin, sana raw, ginawa na niyang mainstream. Hindi niya akalaing ganoon ang magiging pagtanggap ng mga tao sa movie.

"Ang usapan, seven days lang dapat palabas. Na-extend pa siya na inabot ng isang buwan. Kaya naramdaman nga ng marami, na-miss nila ako, at maski yung mga kasama ko na mapanood sa ganoong klaseng comedy sa big screen," pagtatapos ni Roderick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN