Ngayong nalalapit na ang eleksyon, mas lalo pang umiinit ang bangayan ng mga kumakandidato pati na rin ng kani-kanilang mga tagasuporta.
Kaya naman nanawagan ang aktres na si Rita Avila sa lahat na kung maaari, mula ngayong araw hanggang sa eleksyon sa May 9, ay puro positive vibes na lang ang pairalin.
Sa kanyang post sa Instagram nitong Martes, May 3, sinabi ni Rita na maaaring magkaroon ng maaliwalas na kapaligiran kapag pinairal ang pagiging positibo ng mga tao lalo na kapag may kasamang dasal.
Narito ang buong post ng Hanggang Makita Kang Muli star: