Marian Rivera excited over first taping day of Darna

"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon," says Marian Rivera about her preparations for the role of Darna.<


From her bonding workshop with her co-stars in the upcoming GMA-7 primetime series Darna, tumuloy na si Marian Rivera sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, yesterday, July 9, to meet PEP (Philippine Entertainment Portal) and other select members of the entertainment press for a merienda cena.

Mula sa Narda ay balik na sa Darna ang official title ng susunod na primetime series ni Marian.

"Maraming salamat po na nagkasama-sama tayo ulit," bungad ni Marian. "Bukas po kasi [July 10] first taping day ko na ng Darna at hanggang sa Sunday po, diretso ang taping namin."

Napi-pressure na ba siya sa pagganap niya sa papel na Darna?

"Ayaw ko pong isiping napi-pressure ako," sabi ni Marian. "Sabihin na lang po natin, excited na ako dahil three months din po akong walang trabaho. Na-miss ko rin po ang pagte-taping."

Paano niya pinaghandaan ang role niya bilang pinakasikat na Pinay superhero?

"Naging concerned po ako sa katawan ko. Kung dati kain lang ako nang kain kung ano ang gusto ko, ngayon, nagda-diet na ako. Nag-training po ako ng wushu dahil makakatulong 'yon sa akin sa stretching at sa paggamit ng harness. May mga eksena po kasing habang naka-harness ako, nagta-tumbling din ako kaya kailangang magaan talaga ang katawan ko. Kapag may time, nagdyi-gym din ako dahil kailangan ko rin 'yon.

"Sinabi na rin po nila sa akin na ihanda ko ang sarili ko dahil pupuluputan ako ng ahas sa eksena. Hindi naman po ako takot sa ahas, pero sinabi ko sa kanilang totoo at buhay na ahas ang gamitin nila sa akin para mas maramdaman ko ito," lahad ng aktres.

PLAYING DARNA. Sa mga nagsiganap ng Darna, sino ang mas tumatak sa kanya?

"Hindi ko po napanood yung ibang naunang gumanap na Darna. Pero 'yon pong Darna ni Angel [Locsin], paminsan-minsan po napapanood ko noon dahil that time, may soap ako sa hapon. Pero ang tumatak po sa akin talaga ang Darna ni Governor Vi [Vilma Santos], kasi 'yon po ang gagawin ko sa Darna, 'yong story po niya. Lahat po ay mula sa mga Ravelo [family of Darna creator Mars Ravelo], approved po nila lahat 'yon—costume, script, characters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready na ba siya na mai-compare, tulad ngayon na madalas siyang ikinu-compare kay Angel?

"Hindi naman po mawawala yung i-compare ako kay Angel," sagot ni Marian. "Hindi po kami magkagalit ni Angel. 'Tsaka magaganda naman po ang nababasa ko na binabati niya ako, na ako naman ang gaganap na Darna. Hindi ko po alam kung sinu-sino pa ang ibang gumanap na Darna, pero saludo po ako sa kanilang lahat dahil napakahirap po palang gampanan ang role niya."

Lumabas na ang totoong costume niya bilang Darna, na sabi'y napaka-sexy raw. Totoo bang dahil may pagka-conservative ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay nagalit daw ang young actor?

"Hindi naman po," paglilinaw ni Marian. "Ang sabi lang sa akin ni Dong, ingatan ko raw ang sarili ko. Pagkatapos ng take, mag-robe daw agad ako para hindi ako magkasakit. Wala naman po siyang sinabi, very supportive po siya sa akin dito sa Darna."


DINGDONG DANTES. Speaking of Dingdong, madalas daw ipagluto ni Marian ang aktor. Ano ang paborito niyang lutuin for Dingdong?

"Iba-iba po. Masipag po talaga akong magluto kapag wala akong ginagawa. Kung minsan, kesa lumabas pa kami, nagluluto na lang ako at sa bahay na lang kami kumakain. Paborito niya ngayon sa luto ko, chicken curry. Pero gusto pa rin niya ang sinigang at menudo," nakangiting sabi ni Marian.

Ibig bang sabihin nito ay sila na ni Dingdong habambuhay?

"Sana," sambit ni Marian. "Ang mahalaga, masaya kami, ini-enjoy namin ang ginagawa namin. Kung kami, kami talaga."

Ibig sabihin, hindi sila nagseselos sa isa't isa?

"Wala naman pong dapat o dahilan para magselos. Kung meron man po, asaran lang. Pero after five minutes, magkasundo na ulit kami."

Wala na bang selosan dahil "nakuha" na niya si Dingdong?

"Hindi ko po siya kinuha, ako ang kinuha niya!" at napahalakhak si Marian. "Happy po ako dahil alam na ng lahat ang totoo, at siya ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko ngayon. Simula pa po nang una kaming magkasama sa Marimar, todo-suporta po siya sa akin. Lagi niyang sinasabi, nasa likod ko lang siya. Anuman ang gawin ko, nandoon lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita naman ninyo kung gaano niya ako ipagtanggol noong time na maraming intrigang dumating sa akin. Hanggang ngayon po, ganoon pa rin siya sa akin, hindi po siya nagbabago."

Patuloy niya, "Noon nga pong trade launch, noong una kong isinuot ang Darna costume ko, ninenerbiyos po ako talaga dahil first time kong isinuot 'yon sa harap ng ganung karaming tao. Sabi po niya sa akin, 'Kaya mo 'yan. Hindi ka nila kukunin for the role kung hindi nila alam na makakaya mo 'yan.'"

Susuportahan ba niya si Dingdong kapag ito naman ang nagsimulang gawin ang hiwalay niyang soap na Stairway To Heaven? Sino ang gusto niyang makatambal ni Dingdong?

"Sino-sino po ba ang napipisil na makatambal niya?" balik-tanong ni Marian. "Hindi ko pa po alam kung meron na. Pero kahit sino ang makatambal niya, susuportahan ko siya tulad ng pagsuporta niya sa akin dito sa Darna."

PRODUCT ENDORSER. Bukod sa TV and movie projects ay sunud-sunod din ang product endorsements ni Marian. Ilan na ba ang endorsements niya?

"Twenty-four na po," sagot niya. "Sa ngayon po, ang pinaka-latest ko ay ang SM Residences. Pero nag-renew na rin po ang Fit & Right. Dapat may shoot din ako ng TVC ng Maxi Peel sa bago kong contract, kaya lang may taping nga po ako.

"Natawa sa akin si Momsie [Popoy Caritativo, Marian's manager] dahil tinanong ko siya kung bakit may mga billboards ako ng SM Residences na nawala na sa EDSA. Yun pala, kapag sold-out na, tinatanggal na nila dahil kapag may inquiry at sinabi nilang sold-out na ang units, tinatanong bakit daw naka-display pa ang billboard yun pala ay sold-out na. Mayroon pa pong bagong lalabas, along Tomas Morato. May itatayo din sila somewhere in that area."

SEXIEST WOMEN. This year ay No. 2 lang si Marian sa FHM Philippines' Sexiest Women in the World, kung saan ang No. 1 ay si Cristine Reyes. Last year ay si Marian ang nag-No. 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang po kung number two ako. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil ang dami rin pong bumoto sa akin. Sayang lang na hindi ako makaka-attend ng party tonight [July 9] dahil may pictorial po ako," sabi ni Marian.

Pagbibigyan na ba niya ang FHM para mai-pictorial siya for the cover?

"Hindi ko po masagot kung mapagbibigyan ko ang FHM kasi pumasok na po itong Narda. Siguro puwede kung Darna po ang ipi-pictorial nila," saad ni Marian.

DETRACTORS. Patuloy pa rin ang mga intriga kay Marian mula sa mga detractors niya na pinaniniwalang mula sa kabilang network. Ngayong may bago na naman siyang show, ini-expect ba niya na madagdagan pa ang pang-iintriga sa kanya?

"Hayaan na lang po natin sila," sagot niya. "Pero nakatutuwa po pala si Roxanne [Guinoo, ABS-CBN talent]. Magkasama po kami sa Tarot at bakla rin po pala siya, jologs!

"Sabi niya nung minsang nagkuwentuhan kami, 'Bakit ganoon sila, ang bait-bait mo naman pala. Sabi nila prima donna ka raw, pero dumarating ka naman on time sa set. At kapag hindi ka nagti-take, nasa isang tabi ka lang. Paninira lang pala 'yon sa 'yo.' Ang dami ko tuloy nalaman sa kanya na paninira nila sa akin!"

Nang tanungin kung sino ang mga naninira sa kanya, ito ang sinabi ni Marian: "Huwag na, secret. Sa amin na lang 'yon ni Roxanne!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN