Lovi Poe takes on a mature role in the upcoming indie film Sagrado Pamilya

"I think mababago na talaga ang image ko dito, medyo adult and mature na. This will show a change in me. Kasi dati, they usually see me doing the same stuff on TV. Parang ganoon lang. I want to show them a different me," says Lovi Poe about her role in Sagrado Pamilya.


Hindi nagpapahalatang ninenerbiyos si Lovi Poe these days, lalo na't nakatakda nang mag-umpisa ang shooting para sa indie film ng Legalas Entertainment, ang Sagrado Pamilya. Si Joel Lamangan ang magdidirek nito, at sinasabing ito ang magsisilbing launching movie ni Lovi.

"May nerbiyos, pero excited," sabi ni Lovi nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Sagrado Pamilya, na ginanap sa Grilla ng Robinson's Pioneer.

Patuloy niya, "Alam ko na strict daw siya, but once you are handled by Direk Joel, sa akin din magre-reflect yun, gaya sa iba ring directors na mahusay ang reputation. Yun talaga ang gusto ko. Masaya ako."

It's really a big acting piece for Lovi, ayon nga sa kanya. Nabasa na niya at pinag-aaralan ngayon ang script na isinulat ni Raquel Villavicencio.

"It's really dark and heavy," sabi niya. "Very challenging, but let's see kung ano ang magagawa ko for that. It will just come out naturally. Ganoon naman ako, kapag nabasa ko na ang script, sa set, automatic na yun. 'Pag nandoon na ako, it suddenly comes into me."

A DIFFERENT LOVI. Anu-ano ang expectations ni Lovi sa proyektong ito? Ayon nga kay Direk Joel, if Lovi comes out fine here, tiyak daw na magwawagi siya ng acting awards.

"Feeling ko, mahirap talaga ang movie na ito," sabi ni Lovi. "It will not be easy, but I want it to come out beautiful. Kasi mahuhusay naman ang mga katrabaho ko rito, from the scriptwriter, to the director, to my co-actors—Gloria Diaz, Snooky Serna, Emilio Garcia, Felix Roco, and the others."

Naniniwala rin si Lovi na tutulungan at susuportahan siya ng mga mahuhusay na artistang ito.

"I think mababago na talaga ang image ko dito, medyo adult and mature na," tahasang sabi young actress-singer. "This will show a change in me. Kasi dati, they usually see me doing the same stuff on TV. Parang ganoon lang. I want to show them a different me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon ng ina niyang si Rowena Moran sa daring scenes na inaasahang ipagagawa sa kanya sa pelikula?

"Maraming mahihirap na eksena!" at natawa na lang si Lovi. "As an actor, kailangan kong gawin ang mga yun, pero may paraan how to do them artistically and tastefully. Hindi ko pa sure kung paano nga mae-execute ang mga eksenang yun. But then, for me, once you want to be taken seriously, ganitong roles na dapat ang gawin mo as an actor. Just give your heart into it.

"I play the role of Snooky Serna's daughter here, na nang mag-OFW siya, doon naging dysfunctional yung family. Hindi ko na iri-reveal yung twists and conflicts. Surprise na lang ang mangyayari sa characters, pero may mga grabeng mangyayari sa family namin dito, na yun ang dapat sundan sa istorya."

BACK TO I.S. Bago pa ang ganitong career move ni Lovi, nabalitaan nang naka-enrol si Lovi sa Miriam College para sa kursong Psychology. Pero hindi nagtagal, bumalik siya sa International Business School para sa kanyang Management course na unang tine-take doon.

"Nagkaproblema talaga sa skeds, na hindi ko na kakayanin ang demands sa akin. Kaya habang mas maaga, nag-quit na ako. Gusto ko lang i-correct yung ibang chika na na-kickout daw ako doon, or something. They can check out, kasi matataas ang grades ko, e. Medyo strict din sila talaga doon, lalo sa mga nag-aartista.

"Kung nagpapatuloy ako sa Miriam, baka hindi ko magawa itong Sagrado Pamilya. They would certainly not allow me to do it. Kaya mabuti na rin yung habang may time pa para ipagpatuloy ko yung una kong course, nakabalik ako sa dati kong school," paliwanag ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN