FHM's sexiest woman Cristine Reyes says recent breakup with Dennis Trillo is final

"Di ba, sabi ko, talagang paghahandaan ko? Talagang ang makikita lang nila yung seksing-seksi na Cristine, yun po," says Cristine Reyes a few moments after walking the ramp at the presentation of FHM's 100 Sexiest Women last night.


Halos lahat ay nagsasabing napaka-sexy ni Cristine Reyes sa presentation ng FHM Philippines' 100 Sexiest Women 2009 sa World Trade Center kagabi, July 9. Si Cristine ang nanguna sa annual list ng pinakaseksing mga babae sa Pilipinas ngayong taon.

Balitang maaga pa lang daw ay nasa venue na ang young actress upang mag-rehearse ng kanyang production number. Pero madaling-araw na ng July 10 nang lumabas si Cristine sa stage para sa finale at pagbibigay sa kanya ng plaque of recognition bilang Philippines' Finest ng FHM this year, winning over past winners Marian Rivera (No. 2), Angel Locsin (N0. 3), and Katrina Halili (No. 4).

Naka-black two-piece bikini si Cristine nang rumampa siya sa stage na mala-Catwoman ang dating. Bukod sa kanyang angking kaseksihan, very evident din ang pagiging flawless niya at confidence habang rumarampa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa backstage ng World Trade Center pagkatapos ng event. Halatang masayang-masaya pa rin siya sa recognition na natanggap niya.

"Sobrang nate-tense po akong talaga bago yung number ko," nakangiting sabi niya. "Sigaw ako nang sigaw, kasi nga nate-tense ako. Buti okay naman noong lumabas na ako. Hinahanap ko yung family ko, mga kaibigan ko, kaso hindi ko na sila makita.

"Pero very happy po ako dahil habang nagme-makeup ako, ang dami kong mga kaibigan na pinupuntahan ako sa backstage. Sinasabi nila na congratulations nga raw po, pinapalakas nila yung loob ko. Sobrang nakakatuwa po talaga yung suportang ibinibigay nila sa akin."

Sobrang sexy ang napili niyang isuot nang rumampa siya. Talagang pinaghandaan niya ba yun?

"Opo!" bulalas niya. "Di ba, sabi ko, talagang paghahandaan ko? Talagang ang makikita lang nila yung seksing-seksi na Cristine, yun po."

TWO MOTHERS. Isa sa nanood kagabi ay ang mommy ni Cristine na si Mrs. Frances Klenk. Aprubado ba rito o ine-expect ba ng mommy niya na ganun kaseksi ang isusuot niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman po niya na siyempre, sexy po. Pero hindi ko pa po kasi nakita ang mommy ko. Hinahanap ko nga po siya noong nasa stage ako, pero hindi ko siya nakita. Hindi ko pa alam kung ano ang reaction niya. Pero happy naman po siya na ako nga po ang nag-number one," lahad ni Cristine.

Bakit wala ang kanyang ate na si Ara Mina?

"Si Ate po? Ay, hindi ko po alam... Ang alam ko kasi, kagagaling lang niya ng ibang bansa," sagot niya.

Hindi lang ang ina ni Cristine ang nanood kagabi sa World Trade Center kundi maging ang mommy ng ex-boyfriend ng young sexy actress na si Dennis Trillo, si Mrs. Rita Ho. Tila sinuportahan at pinanood din ng ina ni Dennis ang dating kasintahan ng kanyang anak.

"Si Mommy Rita, siyempre happy ako na nakarating siya, napanood niya. Magka-text naman kami at noong inimbitahan ko siya, okey naman. Basta happy ako na nandiyan ang suporta ng family ko, mga friends ko," sabi ni Cristine.

FINAL BREAKUP. Dahil naroon ang ina ni Dennis sa FHM event, puwedeng isipin na baka hindi pa rin talaga break ang aktor at si Cristine; at tulad ng mga nakaraang pagtanggi nila, yun pala ay sila pa rin?

"Hindi, wala na, wala na talaga. Break na," diin ni Cristine. "Okey na ako ngayon. Nakapag-move on na ako. Masaya na ako. Maraming blessings, kagaya nito, so walang dahilan para malungkot ako. Yung kami pa, hindi na talaga, break na talaga."

Nang makausap ng PEP si Dennis, sinabi nito na hindi naman daw recent lang ang breakup nila, contrary sa pahayag ni Cristine na recently lang ito nangyari. So, kailan ba talaga sila nag-break? (Click here to read related story.)

"Recently lang po talaga, yun ang totoo," sagot ni Cristine. "Pero huwag na lang nating pag-usapan. Okey na yun. Ayoko na ring pag-usapan. Basta, wala na po, final na, wala na talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Final na ba talaga ito?

"Yes," mabilis niyang sagot. "Open na rin po ako sa suitors! Ngayon po, nag-e-enjoy lang ako na lumalabas-labas kasama ang mga friends ko. Happy po ako sa support ng mga friends ko."

Nakapag-usap na ba sila ni Dennis after their breakup?

"Hindi po, walang usap. Parang wala na lang closure. Yun na yun, break na."

Was it a bad breakup?

"Yes, oo," pag-amin ni Cristine. "Pero okey na rin po na ganoon. May mga bagay na mas dapat na bigyan namin ng focus. 'Saka before, on and off naman po. So ngayon, talagang wala na."

CARLENE & PAULEEN. Dalawa sa babaeng naugnay at nauugnay kay Dennis ang nasa listahan din ng FHM's Sexiest Women this year—sina Carlene Aguilar at Pauleen Luna, na parehong present that night at may kanya-kanya ring production number. Nagkaroon ba ng chance na makita ni Cristine sina Carlene at Pauleen?

"Hindi po, e, maikling sagot ni Cristine.

Ano ang masasabi ni Cristine na kay Pauleen naman nali-link ngayon si Dennis?

"Okey lang po, dedma na. Wala naman na kami, di ba? So, okey lang yun. Wala na po ako dun."

Hindi na niya pagseselosan si Pauleen?

"Hindi. Bakit pa, di ba? Wala na nga," nakangiti niyang sabi.

RR ENRIQUEZ. Kung may isa pang inaabangan ang entertainment press last night ay ang pagkikita nina Cristine at RR Enriquez. Bagamat kasali rin si RR sa 100 Sexiest Women ng FHM ay hindi ito nakapunta.

May balitang dapat ay ay may spot number din si RR, pero nang malaman daw nito na si Cristine ang number one ay hindi na ito tumuloy. Matatandaang nagkaroon ng alitan ang Banana Split co-stars dahil sa pagpapalitan nila ng text messages.

Ano ang masasabi ni Cristine dito?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Siguro mas maganda kung siya na lang ang tanungin n'yo kung bakit, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN