Brillante Mendoza will be juror at 62nd Film Festival Locarno in Switzerland this August

The prestigious event, which has launched the careers of many of today's best directors, can be said to have discovered Brillante Mendoza as well. His film, Masahista, won the Golden Leopard in 2005.


Ang nanalong best director sa 2009 Cannes International Film Festival para sa pelikulang Kinatay na si Brillante Mendoza ay napiling maging isa sa mga member ng jury para sa 62nd Film Festival Locarno sa August 5 to 15 in Switzerland.

Galing ang report mula sa Philippine Ambassador to Switzerland na si Maria Theresa P. Lazaro. Magiging jurado si Mendoza sa "Filmmakers of Present Competition" sa naturang international film festival.

Ang pagpili kay Mendoza ay isa raw "recognition of the Filipino's artistry, creativity and technical mastery."

Sa Locarno film festival unang nadiskubre ang pagiging mahusay na filmmaker ni Brillante Mendoza. Nanalo in 2005 ang kanyang pelikulang Masahista ng Golden Leopard in the Video Competition.

Every year ay sa buwan ng August ginaganap ang Film Festival Locarno since 1946. Ang main feature nito ay ang open-air screening space sa Piazza Grande na may higit kumulang na 8,000 spectators. Ang top prize nga sa festival para sa best film ay ang tropeo na kung tawagin ay the Golden Leopard.

Ang iba pang awards ay ang Leopard of Honour for outstanding director's career at ang the Prix du Public UBS for the public's choice.

Marami na nga raw nai-launch na mga careers in film directing ang naturang festival. Kabilang dito ay sina Claude Chabrol, Stanley Kubrick, Milos Forman, Michelangelo Antonioni, Marco Bellocchio, Alain Tanner, Mike Leigh, Spike Lee, Alexandr Sokurov, Abbas Kiarostami, Kim Ki-Duk at marami pang iba.

Inaasahan na 180,000 cinema goers, 1,100 journalists at 3,400 professionals ang darating sa small Swiss-Italian town ng Locarno na kilala bilang summer capital ng Switzerland. Located ang Locarno sa crossroads ng three major regions ng Switzerland na nagiging attraction ng three major Europen cultures: Italian, German and French.

"Locarno knows no borders, whether geographic, thematic or stylistic, and via its dozen different sections welcomes all kinds of films, and all kinds of formats," banggit pa ni Ambassador Lazaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang pelikulang Kinatay (The Execution of P) na nagpanalo kay Mendoza ng Best Director sa Cannes ay ipalalabas sa ika-30 ng Hulyo. (Click HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN