Iwa Moto wants to be No. 1 in FHM's sexiest list someday

It's lucky that she's not afraid of snakes, says Iwa Moto, because she plays Valentina, the snake-headed villain in Narda, the Darna TV series topbilled by last year's FHM's sexiest woman alive, Marian Rivera.


Si Iwa Moto yata na top 5 locally bilang FHM Finest ang isa sa mga celebrity na may pinakamaraming exposure sa nakaraang FHM event sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi, dahil tatlong beses siyang bumalik sa catwalk at tatlong beses din siyang nagpalit ng damit.

Bagamat masasabing seksi na sa kanyang kasuotan, tila bitin pa rin daw ang mga tao, especially ang mga kalalakihan, sa ipinamalas niya.

"Naku, hanggang ganoon lang kasi ang kaya kong ipakita! Ha ha ha! Malay n'yo, sa susunod, sa isang taon! At saka, sa akin kasi, one step at a time. Thank you kay Chariz Solomon dahil sa kanya yung damit na isinuot ko sa summer dress. Yung dala ko kasi, hindi maganda," natatawa niyang sabi.

Pinili niya bang maging number one or number two?

"Oo... sana naman. Hindi ba, top five ako ngayon? Lahat ng nakasama sa top five, nag-number one na, ako na lang ang hindi. Si Cristine top one. Si Angel Locsin nag-top one na dati, si Katrina Halili, si Marian Rivera, ako na lang ang hindi pa.

"So ako, wini-wish ko, alam mo yun? Ha ha ha!"

Anong pakiramdam na habang rumarampa siya kanina, may hiyawan at palakpakan mula sa mga boys?

"Masaya! Masaya siyempre kasi maganda 'ko ngayon!" natatawa niyang sabi. "Feeling ko ang ganda ko!"

Noong Friday ginanap ang first taping day nila for Narda at ang alam daw niya, may suot-suot na siyang ahas. At good thing nga raw na wala naman siyang takot sa ahas dahil ang role niya ay si Valentina.

GREAT SUPPORT FROM MARIAN. Masaya rin daw siya na hindi pa man, nagpapakita na rin ng suporta sa kanya si Marian Rivera bilang Darnanaman at siyang makakaeksena nga niya nang madalas.

"Kaninang nag-workshop kami ni Marian, sabi niya sa akin, Iwa, galingan mo. I know you can do it. Huwag kang mag-alala, susuportahan kita. It's our first time to talk at sobrang na-touched ako, coming from her na alam mo, kaya ko yan..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinanggi ni Iwa na at first, nandoon daw talaga ang takot na si Marian ang makakasama at makakaeksena niya nang madalas.

"Siyempre, noon una, nandoon yung takot kasi nga, may mga naririnig ako. Hindi ko pa naman kasi siya kilala, as in, hindi ko pa siya ka-close. Pero ngayon, wala! Kasi, mabait si Marian. Sabi niya sa akin, huwag kang mag-alala. Kung kailangan mo ng help ko, tawagin mo lang ako. Kung nai-stress ka, lapitan mo ko."

Mali raw ang mga nababalita na attitude ni Marian. Sey niya, "I've proved them wrong. Sa akin kasi, mabait siya, so, hindi ko alam sa ibang tao, pero, sa nakikita ko, mabait si Marian."

Mabilis at paulit-ulit na "oo" ang sagot niya when asked kung may malaking pressure ba sa kanya ang pagganap ng Valentina especially as there were other actresses who also wanted the role?

"Oo, oo, oo! Malaking pressure! Siyempre, natatakot ako na baka may ma-comment sila. Pero alam n'yo yun, gagawin ko na lang ang trabaho ko nang maayos."

A BACK STORY FOR VALENTINA. Sino sa mga naging Valentina ang gagawin niyang peg?

"Si Ma'am Celia Rodriguez, nag-uusap kami palagi. Every time na nagkikita kami, nag-uusap kami on how to attack differently from other Valentina, so, yun."

Pero ayon kay Iwa, ibang-iba raw si Valentina sa makikilala ng mga manonood.

"Ibang-iba po talaga. Kasi, ang Valentina ngayon, may pinagmulan kung bakit siya naging masama. Hindi lang siya masama all throughout. Mabait siya to the point na mag-best friend sina Valentina at Narda."

In real life, puwede kaya silang maging mag-best friend ni Marian?

"Bakit naman hindi? Ako, friendly ako... sobra! Alam n'yo yun, kahit kanino, kaya kong maging friendly sa lahat."

Ang Valentina na kaya ang magiging hudyat para sumikat na nga siya nang husto?

"Wish ko, wish ko!" nakangiti niyang sabi. "I would love na yung career ko maging maganda siyempre. Trabaho ko 'to, e, love ko 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN