Dingdong Dantes sees twin happiness in making Kimmy Dora with Eugene Domingo

Dingdong Dantes so enjoyed working with Eugene Domingo in the TV series Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, that he hoped they'd make a movie someday. "Kakaiba talaga ang energy niya, yung sense of humor niya, on and off screen, talagang kakaiba ang presence," enthused the actor about Uge.


Nagkaroon na ng pictorial para sa pelikulang Kimmy Dora na isa sa mga producer ay si Piolo Pascual and will be distributed by Star Cinema, with Eugene Domingo in her first lead role as Kimmydora and no less than Dingdong Dantes as her leading man.

Nakausap ng ilang TV crews at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong in between breaks nito sa pictorial sa Edward dela Cuesta photography studio kagabi at ikinuwento ng actor ang magiging takbo ng kanyang role as Uge's leading man.

"Ang role ko rito sa Kimmy Dora, kumbaga, ako ay isang financial partner sa Go Dong Hae. Ang isang korporasyon na ang presidente ay si Kimmy, played by Eugene Domingo. Pero ang gusto kong character rito ay si Dora-also played by Eugene."

Dalawa nga ang personality ni Uge sa movie bilang kambal na sina Kimmy at Dora. Pero on his part, paano nga ba siya napapayag na gawin ang project na ito?

"Ako, kumbaga, right after na magkasama kami sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, sabi ko, I can't wait for the day na makasama ko siya sa isang movie because I really enjoyed working with her sa TV show.

"And kakaiba talaga ang energy niya, yung sense of humor niya, on and off screen, talagang kakaiba ang presence."

So, we can expect na magpapatawa rin siya rito?

"Hindi naman, hindi naman... ang role ko rito seryoso, e. It's the situation that is funny. Pero yung character ko, seryoso talaga and the thing is, very much in love siya sa character ni Dora."

KISSING SCENE. Dugtong pa ni Dingdong, "Matagal na rin kaming nag-uusap ni Direk Joyce Bernal who is also one of the co-producer of this film and matagal na kaming nag-uusap na mag-collaborate sa isang project. Na gumawa ng isang project na talagang enjoy lang and at the same time, maise-share namin ang enjoyment namin sa manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa they came out with this project with Piolo and they came out with this idea and invited me to be a part."

Anong maaasahan ng manonood sa pagpapareha nila ni Uge rito, may kissing scene bang magaganap?

"Wala pa kaming nasu-shoot na ganoon. Pero, ang experience kasi namin sa set na ito, kapag nasa set na kami, nagbabago na ang script nang kaunti dahil sa input ng mga characters. Dahil sa bagong input ni Direk Joyce, so, yung script is always a work in progress, so, kapag na-shoot mo na siya, exciting siya.

"Yung mga romantic scenes na yan, hindi natin alam kung magkaroon ba, kung gaano katindi, lahat yan, depende sa mood sa araw na yun."

Parang excited yata si Uge na may kissing scene? "Naks!" natatawang reaction ni Dingdong. "Basta siya ang masusunod!"

Game naman siya? "OO, siyempre!" natatawa naman niyang sabi.

ADORABLE DORA. Ang character ni Dora sa movie ay tipong isip-bata talaga. In real life, posible ba siyang ma-in love sa tulad ng character ni Dora?

"Oo! In fact, mas gusto ko talaga ang character ni Dora. Kasi, siguro bukod sa ipinapakita niya yung sabihin na nating childish way, more to it ay yung heart ng character na nagugustuhan ko. Yung kung gaano siya katotoo sa mga tao sa paligid niya. Hindi lang sa mga tao kung hindi pati sa hayop, sa bagay, at makikita mo ang difference ng dalawa between Kimmy and Dora."

Pinapili ba siya kung anong character ang gagawin niya?

"Hindi, I think the script was tailored made and they already have me in their script. So, sa umpisa pa lang, nandoon na."

Tila originally, silang dalawa dapat ni Piolo ang leading men ni Uge. Okey lang ba sa kanya na siya na lang ang natuloy as an actor and Piolo will remain on the producer side?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi... kasama siya, pero, in a very special role siguro. Hindi pa namin alam kasi, hindi pa naman tapos ang shooting. Marami pang puwedeng mangyari."

Would he say na parang follow-up na rin ito sa pinagsamahan naman nilang Ponds commercial?

"Yes, it's one and ako, I believe na you know, he's trying to do something in the industry and he wants to contribute something and saludo ako sa ganyan du'n. At pagdating sa larangang yun, e, pareho kami ng adhikain."

Ang Star Cinema ang magdi-distribute ng film. And it's first time na makakatrabaho niya ang mga taga-Star Cinema?

"Yes, first time kong magkaroon ng proyekto na ang magdi-distribute ay ang Star Cinema. Pero, almost all of the people naman na nakasama namin sa production naman, mixture na of people from different sectors na. Ito yung mga grupo ng magkakaibigan."

Posible kayang simula na ito na makita rin siyang gumawa sa Star Cinema? "Hindi natin masasabi yan. Ako ay under contract pa sa ngayon sa GMA Films naman."

DINGDONG'S DVD/CD. Kinamusta na rin namin kay Dingdong ang bago niyang project, ang malapit nang i-launch na album niya under Universal Records, ang The Dingdong Dantes Experience, kunsaan naglalaman ito ng CD at DVD.

Kumbaga, hindi na nga lang siya isang actor, director, host, kundi isa na rin siyang recording artist?

"Hindi naman," nakangiti niyang sabi. "Yes, I am coming up with an album but it's a documentation of all of my experiences with Universal Records. Hanggang doon na lang muna ang sasabihin ko but we will have the formal launching at makikita n'yo at mae-explain ko lalo sa inyo in the coming days or in the coming weeks. Pero sa ngayon, hanggang doon na muna ang masasabi ko."

Lahat nga ng genre ay masasabing nagawa na niya at kung sakaling mag-hit siya sa recording, we could say na successful niyang nagagawa ang lahat ng ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi naman. Ito kasi, this was an opportunity given to me at natutuwa ako kapag nag-e-enjoy ang tao. Naniniwala ako na kapag na-experience nila ang album na ito, definitely ay mag-e-enjoy sila."

Kakanta rin ba siya rito?

"Hindi... hindi... basta, aarte pa rin. Dingdong, the actor pa rin. It's a new opportunity for me. Hindi ko naman sinasabi na lilipat na ako ng field or interest. Kumbaga, this is a bonus for me as an artist. It is an extra opportunity for me to make people happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN