Marvin Agustin's special regard for Jolina Magdangal has matured

Single dad Marvin Agustin loves talking about his twin sons who will be turning four this year: "Makukulit sila, mas bibo sila kaysa sa akin. Matatanong, they are intelligent kids, smart boys at mababait na mga bata."


Tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Dennis Trillo, si Marvin Agustin ay binatang ama rin.

Pero kaiba sa ilang aktor na nag-deny muna at umamin nang sukol na't di na kaya pang itago ang katotohanan, sa simula pa lang ay nagpakalalaki na si Marvin na aminin ang pagiging ama at tanggapin ang responsiblidad.

Sa interview namin sa aktor sa nakaraang launching ng PLDT Negosyo Boost sa NBC Tent last Friday ay agad na kinumusta namin kay Marvin ang kambal na anak. Tulad ba ng iba ay hindi niya papayagang mag-artista ang mga ito, kahit magpakita ng kagustuhang pumalaot ang kambal sa mundo ng showbiz?

"Kung yun ang happiness nila bakit natin pipigilan. Pero siyempre yung school is very important, lalo na ngayon na kaya ko naman silang pag-aralin, I can afford them good education. Siguro dun muna but eventually unti-unti naman yun, pag nagustuhan nilang mag-showbiz, di ako hahadlang."

Amang-ama na kinuwento sa amin ni Marvin na ngayon ay super kulit at nakatutuwa ang kambal na anak.

"Makukulit sila, mas bibo sila kaysa sa akin. Matatanong, they are intelligent kids, smart boys at mababait na mga bata. They're turning four this year. Kamukha ko sila pero mas kamukha nila ang mom nila."

FEELINGS FOR JOLINA HAVE MATURED. Marami sa mga solid Jolina-Marvin fans ang natuwa na madalas na silang nakikita ngayon bilang magkapareha sa Adik Sa 'Yo. Marami tuloy ang umaasa na baka sa huli, ang dalawa pa rin ang meant talaga para sa isa't isa. Aminado naman ang aktor na hindi nawala ang special feelings niya para sa kapareha, pero sa ngayon ay mas focused siya sa mga trabahong pinagkakatiwala sa kanya.

"I don't know what will happen in the future, I'm not closing any doors, but let's just enjoy the show first, 'saka may mga projects na naka-line up for us. Basta kami ni Jolina, masaya kaming nagtatrabaho together, that's for sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung special feelings ko for her, definitely hindi naman nawala but, of course, mas nagka-edad na kami ngayon, mas nag-mature at mas lumalim yung friendship namin ngayon."

Naging bukas din naman si Jolina na isa si Marvin sa nakatulong nang malaki for her to move on from her breakup with longtime boyfriend Bebong Muñoz.

"Alam naman niya na I'm always there for her," ani Marvin.

Bukod sa Adik Sa 'Yo, may pelikula ring tinapos si Marvin under Unitel kung saan kapareha niya si Nikki Gil.

"I just finished a movie with Nikki Gil under Unitel. I just don't know when yung showing pero sana abangan at suportahan ng tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN