Gladys Reyes wants more intense villain role than her Mara Clara days

Quintessential meanie Gladys Reyes is actually a happy mother of two who wouldn't mind having more kids, and a loving wife who supports her husband Christopher Roxas' new passion, celebrity boxing. Here she is at the birthday party of her daughter Gianna Aquisha (right) who turned one year old yesterday, and son Gian Christophe Sommereaux (left).


Nag-host uli si Gladys Reyes ng children's party para sa kanyang second baby na si Gianna Aquisha sa ika-first birthday nito kahapon, July 11, which was Aquisha's actual birthday.

Successful ang naturang party na may theme na Sanrio dahil dumating karamihan ng mga celebrity parents and their kids na inimbitahan niya. Masaya nga raw si Gladys na halos lahat naman ng party na hino-host niya ay maganda ang kinalalabasan.

"Awa naman ng Diyos, lahat naman ng party na hino-host ko para sa mga anak ko, palaging successful, overflowing, parang box-office hits. Sana man lang, ganito ang pelikula ko, 'no, tulad ng mga party ng anak ko," natatawang biro niya.

"Happy naman ako, unfortunately nga lang, dapat sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nakapunta rin sila kaso, George and Cecil taping ng Saturday. Ako naman, nag-beg off ako. Talagang July 11 kasi talaga si Aquisha. Parang kasabihan lang kasi na huwag daw iuna or i-late ang first birthday.

"Although, sa akin naman, hindi naman kami naniniwala, pero, wala namang mawawala kung gagawin, di ba?"

SURPRISE PARTY FOR GLADYS. Ayon pa kay Gladys, ibang-iba na raw dahil siya, nang mag-birthday noong June 23, ni hindi raw niya naisipang magpa-party man lang unlike kapag mga anak niya ang nagbe-birthday.

"Nasa taping ako noon, nasa Sta. Rosa kami nina Judy Ann at nagte-taping kami ng Habang May Buhay, ang mga E.P., nagpabili lang sila ng foods. Pero, na-touched ako, alam ni Judy Ann. Nagulat ako, kasi pagdating na pagdating pa lang ni Judy Ann, nag-Happy Birthday na.

"Sabi nga ni Direk Wenn sa akin, hindi ka ba masaya na ipinanganak ka, hindi ka man lang naghahanda or nagpapa-party kapag birthday mo? Sabi ko, 'wag na, kapag anak ko na lang. Doon ako mas excited, doon ako mas nanghihingi ng off sa trabaho. Pero kapag birthday ko, naku, deadma! Workitty-work, yan! Ha ha ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin nga, kumpleto na sila sa pamilya ng asawang si Christopher Roxas. Meron na silang isang guwapong-guwapong anak na si Christophe at pretty baby girl naman. May plano pa ba silang sundan ang dalawang anak?

"Kumpleto na talaga kung tutuusin. Pero, parang ang lungkot naman kung dalawa lang sila. Halimbawa na mag-away silang magkapatid, wala man lang mediator. Siguro, kung aabot pa ng dalawa, ideally, gusto namin, apat na anak. Sayang naman ang Sommeraux," natatawa niyang sabi.

"WITH FLYING COLORS." Sa ngayon, tahasan daw niyang masasabi that her personal and professional lives are both successful.

"Oo naman! With flying colors pa! Ha ha ha! Kasi, parang kapag sinabi mo na okey lang, parang may question mark pa rin. Ito talaga with exclamation mark kasi, sa akin naman, totoo ang kasabihan that [the] best things in life are free.

"Kasi, yung magkaroon lang ako ng isang babae, isang lalaki, parehong healthy. Tapos, sabi nila, ang gagandang bata raw, although, kapag anak mo naman, talagang love your own. Nakakatuwa lang na maraming nakaka-appreciate sa kanila. Tapos, yung pagsasama naming mag-asawa, although, wala namang pagsasama na perfect, pero bihirang-bihira na lang kaming magkaroon ng pagtatalo, sobrang petty pa. So, wala na kong mahihiling pa."

Dugtong pa niya, "Itong simpleng buhay namin, hindi man ganoon kagarbo, tuwang-tuwa ako sa bahay namin, sa munti naming business, sa career namin ngayon pareho. Pareho kaming may show. Tapos, siya naman yung gusto niya rin puntahan.

"Like now, may sinalihan siyang celebrity boxing which is, sarili rin naman niyang kagustuhan yun na which is, I think, hindi rin naman dahil sa pera, pero, may gusto siyang patunayan sa sarili niya since ever since, nagba-boxing siya. Sabi ko nga, ang mahihiling ko lang, ma-maintain ang ganitong buhay namin at walang magkakasakit kahit sa family member ko because totoo talaga ang health is wealth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sa akin, hayaan mo na lang na hindi mansion ang bahay namin, hindi nag-o-overflow ang pera namin, okey lang, huwag lang may magkakasakit."

REUNION WITH JUDY ANN. Balik ABS-CBN din siya at reunited again with her Mara na si Judy Ann Santos. How was it naman?

"Ang sarap! Talagang walang katapusang kuwentuhan. Sa taping naman ng Habang May Buhay, kapag hindi kami kinukuhanan, kuwentuhan pa rin. Alam mo naman, with me ba, may mauubos bang kuwentuhan? Siyempre, wala!

"So, sobrang haping-hapi ako. Timing lang din like may nabasa akong interview ni Judy Ann na timing lang din na pinag-reunite kami na ngayong may asawa na siya at hopefully magka-baby na siya na marami akong maise-share sa kanyang wisdom about motherhood and about sa pagiging may-asawa. Kaya ako naman, thankful din ako sa opportunity na 'to. Siyempre, sa ABS-CBN para maging possible ang reunion na ito."

Sinasabi rin daw niya noon pa man na gusto niyang gumawang muli ng seryosong kontrabida.

"Sabi ko noon, sana, hindi lang yung so-so na pagiging kontrabida. I want more challenge na yung dating Clara na mas matindi pa. Ngayon, professional na kami kasi, doctora ako, may-ari ng hospital, ganoon kabongga! So, para bang sina Mara at Clara reunited in a more matured way.

"Plus this time, hindi na yung napapanood nilang Judy Ann na humihikbi-hikbi sa isang tabi after kong sampal-sampalin. Kapag sinampal ko siyang isa, sasampalin niya ko ng dalawa! So, ganoon, palabang Judy Ann ang makikita nila sa Habang May Buhay."

Sa ngayon, sa Kapamilya network nga raw siya mapapanood, but it doesn't mean na hindi na siya puwedeng gumawa sa Kapuso.

Aniya, "Ako naman, kung nasaan ang trabaho. At kung ano ang ibigay ni 'Nay Lolit. Di ba nga, may kasabihan, mother knows best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN