New world-class resort in Bohol fast becoming favorite hideaway of celebrities

Some of the celebrities who have checked in at Eskaya Resort in Panglao, Bohol are (from left) Kris Aquino, Manny Pacquiao, and Gretchen Barretto.


A world-class resort in Bohol is fast becoming the favorite hideaway of A-list stars.

Nag-imbita ng entertainment press ang Regal Entertainment sa Bohol para saksihan ang shooting ng launching movie nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, I'll Be Waiting For You, sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Pauwi mula sa Chocolate Hills sa Carmen, minabuti ng supervising producer ng pelikula na si Manny Valera na puntahan ang sinasabing pinakabagong world-class resort na nasa Bohol—ang Eskaya Beach Resort and Spa. Nasa Panglao Island ito at super exclusive ang resort sa pagmamay-ari ni Michael Lim.

Hindi basta-basta makakapasok sa resort kung walang prior arrangement at dini-discourage din dito ang walk-in customers. Katulad ng Amanpulo, dollars ang bayaran ng bawat bahay sa Eskaya, mula US$500 para sa isang two-person bedroom hanggang US$3,800 presidential room na puwede sa anim na tao. May dalawang klase pa ng kuwarto, ang US$600 two-person bedroom na may sariling swimming pool sa loob, at ang six-person family room na US$1,800 na infinity type ang swimming pool sa kuwarto. Lahat ng presyong nabanggit, pang-isang araw lang.

Noong March 27 lang nag-official opening ang Eskaya ngunit nakarating na raw rito ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, sina Drew Arellano, Eula Valdes, Paolo Contis, ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap, si Chris Tiu at ang kanyang magulang, si Pres. Gloria Macapagal Arroyo, at ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang pamilya niya.

Si Manny ang isa sa unang nakagamit ng presidential room dahil nang dumating ang presidente ng Pilipinas noon sa Eskaya, ang pang US$1,800 per night pa lang ang pinakaengrandeng kuwarto noon. Si Cesar Montano naman ang nag-book rito noong opening night.

Marami na ring artista ang nagre-request ng booking sa Eskaya at interesado rin ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde na magpa-book sa nasabing spa at resort. Pumayag na rin ang may-ari na sa swimming pool at beach area ng Eskaya mag-pictorial sina Kris Bernal at Aljur Abrenica para sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN