Kris Aquino can still make ailing mother laugh

Kris Aquino thinks her marriage with James Yap will survive, "kasi Mom likes him talaga. Malaking factor talaga na may seal of approval siya ng Mom ko. Later on in life, I'm sure, whatever problems we will have, we can work it out, kasi may kakampi na siya sa heaven."


Nakapanayam ng Startalk si Kris Aquino via VTR interview. Ayon sa report ng Startalk noong July 11, kahit daw sa pagbabantay nito sa inang may sakit, ang dating Pangulo ng bansa na si Cory Aquino, madaldal pa rin daw ito na siyang ikinatutuwa naman ng ina.

"Sa family, ako ang nakakapagpatawa sa kanya or natutuwa siya sa mga ikinukuwento-kuwento ko. Kahit na minsan, sasabihin niya, okey na, mag-pray ka na. Kasi raw, sobrang daldal ko na.

"Natutuwa siya sa mga ingay ng anak ko. Your kids, ha, can cook everywhere, kasi raw, ang iingay ng mga anak ko kahit sa hospital."

But for the record, is her mother on the road to a full recovery?

"Well, I wish. I wish I can say that, but no... it's just that yesterday, she sat down. She walked, she sat down. And you know what, she's not, she's not recovering. It's just that, na-convince kong mag-chocolate milk shake which she liked.

"That's also partly the problem, when your mind is very, very strong, then you are very aware of your suffering, your condition. Minsan pine-pray ko na sana, ma-lessen. Sometimes you feel kung hindi mo na lang alam ang nangyayari, sometimes, mas okey. Yesterday, kasi, very close family friend namin si Bishop Soc Villegas, he did anointing and blessed her.

"And 'eto, ako, sometimes you just watched in movie, you read in books. Pero ito, totoo, where she laid her hand, malamig yung room, ha, but, 30 minutes after and the next two to three hours, kung saan ni-lay yung hands, pinagpapawisan in her head. Di ba, healing hands daw, may heat. So, yung laying hands na tinouch, pinagpapawisan talaga."

Dugtong pa niya, "After that, she sat down. So, I don't know. Yesterday, nakangiti siya. So, I don't know, kami sa family, we all accepted that it's really all in God's hand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DON'T SHOW WEAKNESS. Paano nga ba siya nagpapakatatag sa ganitong sitwasyon?

"Showing weakness, she doesn't like. Sabi ko, bakit yung mom ko, pina-feel sa akin that life is easy. Kahit yung situation is not that easy. I never felt deprived sa childhood ko. I never felt na noong napatay ang dad ko... parang mom always made it feel na okey ang family. And she's always there. She's mom, dad, best friend, she's everything to us. So, siguro that's one. I'm trying my best to be everything to her."

Sabi pa niya, "Nakakatuwa... we turn on the TV para makita niya kung sino yung mga nag-attend sa mass. I know, it makes her happy na ang daming people, showing their love and prayer. And then, sabi niya, the mass is where the place to be. At sa rami ng nagpi-pray for you, it means, you're a good person."

Dala na rin daw siguro ng pagiging public person ni Kris kung kaya't nagagawa niyang pagaanin ang sitwasyon.

"Kung hindi ito ang naging profession ko, hindi ko kakayanin. Di ba, kahit ano yung nararamdaman mo sa loob, haharap ka, ngingiti ka. Yun nga... sabi nila, it's a blessing talaga. At sabi nila, ang tibay mong magpuyat. Sabi nga nila, ang bongga raw ng immunity ko and sabi ko, yeah, kasi, di ba, all my kids, nagkasakit? Pero me, I'm healthy. So, I'm a good endorser for Eight O'clock because I'm healthy."

Hindi rin naman daw matatawaran ang suporta ng asawang si James Yap sa pinagdadaanan ni Kris. On their fourth year of marriage, the couple chose to ignore the customary gift giving.

"Wala... kasi, di ba, excuse ako kasi, I'm sad," natatawa niyang sabi. "Di ba, we're all set to go to Florida, kinansel na namin yun. We'll gonna go August. Ang masasabi ko lang kasi, I have to give James a lot of credits kasi, kapag morning, sinasamahan niya 'kong talaga. Yesterday, 9 a.m. to 2 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag championship ng basketball, he sits by mom. Tapos, tinatanong niya si James kung kailan ang alis for RP team. Tapos, kinakamusta niya si Yeng. Alam mo siguro kasi, our marriage really survives all the ups and down, kasi Mom likes him talaga.

"Totoo... kasi, kung hate naman siya ng Mom ko, wala na rin talaga. I'm being honest. Hindi naman masama yun. Who loves me talaga? Mom ko. And the fact that my Mom likes him, that means he's a good person. Malaking factor talaga na may seal of approval siya ng Mom ko. Later on in life, I'm sure, whatever problems we will have, we can work it out, kasi may kakampi na siya sa heaven."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN