Rochelle Pangilinan accepts she may remain single all her life

"Kung darating, darating. Ayokong i-push yung pagkakataon. Kasi kapag pinilit mo, baka kung ano lang ang mangyari, masaktan ka lang," says Rochelle Pangilinan about not having a lovelife.


Maituturing na ulirang anak ang dancer-actress na si Rochelle Pangilinan. Mas inuna kasi niyang ibinili ng bahay at lupa ang kanyang ina kesa sa sarili niya, habang si Rochelle mismo ay nagre-rent pa lang.

"Ipinagawa ko siya unti-unti. Binili ko yung lupa, tapos ipinatayo ko yung bahay unti-unti. Nung ginagawa kasi yun, kasabay yun ng tatay ko na naospital. Kaya matagal na yung bahay na yun, mga five years ko nang ipinapagawa. Natapos ang pagpapagawa ko nitong January 1.

"Ako, nagre-rent. Pero okay lang. At least sila, hindi ko na iisipin kapag umuulan, mga tipong ganun," kuwento ni Rochelle nang makausap siya ng PEP sa presscon ng "Chacha Muchacha," ang Season 23 ng Daisy Siete, na napapanood daily sa GMA-7.

Susunod na plano raw ni Rochelle ay ibili ang sarili niya ng bahay.

"Sana magawa ko. In fairness, kahit loan, pinaplano ko siya ngayon. Medyo naghahanap na ako ng bahay. Wala pa akong nakikita, gusto ko sana sa Quezon City. Hindi naman yung malaki, kahit maliit lang. Ayoko po ng aalog-alog lang ako sa bahay, baka katakutan ko sarili ko nun!"

ARTHUR SOLINAP. Isa sa mga naging topic ng usapan namin ni Rochelle ay ang tungkol sa kanila ng nali-link sa kanyang si Arthur Solinap, ang pinsan ni Dingdong Dantes. Ayon kay Rochelle, hindi sila mag-on, pero nagdi-date sila. Pinagbabaon din daw siya ng binata ng pagkain na pampa-diet sa taping.

"Siguro ganun lang talaga siya ka-thoughtful," sambit ni Rochelle.

Sa kanya lang yata ganun ka-sweet si Arthur?

"E, di maganda kung sa akin lang. Hindi din naman ako sure kung sa akin lang!" tawa niya.

May mutual understanding na ba sila?

"Hindi, hindi ko pa masabi. Yung level talaga, hindi ko masabi kung ano na."

Exclusively dating ba sila?

"Hindi."

Umamin si Rochelle na nakikipag-date siya sa iba.

"Why not? Yung iba, non-showbiz. Siya [Arthur], hindi ko rin alam kung meron."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Just in case manligaw na nang seryosohan si Arthur, may chance ba ito sa kanya?

"Bakit hindi? Single naman ako, at siya matangkad, guwapo. Mahilig ako sa mapuputi," sabi ni Rochelle.

Sa "Chacha Muchacha," ang leading man ni Rochelle ay ang baguhang si Kurt Dreo na isang modelo.

Halimbawang sabay manligaw sina Arthur at Kurt sa kanya, sino ang pipiliin niya?

"Si Brad Pitt!" tawa ni Rochelle. "Hindi ko alam. Siguro kung sino yung mararamdaman ko na mahal ako talaga at mahal ko."


NO WEDDING BELLS YET. Ang kasamahan ni Rochelle sa SexBomb na si Jopay Paguia ay balitang malapit nang ikasal sa boyfriend nitong si Joshua Zamora. At si Rochelle, hanggang ngayon, ayon sa kanya mismo, ay walang boyfriend.

"Sinasabi nga ng mga SexBomb sa akin, 'Alam mo, Ate, feeling namin hindi ka na magkaka-asawa!' Sinabihan nila ako ng ganun, pero okay lang. Kasi ayoko naman ipilit yung pagkakataon na, eto, maging tayo na kahit na wala namang ginagawa yung isa.

"Kung darating, darating. Ayokong i-push yung pagkakataon. Kasi kapag pinilit mo, baka kung ano lang ang mangyari, masaktan ka lang," paliwanag ni Rochelle.

Nakikita ba niya ang kanyang sarili na tatandang dalaga?

"E, kung ganun talaga, why not? No choice, kung 'eto talaga yung ano ko."

Kung magkakaanak lang siya at hindi magkaka-asawa?

"Depende, e. Hindi ko masasabi ang mangyayari bukas," sagot ni Rochelle.

Pero kung ang nakatadhana sa kanya ay magkaanak lang nang walang asawa, payag ba siya?

"Opo, para may mag-aalaga sa akin."

Hindi naman worried si Rochelle dahil at 27 years old, bata pa naman daw siya. Pero aminado siyang naiinggit siya kay Jopay, if ever ikakasal na nga ito.

"Oo! Ang laki ng inggit ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya yun. Sabi ko, 'Ikaw na, agad-agad!' Ginaganun ko siya kapag ino-open niya si Joshua. Kapag lumalabas kami na silang dalawa, tapos ako lang mag-isa, nakakainggit. Minsan pinupukol ko sila ng tsinelas. Minsan kaming tatlo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi minsan ang gimik ng ibang SexBomb, maraming trabaho kaya salisi kami lagi. Kasi sa taping kunwari maaga kami natapos, tapos susunduin siya [Jopay] ni Joshua, tapos sasabihin niya, 'Ate, labas tayo.' Tatlo kami."

Kapag ikinasal na si Jopay at umalis ito sa SexBomb, ano ang mararamdaman ni Rochelle?

"Tinanong niya ako niyan. Sabi niya, 'Ate kung ikakasal ako, pupunta ka ba?' Sabi ko, 'Siyempre oo, pero depende sa schedule!'" biro ni Rochelle.

Pero bawi niya, "No, seriously, siyempre malulungkot ako. Baka maiyak pa ako kapag nakita ko na kinakasal na sila, kasi ibang level na yung pupuntahan niya. Bata pa lang kami, magkakasama na kami. Hindi lang best friend yung pinagsamahan namin, halos magkakapatid na kami sa SexBomb. Siyempre, nakakaiyak. Baka ako yung magmukhang nanay. Baka magmukha akong stage mother dun."

Pero nilinaw ni Rochelle na hindi pa naman daw siguradong ikakasal na nga si Jopay.

"Wala pa naman yatang plano, binibiro lang niya ako. Wala pang plano. Ang gusto nila, mag-ipon nang mag-ipon. Yun ang tingin ko. Dapat lang na paghandaan niya dahil mahirap mag-anak nang wala kang ibubuhay para sa anak mo. Kawawa ang bata, masakit yun para sa bata... Katulad ko na bata pa lang nagtatrabaho na."

May dream ba si Rochelle na someday ay sundan ang mga yapak ng manager nilang si Joy Cancio, na from being a dancer ay naging manager at producer?

"Si Aira ang may ano niyan, siya ang nagsabi sa akin na nakakatakot mag-produce. Parang sinabi niya... Kasi nag-produce ako ng sarili kong show sa Zirkoh. Ang dami kong iniisip, ang hirap, umiyak ako sa dami ng problema. Lahat iisipin mo, kahit nagpe-perform ka. Binabalaan na niya ako nun. Kaya lang, siyempre, matigas ang ulo ko," sabi niya.


ROCHELLE'S FATHER. Sa "Chacha Muchacha" ay ginagampanan ni Rochelle ang papel ng isang babae na namatay na, pero binigyan ng chance na mabuhay at bumalik sa lupa para itama ang mga nagawa niyang mali noong nabubuhay pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mangyayari ito kay Rochelle sa tunay na buhay, may itutuwid ba siya na pangyayari sa buhay niya?

"Siguro yung hindi ko pagbibigay ng oras sa tatay ko," pahayag ni Rochelle na hindi na napigilang maluha. "Siguro dahil sa trabaho, sa trabaho ko, sobrang ano... Hindi ko siya nakakasama noon."

Pumanaw ang ama ni Rochelle noong November 2007 dahil sa emphysema. Kung mabibigyan ng pagkakataon na makita at muling makausap ang ama, ano ang sasabihin niya rito?

"I love you! I'm sorry kung hindi kita nabigyan ng time," naiiyak pa ring sabi ni Rochelle.

Tatlong araw raw na dire-diretso bago namayapa ang kanyang ama noon ay hindi nakapagpakita si Rochelle sa ama dahil sa napaka-hectic na schedule niya.

Nakakapagpagaan naman ng loob ni Rochelle kapag naaalala niya na bago naman pumanaw ang ama niya, nagawan niya ng paraan na ipasyal ito sa Tagaytay dahil hiniling ito sa kanya.

Kasama ni Rochelle sa "Chacha Muchacha" ang SexBomb girls na sina Jopay Paguia, Sunshine Garcia, Izzy Trazona, Weng Ibarra, Monic Icban, Jholan Veluz, Mhyca Bautista, Louise Bolton, Shane Gonzales, Cynthia, Danica, Jomarie at Stephanie.

Kasama rin sa "Chacha Muchacha" ang beteranang aktres na si Ms. Daria Ramirez, at sina Irene Celebre, Daniel Fernando, Camille Roxas, Lou Veloso, Dax Martin, Julian Trono, at ang mga baguhan na sina Jay-R de Guzman, Tariq, at Kurt Dreo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN