Ms. Wilma Galvante and Annabelle Rama attend Roselle Monteverde's birthday bash

GMA-7's SVP for Entertainment TV Wilma Galvante (left, with Roselle) and talent manager Annabelle Rama (right) almost met at Roselle Monteverde's birthday party last night, July 14.


First time nagbigay ng showbiz party ang katuwang na anak ni Mother Lily Monteverde sa Regal Entertainment na si Roselle Monteverde-Teo. Ang sabi, hudyat ito ng "final turnover" ng Regal kay Roselle at may tumatawag na nga sa kanyang "the heiress."

Sa Imperial Palace Suites mezzanine ginanap ang party kagabi, July 14, at dinaluhan ito ng mga pinaka-powerful showbiz personalities.

Halos kumpleto ang Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) sa pangunguna nina Ethel Ramos, Manny Valera, Dolor Guevara, at Malou Choa Fagar. Si Deo Endrinal ang nag-representa ng ABS-CBN, at sina Ms. Wilma Galvante, Ms. Marivin Arayata, Ms. Lilibeth Rasonable, Ms. Redgie Acuna-Magno, at Ms. Gigi Santiago-Lara naman para sa GMA-7.

Sa mga directors, nandoon sina Joel Lamangan, Chito Roño, at Mel Chionglo.

Dumating ang iba pang managers sa pangunguna ni Popoy Caritativo, kasama ang pinakamalaki niyang talent na si Marian Rivera at ang pinakabago niyang talent, ang dating taga-ABS-CBN na si AJ Dee. Nandoon si Arnold Vegafria ngunit hindi naman kasama si Carla Abellana, dahil si Ms. Lisa Gokongwei-Cheng ng Summit Media ang kasama nito.

Isa pa rin sa pinakamaagang dumating ay si Senator Loren Legarda, na kaibigan pareho nina Mother Lily at Ms. Roselle.

Marami ring entertainment press na nagtagal kahit may tatlo pang birthday parties para sa tatlong press ng gabing yun. May nakapagbalita kasing nag-promise ang talent manager na si Annabelle Rama na darating siya sa party. Isa sa mga pinakaunang dumating ang grupo ni Ms. Wilma kung kaya't nakihintay na rin ang ilang manunulat kung magpapang-abot ang dalawa.

Nasa labas na kami ng Imperial Palace Suites, kasama ang iba pang manunulat at si Popoy, nang bumaba ang grupo ni Ms. Wilma. Ilang sandali siyang nagtagal habang kausap ang mga nandoon. Saktong pagtalikod ni Ms. Wilma para harapin si Popoy, nag-park naman ang isang sasakyan at bumaba mula rito si Annabelle, kasama ang dalawang talents niyang sina Carla Humphries at Bubbles Paraiso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumigil din ng ilang saglit Annabelle sa labas para makikumusta habang nakikipag-usap pa rin si Ms. Wilma kay Popoy. Kinumusta ni Annabelle si Ms. Marivin. Nangako naman si Ms. Marivin na tatawagan niya si Annabelle kinabukasan.

Pumasok sa lobby si Annabelle nang dumating ang van na sasakyan ng mga powerful ladies of GMA-7 at tuluyan na ngang hindi nagkita o nagkausap sina Ms. Wilma at Annabelle.

Bago magtapos ang buwan, panibagong hearing na naman sa Quezon City Regional Trial Court ang magaganap sa isinampang damage suit ni Ms. Wilma kay Annabelle at malamang dito na magkita ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN