Judy Ann Santos reveals what's special about bed she shares with hubby Ryan Agoncillo

"Yung binili naming kama, sinigurado namin na parang hotel bilang nag-honeymoon kami sa Boracay. Hinanap talaga namin yung kama na ginagamit sa Shangri-La Boracay. Yun ang kama na halos hindi kami makatayo dahil ang sarap ng tulog namin," says Judy Ann Santos.


Sa pelikula ni Judy Ann Santos with Ogie Alcasid na OMG! (Oh, My Girl!) ay artista sa rin ang role ni Juday rito. May mga pagkakahawig ba ang character na ginagampanan ni Juday sa pelikula sa totoong buhay?

"Actually, ang masasabi kong pagkakapareho lang ni Darling at ako, sa mga kaibigan. Si Darling kasi, hindi siya makalakad na walang kaibigan. Parang ako, ganun din ako. Hindi ako makakalakad na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Pero yung prima donna, maarte, wala akong ganoon. Baka ipako na krus ni Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager]!" natatawang sabi ni Juday sa presscon ng OMG! kahapon, July 15, sa Valencia home ni Mother Lily Monteverde.

Bukod sa may guest appearance si Regine Velasquez sa OMG!, ang Asia's Songbird din ang kumanta ng theme song ng pelikula na isinulat naman ni Ogie. What about Juday's husband, Ryan Agoncillo, may participation din ba ito sa movie nila?

"Originally, dapat may cameo siya," sabi ni Juday. "Kaso, naisip namin, dalawang solo movie na rin namin ang pareho kaming may cameo role. Yung Umuulan, Umaaraw at saka Ouija. Parang ayaw naman namin na isipin ng mga tao na kada-movie namin, may cameo yung isa't isa sa amin.

"So, mas mabuting sa mas malaking pelikula na lang siguro naming dalawa kami makita. Like a movie with Ogie Alcasid and Regine Velasquez," tila pahiwatig pa niya.

BED TALK. May dalawang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ikasal sina Judy Ann at Ryan. Pero ang tungkol pa rin sa mga kaganapan sa buhay ng aktres after their wedding ang kinumusta sa kanya sa naganap na press conference ng OMG!.

Paano ba nila nae-enjoy ang buhay may asawa?

"Kapag walang trabaho, yung role-playing ng misis. Luto nang luto. Gagawa kayo ng homework ni Bagets," sabi ni Juday.

May mga bago ba siyang nadi-discover kay Ryan ngayong kasal na sila at magkasama sa isang bubong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano nga ba? Well, mas relaxed na siya, mas kalmado, mas mahirap gisingin. Siguro kasi ngayon, mas may sarili kaming bahay. May sarili na kaming room, sariling kama. Si Yohan, may sarili na rin siyang room. So, mas enjoy kami ngayon. Parang naglalaro lang kami. Hindi pa namin alam yung mga babayaran namin monthly, mas nag-e-enjoy lang kami," kuwento ni Juday.

Dahil nabanggit ni Juday ang "kama," siya na rin ang natawa dahil ang tungkol dito ang sumunod na itinanong ng press sa kanya. Nae-enjoy na ba nilang mag-asawa ang bago nilang kama ngayon?

"Hayan na naman! Bakit ba ako nagsasalita ng mga kama!" natatawa niyang sabi.

So, ano nga ba meron dun sa kama na special mention niya?

"Hindi... Kasi ako naman, for the longest time, kaya malaking isyu sa akin ang kama dahil malaking bagay sa akin yun. Simula noong bata pa ako hanggang sa ngayong nag-asawa, wala naman talaga ako sariling kuwarto. Hindi ako nagkaroon ng sariling kuwarto. Hindi ako nagkaroon ng sariling kama.

"So, yung binili naming kama, sinigurado namin na parang hotel bilang nag-honeymoon kami sa Boracay. Hinanap talaga namin yung kama na ginagamit sa Shangri-La Boracay. Yun ang kama na halos hindi kami makatayo dahil ang sarap ng tulog namin," paliwanag niya.

Nakapag-adjust na ba siya na ngayong may katabi na siya sa kamang matulog?

"Nakapag-adjust na. Buong buhay ko naman, palagi akong may katabi, e. Kung hindi si Ate Binay, si Mommy."

SLEEPING HABITS. Kuwento ni Juday, pareho raw sila ni Ryan na malikot matulog.

"Hindi kami sanay na natutulog na magkayakap. So, magkatalikuran kami."

Hindi sila magkayakap?

"Hindi! Naiinitan ako, e!" natatawa niyang sabi. "Si Yohan kasi, ang ugali niyan, pag umaga, pagkagising niya, gigisingin kami niyan sa kuwarto. Routine na niya 'yan na pagkagising niya, papasok siya sa kuwarto at doon siya manonood ng TV. So, may moments talaga kaming tatlo na meron kaming yakapan moments. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin din daw niyang mas mahirap gisingin ang asawa ngayon.

"Si Yohan ang tagagising ko. Si Yohan ang tatalon-talon sa kama. So, hindi siya magagalit. Hindi kami mag-aaway. So, si Yohan ang gumigising sa kanya," sabi ni Juday.

Dagdag niya, talaga raw ni-ready na nila si Yohan na may sarili na itong kuwarto.

HER OWN BABY. Ani Juday, naghihintay lang daw sila ni Ryan kung kailan sila mabibiyayaan ng anak na galing na talaga sa kanya.

"Ipinagdarasal... Gusto na namin, oo naman. Hindi pa lang siguro tina-timing ni Lord. Kapag siguro tamang oras, saka lang niya ibibigay, di ba? Kung ibigay, thank you, di ba? Kung hindi, hintay lang."

Kung kinakailangan daw niyang magpahinga para mag-conceive, gagawin daw niya.

"In fairness naman sa lahat ng ine-endorse ko, very supportive naman sila," sabi ni Juday. "Lahat naman sila, nagpakita ng suporta. Lahat sila nagsabi, especially yung Fitrum, na kahit mabuntis, maghihintay sila. So, yun ang ipinagdarasal ko na sana magtuluy-tuloy lang even after pregnancy."

MOVIE WITH DIREK MARILOU. Nakikita rin daw ni Juday ang possibility na puwede siyang mag take ng rest para successfully ay makapag-conceive sila ni Ryan. Pero pagkatapos ng OMG!, may naipangako rin daw siya kay Direk Marilou Diaz-Abaya na pelikulang gagawin niya rito.

"Hopefully, matuloy siya. Pero hindi pa rin naman sigurado, pero ipinagdarasal ko na matuloy siya."

If ever, under Unitel daw ang pelikulang ito.

"Sana matuloy siya. I'm really looking forward to be doing a movie with Direk Marilou. It's about family drama. Hope and faith. Parang gusto ko munang gumawa ng drama kasi sunud-sunod ang comedy. So, para maiba naman. Si Direk Marilou rin kasi ang sumulat kaya excited ako."

Ginawa talaga ang script for her?

"Ang sinabi ni Direk Marilou, kami ang nasa isip nila ni Sir Tony [Gloria, Unitel head] nang kinu-conceptualize nila ang movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Silang dalawa ba ni Ryan ang tinutukoy ni Juday sa sinabi niyang "kami"?

"Hindi pa rin sigurado...hindi pa rin sigurado," aniya.

Kinumusta rin kay Juday yung sinasabing movie raw na gagawin nila ni Sarah Geronimo. Matutuloy pa ba yun?

"Puwede rin matuloy, puwede rin. Sino ba naman ang tatanggi kay Sarah? Pero siyempre, yung respeto wise, nauna po kasi akong kinausap ng Unitel. So, sa ganang akin, gusto kong unahin si Direk Marilou kasi nauna sila, e.

"There's no reason na hindi ko sila unahin dahil from the very beginning, pagbalik na pagbalik pa lang namin ng Boracay, nakapag-meeting na sila sa amin. So, napakabastos ko naman if I'll give way to a project na biglang dumating.

"Ngayon, kung sasabihin ni Direk Marilou sa akin na I can do it, then I will do it. Pero kung nandiyan na po ang storyline at grind na kami ni Direk Marilou, uunahin ko po sila. Kasi, malaki ang respeto ko sa kanila," paliwanag niya.

HABANG MAY BUHAY. Bukod sa sitcom nila ni Ryan sa ABS-CBN na George and Cecil, may teleserye pa rin si Juday na hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas—ang Narserye na Habang May Buhay.

Kumusta na nga ba ito?

"Parang feeling ko, kapag ipinalabas yun, pasyente na ako!" natatawa niyang biro.

Umalis na ang isa sa mga direktor ng Habang May Buhay na si Andoy Ranay at lumipat na sa GMA-7, kung saan ginagawa na niya ngayon ang All My Life nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ano ang reaksiyon dito ni Juday?

"Marami na kasing nangyari. Ako naman, naiindintihan ko naman yung mga nangyayari, yung mga situwasyon namin. Naiintindihan ko at iintindihin ko yun," sagot niya.

Karamihan din daw ng mga nakunang eksena nila ni Derek Ramsay sa U.S. ay posibleng baguhin o alisin na rin. Pero wala naman daw problema pagdating sa talent fee dahil bayad naman daw si Juday sa mga nagawa na nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginagawa namin lahat para mag-work siya because sayang, e. Ayokong mawala yung tiwala sa show. Mahal ko naman ang bumubuo nito, sina Enrico Santos, sina Wenn Deramas... Kumbaga, sila na lang yung mga taong pumipigil sa akin. Hindi pumipigil na, in a way, huwag kang umalis, kundi yung relationship ko with them. Yun ang nagiging dahilan kung bakit itinutuloy ko 'to, dahil ayokong mawalan ng tiwala sa kanila ang iba pang mga tao. Mahuhusay naman sila, it's just that dumating ang isang project sa kanila na talagang mahirap," paliwanag niya.

At some point, would she say na parang napu-frustrate na rin siya sa pagkaantala ng project niya?

"Hindi mo naman maiaalis yun," pag-amin ni Juday. "Dalawang taon mo na itong ginagawa. Dalawang taon ka nang walang teleserye. Ano'ng gagawin mo? Hindi ko lang din po talaga ugali na umaayaw sa isang nabuksan nang trabaho."

Naiintindihan naman daw ni Juday kung bakit naantala nang husto ang project nila.

"Yung medical terms, mahirap yun. Yun naman talaga ang inano ko sa kanila. Kapag gumawa tayo ng medical drama, lahat dapat totoo. Lahat ng information na ibibigay natin sa ibang tao, kailangang totoo. Pati sakit, totoo. Ang daming nurses at doctor sa ibang bansa na may TFC na kapag nagbigay tayo ng maling impormasyon, masisira ako, masisira ang show, masisira ang ABS-CBN," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN