Allan Paule successful at balancing family life and work

"Minsan kasi 'pag may trabaho, mga two weeks, three weeks, uuwi ako, kukuha lang ng gamit, o matutulog lang. Dapat may quality time. Pagka walang ginagawa, ano lang naman ako, sa bahay lang naman ako talaga. Tapings hanggang umaga, minsan alas-siete na kami natatapos," says Allan Paule.


Maraming "latest" na nai-share si Allan Paule nang huling makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tulad ng bagong teleserye sa ABS-CBN titled Rubi, na si Angelica Panganiban ang bida at si Allan ang gaganap na tatay niya. This will air as soon as magwakas ang kuwento ng Kambal Sa Uma, na si Allan naman ang tatay na umampon kay Shaina Magdayao.

Maganda naman ang rating ng kasalukuyang afternoon soap ni Allan kaya hindi rin siya nawalan ng kasunod na assignment. From what he heard, pang-primetime ang Rubi, bagamat hindi pa sigurado ang aktor sa schedule ng airing na sisimulan sa darating na Setyembre.

Araw-araw nagte-taping si Allan; MWF para sa Kambal Sa Uma, at TThS, para sa Rubi. Tuwing Linggo, kasama siya ng kanyang mag-ina—his wife, Badette, a dentist by profession, and only son Bernard Allan, 11 years old.

May maliit na negosyong resto-bar ang mag-asawang Allan at Badette. It's called Brigada, an open-air videoke/live band thing on Tuesday nights. Located along Roxas Blvd., with it's upper deck overlooking Manila Bay, perfect watering hole ito for music lovers who love to drink and dine by the moonlight, except that these days, panay ang ulan na may kasamang malakas na pag-ihip ng hangin.

Natawa si Allan at the thought na walang kita ang kanilang Brigada sa mga panahong nagkakasunod ang pagdating ng bagyo. Paano nila pinapatakbo ang negosyo sa panahong matumal ang kita nito?

Allan says, "Pinapabayaan lang muna siya, kasi pipik-ap naman siya 'pag wala nang ulan."

Habang panay rin lang ang taping at shooting niya.

"Korek! Pero pang-tatay na [ang roles]. Okey lang. Ayos lang," sambit ni Allan.

Sa hirap ng buhay ngayon, bilang isang may pamilya, masasabi ni Allan na ito pa rin ang pinakamainam na panahon ng kanyang propesyon bilang artista.

"Well, masasabi nating gano'n dahil yung mga dumarating na projects, nagkakasabay-sabay. At yun ang mahirap sa trabaho natin. Minsan, meron, minsan, wala. Pero ang mahalaga, meron at nandiyan pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRINSIPE NG SABONG. Hindi namamalayan, nagkakasunud-sunod ang pagpapalabas ng mga pelikulang mabilis na sinu-shoot ni Allan Paule, tulad ng mga sumusunod: Prinsipe ng Sabong (Prince of Cockfighting), Kinatay (The Execution of P), at Biyaheng Lupa (Soliloquy), pawang mga indie movies.

Maipagmamalaki ni Allan na kabilang siya sa award-winning film na Prinsipe ng Sabong, directed by indie newcomer Yeng Grande, which won international recognition this year sa 42nd Worldfest Houston Independent International Filmfest sa Texas, at gayundin sa Mexico Filmfest (Bronze-Best Picture Prize). Entry rin ang pelikula sa ongoing Cinemalaya-NETPAC 2009 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

"Tungkol sa isang sabungero na yumaman dahil sa sabong," banggit ni Allan sa indie film. Kasama niya sa pelikula si Gardo Versoza bilang nakababatang kapatid.

Samantala, may mahalagang partisipasyon din si Allan sa 62nd Cannes Filmfest entry ng nanalong Best Director na si Brillante Mendoza, Kinatay. Ang local premiere nito ay gaganapin sa July 30 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.

"Guest role lang ako, sa side ni Coco [Martin, playing a young cop]," banggit ni Allan. Naghihintay uli siya ng panibagong pelikulang ididirek ni Mendoza.

Last but not the least, major player si Allan sa directorial debut ng premyadong writer-creative consultant na si Armando "Bing" Lao, Biyaheng Lupa.

Bilang konduktor ng bus sa Biyaheng Lupa, naniningil siya ngayon ng pamasahe. Kaiba noon, bilang gay client na nagpapamasahe siya kay Coco sa Masahista (The Masseur), na nanalo sa Locarno International Filmfest noong 2005 (si Bing Lao ang script consultant ni Boots Pastor; si Brillante Mendoza ang debuting director).

DADDY. Sa Biyaheng-Lupa, makulit na kundoktor ng bus daw si Allan. Sa bahay, siya naman ang "kinukulit" ng anak na si Bernard Allan, 11 years old, fifth grader sa Immaculate Concepcion sa Parañaque City. "Under siya ng St. Francis de Assissi," aniya.

Noong PEP interview, nagmamadali ang aktor dahil kailangan niyang tapusin ang school project (art work) ng bata. Ganon ka-focused ngayon si Alan bilang ama. "Kailangan, nag-iisa lang 'yon, e. Magtatampo naman 'yon," katuwiran niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasanay na siya sa maayos na pagbabalanse ng oras, para sa trabaho at family life.

"Minsan kasi 'pag may trabaho, mga two weeks, three weeks, uuwi ako, kukuha lang ng gamit, o matutulog lang. Dapat may quality time. Pagka walang ginagawa, ano lang naman ako, sa bahay lang naman ako talaga. Tapings hanggang umaga, minsan alas-siete na kami natatapos," banggit ng aktor.

Tuwing Linggo lang daw ang araw ng pahinga.

Noong Father's Day, kasama raw ni Allan ang kanyang mag-ina, kumain lang sila sa labas. Ang social life niya, kadalasan ay sa set o sa Brigada, na puntahan din ng mga kaibigang taga-showbiz o mga kapwa mina-manage ni Edgar Instrella, like Gardo Versoza. Kasama rin niya ngayon si Gardo sa bagong teleseryeng tine-tape, bilang tatay ni Shaina Magdayao.

GOING STRAIGHT. Naging mistulang national issue ang kontrobersiyal na sex-video scandal ng mga taga-showbiz. Minsan, naging sex symbol o sexy star din si Allan, na inilunsad sa pelikulang Macho Dancer ni Lino Brocka. Luckily for him, hindi niya naranasan ang matinding pagkasangkot sa iskandalong dinaranas ngayon ng nag-artistang doktor na si Hayden Kho.

"Hindi na! May edad na ako, e, matanda na!" natawa si Allan.

Noon, maingat naman daw siya. Pero aminadong marami siyang naging karelasyong babae.

"Noon, meron. Pero hindi ko masyadong inaano... Kumbaga, hayaan mo lang siyang dumaan. Sa akin, pabayaan mo lang siyang dumaan, pabayaan mo lang siyang lumipas."

Discreet daw si Alan sa kanyang intimate relationships.

"Pinababayaan ko lang yun. Trabaho lang nang trabaho. Iba yung personal sa trabaho," paliwanag niya.

Meaning, going straight na si Allan sa buhay. At laging pag-uwi sa kanilang bahay ang nasa isip, after a day's hard work.

"Korek! Lagi naman, e. Lagi naman... Wala na," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN