Jewel Mische admits visiting Richard Gutierrez in the hospital after his car accident

"I really, really love to work. Nagri-reach out nga ako to let them know that I wanna work. Wala akong sini-set aside. Time management lang naman 'yan. May time ako for my studies and for my career sana," says Jewel Mische when told that her career will bloom if she prioritizes work over her lovelife.


Dinig na dinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang "Oh, my God!" ng young actress na si Jewel Mische nang makitang may press na naghihintay sa kanya sa lobby ng GMA Network Center kahapon, July 17. Papunta ang StarStruck 4 winner sa live chat na ini-schedule ng GMA New Media Inc. sa 12th floor ng building nang maharang siya ng PEP, nina Lhar Santiago ng 24 Oras, Gorgy Rula ng Startalk, at iba pang press people.

Ang ganda-ganda ni Jewel nang makita namin siya. Mukhang hiyang siya na walang ginagawa. Kumusta na ang career niya?

"GMA, what's your plan for me? I really want to work, pero wala pang ibinibigay na project sa akin," panawagan ni Jewel.

BENTE. Binibigyan daw siya ng project, pero hindi niya tinatanggap. Isa rito ang indie film na Bente, na dapat sana ay siya ang kapareha ni Aldred Gatchalian.

"Yung Bente, gagawin ko sana. Kaya lang, nabasa ko ang script two days before the shooting at hindi ko kaya ang nabasa kong mapusok na lovemaking ang gagawin ko. Na-shock ako, hindi ko kaya!" paliwanag niya.

How true na isa pa sa mga rason ng pag-backout niya sa project ay dahil pinalitan ni Aldred si Aljur Abrenica?

"Bago pa ang shooting, alam ko nang si Aldred ang makakasama ko at hindi si Aljur," sabi ni Jewel. "Si Marky [Cielo] ang original na makakapareha ko, pero hindi dahil dun kaya hindi ko tinanggap ang pelikula."

Pinalitan si Jewel ni Glaiza de Castro.

TAKING CARE OF RICHARD. Nang maospital ang young actor na si Richard Gutierrez dahil sa car accident, isa si Jewel sa nabalitaang dumalaw at nagbantay sa aktor. Totoo ba ito?

"Yeah, I was there for him. Opo, nagbantay ako sa ospital," pagkumpirma ni Jewel.

Paano niya nalamang nasa ospital si Richard? "Sinabi sa akin ng bodyguard niya," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabing malaki pa ang iaangat ng career niya, kaya lang ay mas inuuna niya ang love sa career. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi po," tanggi ni Jewel. "I really, really love to work. Nagri-reach out nga ako to let them know that I wanna work. Wala akong sini-set aside. Time management lang naman yan. May time ako for my studies and for my career sana."

Hindi ba siya naiinggit sa mga kasama niya sa StarStruck 4, gaya nina Aljur at Kris Bernal, na may mga career na?

"I'm very, very happy for them," nakangiti niyang sabi. "StarStruck days pa lang, kahit runner-up lang, pini-pray kong on top kaming lahat. Happy ako to see them now on top of their career."

Totoo bang nagiging mapili siya sa pagtanggap ng projects? "Hindi naman po. It's just that pag may TV guesting ako, nagkakataong may pasok ako o may exam na hindi ko puwedeng i-miss."

SCHOOL AND FLYING. Tuloy sa kanyang pag-aaral sa College of Music sa University of the Philippines si Jewel at pumapasok din siya sa Cathedral of Praise Bible College dahil gusto niyang magtayo ng music ministry. Ang ama niyang nasa Vienna, Austria ang nag-encourage sa kanya na ipagpatuloy ang pag-aaral dito.

Bukod sa music course sa UP at pagpasok sa Cathedral of Praise, naka-enroll din sa flying school si Jewel dahil gusto niyang maging licensed pilot.

"Kulang pa ako ng 20 hours at kailangan kong tapusin ito para patunayan sa dad ko na kaya kong magpalipad," sabi niya.

Magkano ba ang tuition per hour sa pinapasukan niyang aviation school? "Ano, 45,000 per hour," sagot niya.

Bakit gusto niyang magpalipad ng eroplano? "Dream ko talaga bata pa ako na makapagpalipad ng airplane. Gusto ko ring tumugtog ng gitara. Pero chopper ang paliliparin ko, hindi eroplano."

Isasakay ba niya si Richard pag nagpalipad siya? "Why not? If he trusts me," sagot ni Jewel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang una niyang isasakay sa chopper? "Most probably ang dad ko. Kailangan kong patunayan sa kanyang kaya kong magpalipad ng chopper."

Without mentioning names, tinanong ng PEP si Jewel kung usapan ba nila ng "love" niya na ilihim ang kanilang relasyon o huwag aminin ang kanilang relasyon?

"Be merciful" lang ang sagot ni Jewel at nagpaalam na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN