Sarah Geronimo wants to be more involved in her career as she turns 21

"Sa kabuuan po ng career ko, gusto kong maging involved na ako. Kung noon po ipinapaubaya ko na lang lahat kay Boss Vic, kina Mama [Divine Geronimo], ngayon gusto ko alam ko na ang lahat ng gagawin ko," says Sarah Geronimo.


Overwhelmed ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang pagdating niya sa Activity Center ng SM Fairview last Saturday, July 18, ay sinalubong siya ng malakas na tilian ng fans. Ayon kina Leo at Ana Lagon, may-ari ng Unica Hija clothing, as early as 9 a.m. ay nakapila na raw ang mga tao kahit hindi pa bukas ang mall. Medyo na-late pa si Sarah dahil galing siya sa kanyang The Next One concert sa Bacolod City, pero hinintay siya talaga ng fans.

Three years ang contract ni Sarah as Unica Hija endorser. Ayon kay Ms. Ana, monthly silang nagpapadala ng mga damit kay Sarah na ginagamit nito sa shows.

Kumanta muna si Sarah ng "You Changed My Life" at nakipag-photo session sa mga fans bago siya nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng entertainment press.

BIRTHDAY GIRL. Sa Saturday, July 25, ang 21st birthday ni Sarah. May party ba siya?

"Hindi ko pa po alam, wala pa kasing sinasabi si Boss Vic [del Rosario] sa akin," sabi ni Sarah. "Pero siguro po, mag-a-out-of-town kami ng family ko. Binigyan po nila ako ng five days vacation."

Pero secret na lang daw kung saan sila pupunta ng family niya.

Ano ang feeling na magtu-twenty-one na siya?

"Nakaka-tense din po pala, kasi tumatanda na ako!" bungisngis ni Sarah.

How true na gusto na raw niyang mag-solo?

"Wala naman po akong sinasabing ganoon," paglilinaw niya. "Gusto ko lang pong matuto na rin. Gusto ko nang malaman ang mga importanteng bagay dahil I'm 21 na nga. Pero hindi po ako magso-solo, hindi ko po kaya 'yon."

Anu-ano ba ang mga bagay na gusto niyang matutunan?

"Siguro po sa financial matters. Sa kabuuan po ng career ko, gusto kong maging involved na ako. Kung noon po ipinapaubaya ko na lang lahat kay Boss Vic, kina Mama [Divine Geronimo], ngayon gusto ko alam ko na ang lahat ng gagawin ko. Sana po kasama na rito yung pagpili ko ng endorsements," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May birthday wish ba siya? Ayaw pa rin ba niyang magka-boyfriend?

"Hindi naman po sa ayaw. Aminin ko po may times na gusto ko na, may times naman na ayaw ko. Yes! May wish din po akong magka-boyfriend, pero hindi pa po ngayon, hindi pa ako ready!" at napahalakhak na si Sarah.

Meron na ba siyang nagugustuhan?

"Yun nga po, e. Kung minsan parang may gusto na ako. Kung minsan naman, ayoko pa rin kahit pa marami akong hinahangaan. Pero siguro po, wala pa talaga doon yung masasabi kong true love."

JOHN LLOYD CRUZ. Totoo bang there was a time na nagparamdam sa kanya ang ka-loveteam niya sa A Very Special Love at You Changed My Life na si John Lloyd Cruz, kaya lang ay pinigilan ito ng kanyang ina?

"Hindi po, hindi naman siya nagparamdam. Naging gentleman at maasikaso lang talaga sa akin si John Lloyd noong time na 'yon," paliwanag niya.

Alam ba niyang that time na magkatrabaho sila ni John Lloyd ay may girlfriend ang aktor?

"Opo, alam ko naman ang mga bagay na 'yon noon. Kaya wala naman po talagang naganap na ligawan."

Sa issue na nagkailangan daw sila ni John Lloyd sa ASAP '09 two Sundays ago, inamin ni Sarah na totoo 'yon. Siguro raw dahil after their movie, hindi na sila nagkausap, pareho silang umalis for the States, at nawalan sila ng communication.

Nag-react ba siya nang lumabas ang balita tungkol kina John Lloyd at Ruffa Gutierrez? Hindi ba siya nagselos?

"Hindi naman po ako ex-girlfriend ni John Lloyd para mag-react ako," sagot ni Sarah. "Wala po akong maiku-comment tungkol doon. Malalaki na po sila at sila na ang responsible sa actions nila."

Nagulat naman si Sarah nang hingan siya ng comment tungkol sa pagkaka-link ni John Lloyd kay Cristine Reyes.

"May bago na naman? O, di ba? Wala na po akong masasabi tungkol diyan. Malaki na si Lloydie, alam na niya ang ginagawa niya," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWO MARKS. After na na-link siya kay Mark Bautista, may isa pang Mark na na-link siya, si Mark Herras. Totoo bang nanligaw sa kanya ang first StarStruck male winner?

"Hindi rin naman po nagparamdam o nanligaw si Mark. Tahimik lang po siya at hindi rin naman kami masyadong nagkakausap kahit nagkasama kami sa show. Ilang beses na rin po kasi siyang naging guest ko sa concert," saad ni Sarah.

Alam ba niyang gusto rin siyang ma-meet personally ni Mark Villar, ang binatang anak ni Senator Manny Villar, na umaming crush niya si Sarah?

"Talaga po? Nakakatuwa naman kung na-appreciate nila ang talents ko. Natutuwa lang sila kapag nakikita nila akong mag-perform. Hindi po sa beauty 'yon!" natatawa niyang sagot.

Hindi kaya isang Mark din ang maging boyfriend niya?

"Lagot, sino kayang Mark 'yon?" biro ni Sarah. "Pero naniniwala po akong darating ang tamang pag-ibig sa tamang panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN