Maricel Soriano's mother passes away at 65

The mother of actress Maricel Soriano (in photo), Mrs. Rosalinda Dador Martinez, passed away last Sunday, July 19, due to cardiac arrest. Her remains will be cremated tomorrow, July 22, at the Heritage Park Crematorium in Taguig City.


Pumanaw na ang ina ng Diamond Star na si Maricel Soriano, si Mrs. Rosalinda Dador Martinez, o mas kilala sa showbiz bilang "Mommy Lynda."



Last Sunday, July 19, bandang 10:30 a.m., binawian ng buhay si Mommy Lynda. She was 65 years old (ipinanganak noong November 2, 1944).



Pulmonary embolism leading to cardiac arrest ang sanhi ng pagpanaw ni Mommy Lynda, na sumailalim pa sa operasyon kamaikailan lang sa St. Luke's Hospital, kung saan binawian siya ng buhay.



Wala namang hinihintay na kamag-anak pa ang pamilya ni Maricel kaya bukas, July 22, at 3 p.m. ang cremation ng mga labi nito sa Heritage Park Crematorium sa Taguig City. Dito rin pinaglamayan kamakailan ang labi ng talent manager na si Douglas Quijano.



Si Direk Manny Valera, ang manager ni Marya for 17 years, ay kasama ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong gabi ng Linggo, July 19, na nanood ng Cinemalaya films. Natanggap ni Direk Manny ang sad news na ito through text. Kapatid ni Marya na si Jon-Jon ang nag-text sa kanya, at umaga pa nga raw ng araw na 'yon binawian ng buhay si Mommy Lynda.



Pagkatapos naming mag-late dinner sa Harbor Square sa tapat ng CCP ay tumungo na kami sa first night ng lamay sa Heritage.



Doon ay inabutan ng PEP si Maricel na namumugto't namumula ang mga mata sa pag-iyak. Kasama niya sa mesa sa labas ng chapel ang best friend na sina Roderick Paulate at Malou Choa-Fagar, ang bagong manager ng aktres at long-time friend din ni Maricel.



Naka-pink top at black blazer si Maricel, samantalang ang kanyang mga kapatid na nandun ay naka-white. Damang-dama namin ang pagdadalamhati ng aktres sa paglisan ng kanyang "Linda Carter" (tawag ni Marya sa ina noon), kaya minabuti naming hindi na lang kapanayamin ito, to give her privacy and time with her family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakikita lang namin, habang nakaupo na kami sa hindi kalayuan, ang patuloy na pagluha ni Maricel, na halatang pinipigilan at kinu-compose lang ang sarili. Kasama rin sa pag-aasikaso ng burol ang family friend nilang si Anthony Raquel, o mas kilala bilang si Tonette Macho of Iskul Bukol noong araw.



Nagdadalamhati rin that night, siyempre, ang mga kapatid ni Maricel na sina Bec-Bec, Mel, at Mikee Soriano. Naabutan din namin si Meryll Soriano, na pamangkin ni Maricel kay Bec-Bec.

Nagulat naman kaming mga binata na talaga ang dalawang anak ni Maricel na sina Tien-Tien at Marron.



"She took care of me," madamdaming sabi ni Tien-Tien sa isa sa mga nakakuwentuhan nito habang nasa St. Luke's pa lamang ang bangkay ng kanyang lola.



Isa sa mga unang dumating sa first night ay si Mother Lily Monteverde, dahil din sa text ni Direk Manny, at pinahintay pa kami doon.



"Mabait si Mommy Lynda, dami kaming pinagsamahan," sabi ni Mother Lily.

Sinang-ayunan naman ito ni Direk Manny, na mas malalim ang pinagsamahan with Mommy Lynda, dahil ito nga raw ang nagiging "tulay" sa pagitan nila ng ex-talent na si Marya 'pag nagkaka-gap sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN