Indie actor Marco Morales wants to penetrate mainstream TV

"Palagay ko, napipili naman nang maayos ang mga assignment ko, at hindi lang yung basta masabi na nakapagpakita ako o naghubad. Marami ang nagsasabi sa akin na may nakikita silang promise sa akin as an actor, and I just hold on to that," says Marco Morales.


Mukhang nagbubunga ang pagsisikap ng sexy actor na si Marco Morales. Kahit nabansagan siyang hubadero, nagpapasalamat siya at hindi naging cheap ang image niya. Kasi nga, may nakikita namang kaseryosohan sa attempts niya bilang artista.

Marco hopes that he can penetrate mainstream TV. Negotiations are going on para maging part siya ng isang malaking network. Nangangahulugan kaya ito na ise-set aside na muna niya ang indie films?

"Hindi ko basta gagawin ang gano'n, kasi hanggang ngayon, indie films ang bumubuhay sa career ko. Habang wala pang TV, mas nakikilala ako through the films na ginagawa ko, na in fairness, mayroon naman siyang captive market," sabi ni Marco sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

INTERNATIONAL FILM. Nagkaroon din ng chance si Marco na maging part ng isang Hollywood-Spanish production na nai-shoot partly rito sa Manila, ang The Consul of Sodome. Kapareha niya rito ang Spanish actor na si Jordi Molla, who made a name in some Hollywood films, gaya ng Elizabeth: The Golden Age at Bad Boys II.

"We play gay lovers in the film. Spanish poet ang role niya, and I'm the guy from the slums na naging love interest niya. Kung ano ang inaasahang love scenes at frontal nudity, may mga ganoon akong eksena rito, and I don't mind.

"Everything was done in good taste. Maganda ang set-up, lalo kung foreign production. sa atin kasi marami pang constraints, and nakakapag-adjust naman ako. Sa kanila, lahat maayos ang detalye, at nagsu-shoot sa tamang oras. Twelve hours lang bale ang trabaho sa isang araw," kuwento niya.

HIP-HOP GUY. Naaaliw naman si Marco sa bagong role na naka-assign sa kanya, para sa kumpanya ni Manny Valera, I Luv Dreamguys. Diligent si Marco na mag-aral ng hip-hop at pagsasayaw na ginagawa ng mga hosto.

"Tungkol ito sa mga kabataang naghahangad na makapunta ng Japan. May mga nagtatagumpay, may mga nabibigo. It's basically about their lives, at part dito yung may mga dance group na ganyan. Kaya lagi kaming may hip-hop dance rehearsal for our roles in that project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Joel Lamangan ang magdidirek nito, na obviously, nagugustuhan ang trabaho ni Marco mula nang lumabas siya sa Walang Kawala, na nasundan ng Heavenly Touch.

"Palagay ko, napipili naman nang maayos ang mga assignment ko, at hindi lang yung basta masabi na nakapagpakita ako o naghubad. Marami ang nagsasabi sa akin na may nakikita silang promise sa akin as an actor, and I just hold on to that.

"Kaya basta may challenging role, tinatanggap ko. Hindi ko naman puwedeng limitahin ang sarili ko, but slowly, I'm shying away from too much disrobing dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon, kailangan kong mag-expose ng katawan.

"Naniniwala lang ako na part ng pag-aartista ang ginagawa ko, and if I play a character, kung kailangang may eksenang maghubad at justified naman, bakit hindi ko gagawin?" katuwiran niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN