Former matinee idol Gary Estrada accepts that his prime years are long gone

"Tapos na nga ang mga panahon na 'yon. May edad na tayo and I'm a family man now. Kaya wala nang masama kung tanggapin ko na ang mga father roles. Nagpapasalamat ako dahil tuluy-tuloy naman ang dating ng trabaho para sa atin," says Gary Estrada.


Kahit father roles na ang ibinibigay sa dating matinee idol na si Gary Estrada, marami pa rin ang nakakapansin sa kanya. Sa edad niya kasi ngayon, mas lumakas ang sex appeal niya.

Natatawa na lang si Gary kapag may nasasalubong siyang mga dating fans niya at sinasabihan siya na mas guwapo raw siya ngayon kaysa noong bagets pa siya.

"Hindi ko alam kung compliment ba 'yon o kung nagiging mabait lang sila sa akin!" sabay tawa niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero thank you pa rin sa marami at napapansin pa rin pala nila ako. Minsan nga nagugulat ako kapag may mga tumititig sa akin at sinasabi nila na, 'Ay, ikaw si Gary Estrada, di ba?' I'm glad na kahit marami nang mga artista ngayon, nakikilala pa rin tayo."

Sunud-sunod ang TV projects ngayon ni Gary kung saan gumaganap siya bilang tatay ng young stars. Ang pinaka-latest nga ay ang Rosalinda, kung saan gumaganap siya bilang si Javier Perez, ang ama ni Fedra (Katrina Halili) at tatay-tatayan ni Rosalinda (Carla Abellana).

Inamin ni Gary na noong una siyang alukin na mag-father role sa isang young star ay parang ayaw pa niyang tanggapin. Pero na-realize niya na dumating na ang panahon na dapat na siyang tumanggap ng mga gano'ng klaseng roles or else ay wala na siyang magiging trabaho sa showbiz.

"Noong una, masakit tanggapin. Kasi nga, nagsimula ako sa showbiz, naging boy-next-door ang image ko. Nabigyan ako ng mga malalaking projects sa movies at nagbibida ako. Pero if you hold on to the past, hindi ka maggu-grow sa industriyang ito.

"Tapos na nga ang mga panahon na 'yon. May edad na tayo and I'm a family man now. Kaya wala nang masama kung tanggapin ko na ang mga father roles. Nagpapasalamat ako dahil tuluy-tuloy naman ang dating ng trabaho para sa atin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FAMILY MAN. Isang proud daddy na ngayon si Gary. He has three beautiful daughters (Gariella Bernise, Gariana, and Beatrice) mula sa kanyang misis na si Bernadette Allyson. May anak naman siyang lalaki mula sa dati niyang girlfriend na si Cheska Diaz.

"Proud ako sa mga anak ko. My girls are so pretty. Nagmana silang lahat kay Bernadette. Masisipag mag-aral parati. Puro nga mga babae. Pambayad utang daw lahat!" sabay tawa niya.

"Yung only boy ko na si Kiko," patuloy niya, "he's already 18 years old. Nakakagulat, di ba, may college student na akong anak? I was the same age noong ipinanganak siya. Ngayon, panay ang pangaral ko sa kanya. Pag-aaral muna bago mambabae. Nakikinig naman sa akin, kasi ayoko siyang matulad sa akin na naging binatang ama.

"Ang namana sa akin ni Kiko ay ang pagkahilig sa sports. Lahat ng sports, gusto niyang subukan kaya walang time makipag-date. Tapos, aral nang aral. Kaya nakakatuwa dahil yung mga pangarap ko sa kanila ay natutupad."

Physically fit pa rin si Gary at puwede pa siyang ma-label na isang "hot daddy."


"Kailangan natin alagaan ang sarili natin," sabi niya. "Hindi porke't tatay na tayo, e, pababayaan na natin ang katawan natin. I still do sports every now and then. Very active ako sa pakikipaglaro sa mga anak ko kapag nasa bahay ako. Umiiwas din ako sa mga pagkaing nakakataba. Workout pa rin ako sa gym para maintained ang porma ng katawan natin."

Hindi pa rin nawawala ang kagustuhan ni Gary na magsilbi sa kanyang mga kababayan sa Quezon province. Sa tanong kung may balak ba siyang tumakbo sa anumang posisyon sa 2010, pinag-iisipan pa raw niya ito nang husto.

"Ang pamilya naman namin, nasa public service talaga kami. Kung tatakbo ako next year? Hindi ko pa masasagot sa ngayon. Marami pa tayong gustong hingan ng advice regarding that. I want to make the right decision at pinagdarasal ko 'yan parati," pagtatapos ni Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN