Matt Evans still wants to meet his American father

"Okey lang sa akin kung mayroon na siyang family, sana lang po ay i-acknowledge niya na anak nga niya ako. Kapag nangyari po 'yon, doon ko lang masasabi na buo na talaga ang pagkatao ko," says Matt Evans about his American father Talmage Evans.


Magkasabay na dumating ang magka-loveteam na sina Matt Evans at Melissa Ricks sa presscon ng LOL (Love OnLine) sa Moomba Restaurant, Mother Ignacia St., Quezon City, noong July 21.

Ito ang first time na nakasama ni Matt sa pelikula si Vi Sotto at maging ang leading lady nito na si Paula Taylor. Ano ang feeling niya nang malaman niyang makakasama siya sa pelikula ni Vic?

"Nagulat po ako, kami ni Melissa, nang sabihin sa amin ng Star Magic na kasama kami sa movie. Marami pong artista na gusto kong makasama, at isa nga po roon si Bossing Vic. Kaya sabi ko, kahit wala akong pahinga, kahit puyat ako sa taping ng Kambal Sa Uma, kapag sinabing may shooting ako, wala akong reklamo, darating ako. Feeling po namin ni Melissa, pinagpala kami na nakasama sa movie.

"Excited na ninenerbiyos po ako sa first shooting day namin," patuloy niya. "Madali naman po akong naka-adjust kasi very approachable po si Bossing. Marami nga po akong natutunan sa kanya pagdating sa acting. Para po kasing hindi siya umaarte, napaka-natural po niya."

Kumusta naman si Paula?

"Kapag may eksena lang po kami, nahihiya po kasi akong makipag-usap sa kanya. 'Spokening dollar' po kasi siya, ako 'spokening peso' lang!" natatawang wika ni Matt.

Ano ang role niya sa movie na idinirek ni Tony Reyes?

"Tambay po ako sa computer shop ni Samson [Vic] at suitor ako ng pamangkin niyang si Melissa. Nakakatuwa po, gumawa ang PLDT ng Bookface, parang Facebook, at nagpa-function po ito talaga," lahad ni Matt.

Kumusta naman sila ni Melissa? Bakit may issue na sina Melissa at Rayver Cruz na raw ngayon?

"Ganoon pa rin po kami ni Melissa, very close friends," sagot ng binata. "Ewan ko po yung tungkol kay Rayver, kasi wala naman po talaga. Kahit po si Melissa, nagulat nang magkaroon ng ganoong issue. Magkakasama lang kami nina Rayver sa ASAP '09."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE GREAT AMERICAN DREAM. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Matt ang tungkol sa pag-aayos ng papers niya para makapunta na siya sa United States at makita ang amang si Talmage Evans, na member ng U.S. Air Force.

"Pinababalik nga po ako ng Consul na nakausap ko noong kumuha kami ng working visa para sa Star Magic show namin sa States last month. May papipirmahan po daw sa akin sa U.S. Embassy para maayos ang citizenship ko. Hinahanap po kasi nila ang birth certificate ko, pero naibigay na po ni Mama 'yon, 'saka po yung mga pictures namin ng daddy ko noong bata pa ako, 'saka yung letter ni Daddy sa mama ko na ipinahahanda niya ang papers namin," lahad ni Matt.

Kasal ba ang mama niya sa daddy niya?

"Hindi po, kasi 'yon po ang time na biglang inalis ang mga U.S. bases dito sa atin at inilipat sila sa Okinawa, Japan. Nakakalungkot nga lang po, nawala nang lahat ang contacts namin. Kahit ang lola ko, yung mommy ni Daddy na nakakausap ni Mama noon, nawala na rin ang contact ko sa kanya.

"Kailangan ko pong maayos na lahat 'yon bago ako mag-21 years old sa October. Mahihirapan na raw po ako kapag 21 na ako at hindi pa ayos ang citizenship ko. Kaya po kinuha na namin ang services ni Atty. Michael Garfunkel para po mapadali ang pag-aayos ng lahat."

Ano ang gagawin niya kung makita na niya finally ang kanyang ama?

"Noong una po, parang gusto ko siyang sumbatan. Tatanungin ko siya kung bakit niya kami pinabayaan, bakit hindi siya nag-effort na hanapin kami ng mama ko. Pero ngayon po na parang may linaw na, tama na yung makita at makausap ko siya.

"Okey lang sa akin kung mayroon na siyang family, sana lang po ay i-acknowledge niya na anak nga niya ako. Kapag nangyari po 'yon, doon ko lang masasabi na buo na talaga ang pagkatao ko," seryosong pahayag ni Matt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Matt, extended pa raw ang afternoon soap nila ni Melissa sa ABS-CBN na Kambal Sa Uma, pero wala pa raw siyang alam na susunod na project. Gumagawa raw sila ng training film sa Star Cinema, parang indie film, kapag hindi sila busy.

Ang LOL (Love OnLine) naman ay produced ng M-Zet Productions ni Vic, OctoArts Films ni Orly Ilacad, at APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera. Sa August 19 na ang showing nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN