Sen. Bong Revilla speaks up about new issue with Rosanna Roces over their grandson

"Kung ang hangad ni Osang ay maging maganda rin para kay Gab, e, siguro ganun din kami. Parehas lang kami. Wala namang ano. Kaya ang mas maganda, pag-usapan lang nang maganda. Hindi dapat paratingin sa ano, hindi dapat magtakutan. Dahil kung tatakutin kami, matagal na kaming takot, e," says Senator Bong Revilla about actress Rosanna Roces (inset).


Nalalagay na naman sa sentro ng mga intriga ang pamilya ng actor-politician na si Ramon "Bong" Revilla Jr. at ang aktres na si Rosanna "Osang" Roces.

Binalaan ni Osang ang anak ni Bong na si Jolo Revilla na ibalik sa kanya ang apong si Gab, na nasa pangangalaga ngayon ng mga Revilla. Si Gab ang anak ni Jolo kay Grace Adriano, ang panganay na anak ni Osang. Kung hindi raw ibabalik ni Jolo ang apo at nagbanta si Osang na abogado na niya ang susunod na makikipag-usap sa kanila.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bong ay ipinaliwanag nito kung paano napunta sa poder ng mga Revilla ang kanyang apo.

"Kaya naman napunta sa amin si Gab, di ba, nagkaroon ng primary complex? Pero mas maganda... Ayoko na lang magsalita," pagpipigil ni Bong sa sarili.

Ang primary complex ay "typical lesions of primary pulmonary tuberculosis, consisting of a small peripheral focus of infection, with hilar or paratracheal lymph node involvement."

Mismong ang ina raw ni Gab na si Grace ang nagbigay kay Jolo ng anak nila para maalagaan.

Ayon kay Bong, "Kay Jolo muna. 'Tsaka katulad ngayon, habang nagpapagaling, pinag-aaral niya ngayon doon sa Learning Child sa Alabang si Gab kung saan nag-aaral din yung bunso ko, si Ram. Doon din nag-aaral si Gab. It's a very good school.

"Ang masakit lang, yung hindi naman dapat magbangayan. Hindi dapat magsiraan. Nabibingi na kami doon, e. Bingi na kami doon. Masyado na kaming nasasaktan sa mga paratang na hindi naman kami lumalaban. Wala naman kaming binibitiwan sa side namin. Sa amin lang, gusto namin mapaayos lang yung bata, gumaling si Gab. Kahit ano ang sabihin natin, dugo namin yun. Dugong Bautista yun.

"Mahal namin yung bata," patuloy niya. "Gusto namin maganda ang kinabukasan niya. Yun lang. Kung ang hangad ni Osang ay maging maganda rin para kay Gab, e, siguro ganun din kami. Parehas lang kami. Wala namang ano. Kaya ang mas maganda, pag-usapan lang nang maganda. Hindi dapat paratingin sa ano, hindi dapat magtakutan. Dahil kung tatakutin kami, matagal na kaming takot, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kami dapat takutin. Sa bala nga hindi ako natakot, e, sa bibig pa? Ibig kong sabihin, wala tayong ano doon, hindi dapat. Pag-usapan ang kinabukasan ng bata. Bata ang nakataya dito, yun ang pag-usapan natin."

NO NEED TO GO TO COURT. If worse comes to worst, posible ba na umabot sila sa korte para sa custody ng bata para hindi na sila laging nagkaka-isyu kung kanino ba talaga dapat manatili si Gab?

"Kung kinakailangan siguro. Kung hindi talaga magbibigayan. Pero sa akin, hindi naman sana. Huwag na. Huwag nang umabot sa korte," saad ni Bong.

Kailan nila balak isoli kay Osang si Gab?

"Hindi kami, hindi ko desisyon yun, e. Desisyon ni Jolo yun. Kung ano ang desisyon niya, susuportahan namin."

Definitely, aware daw si Grace sa nagaganap na "kaguluhan" sa pagitan ng kanyang ina at ng pamilya Revilla.

"Tingin ko naman, siguro that will... Basta hintayin na lang natin yung mga... Kaya sabi ko nga kay Osang, sabi niya, magdedemanda raw si Grace, ganun-ganun. A, hindi naman dapat paglabanan yung mga bagay-bagay na ganyan sa korte. Takutan na yun, e. Bata ang involved. Mahirap na lang magsalita. Basta ako, naaawa ako sa apo ko. Yun lang."

Nabanggit din ni Jolo sa isang interview noon na balak daw i-adopt ng dating partner ni Grace si Gab. Pero tutol si Jolo sa plano noon ni Grace.

"Hindi siyempre papayag si Jolo," sabi ni Bong. "Para naman naming tinanggalan ng karapatan yung bata. Parang napakasama namang ama ni Jolo kung bibitiwan namin. Kung ayaw naman ng sakit ng ulo, susuko na lang, 'Sige, sa inyo na.' Ano naman ang magiging mukha ni Jolo bilang ama, di ba, sa lahat ng tao kung halimbawang ibibigay na lang kay Osang si Gab? Parang hindi mo ipinaglaban."

OSANG'S FACEBOOK ACCOUNT. "Nakita ninyo sa Facebook, naka-ganun [dirty finger] si Gab?" tanong ni Bong, na ang tinutukoy ang lumabas na litrato ni Gab na naka-dirty finger sa Facebook account ni Osang. Ang naturang larawan ay bilang sagot ni Rosanna sa mga naglabasang write-up na maayos daw ang relasyon ni Jolo sa ina ng kanyang anak. (Click here to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakaawa," sabay iling ng senador. "Sabi ko, bakit naman ganun? I mean, naawa ako sa apo ko. Bakit tino-tolerate ito? Siguro sa tingin niya [Osang], nakakatuwa."

So, hindi nila alam na marami nang alam na ganun si Gab?

"Si Gab 'pag sa amin, ano siya, e, siyempre, actually nadisiplina siya. Hindi siya nakukunsinti sa, halimbawa, kapag kailangan nang uminom ng gamot. Hindi naman kami namamalo ng bata, e. Hindi naman. Di ba, sinasabi tinatakot? Hindi kami ganun. Sa mga anak ko, walang ganun. Never kaming nanakit ng bata. Pero ngayon, si Gab, maganda yung ano, kumbaga wala na siyang Pampers [diaper] ngayon. Umiinom na siya ng gatas ngayon. Umiinom na siya ng gamot niya on time. Pumapasok siya sa school on time. Pero nung unang araw ng ano niya, hindi mo maano 'yan.

"Ako, natitiyempuhan ko, hindi ko maano 'yan, hindi magising nang maaga. Pero kapag nakita niya ako, 'Ayan na si Lolo Bong, si Papa Bong.' Tatayo na yun. Siguro yung nakikita niya, respeto. Magbibihis na yun, tapos ki-kiss na sa akin yun. Kita mo yung paggalang. Pero yung hindi takot, hindi yung, 'Hindi, huwag mo nang papasukin 'yan.' Hindi ganun. Hindi natin ginaganun. Kasi sa mga anak ko, hindi mo puwedeng i-spoil. Marami kasing klase ng pagmamahal. Kapag sumobra rin ang pagmamahal mo, masama rin," mahabang pahayag ni Bong.

Ayon sa senador, nagkausap na rin daw sila ni Osang sa telepono.

"Tinawagan ko siya. In fact, sabi ko, 'Osang, pag-usapan n'yo na lang ni Jolo 'yan.' Sabi ko, hindi maganda na nag-aaway yung... Hindi maganda tingnan kung ano ang sinusulat sa Facebook, ang naapektuhan yung bata. 'Tsaka kapag bata ang pinag-uusapan, hindi dapat pag-usapan 'yon when it comes to ano, ganyan. Sabi ko, 'Pag-usapan n'yo na lang ni Jolo. Kawawa naman. Kawawa naman yung mga bata.' 'Hindi, basta iuwi ninyo si Gab dito.' Matigas siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo sa kanya, mahal na mahal niya ang bata. Sa tinign ko, in fairness kay Osang, sobrang mahal niya si Gab. Naging over-protective siya. Ayaw niyang umiiyak yung bata kaya lahat ng gusto, ibibigay. Hanggang sa dumating na nauubos yung ngipin. Nabulok lahat yung ngipin. Dalawa o tatlo lang ata ang natira. Bungi lahat."

Kumusta naman si Jolo sa gitna ng isyu sa kanila ni Osang?

"Confused, very disappointed. Malungkot siya. Very bothered, ganun. Kaya sabi ko sa kanya, 'Anak, mag-workout ka na lang. Doon mo na lang ibuhos ang sama ng loob sa gym para mas maganda ang katawan mo kesa sa akin!' Hindi, binibiro ko na lang. Kaya nag-jogging kami magkasama kanina, e. Inaliw ko na lang siya. Bonding na lang kami. Jogging kami."

LANI TO RUN IN CONGRESS. Kinumpirma naman ni Bong ang pagtakbo sa 2010 elections ng misis niyang si Lani Mercado sa Bacoor, Cavite.

"Lani is running, definite na. Congresswoman. Hinihintay lang namin yung desisyon ng pagre-redistrict ng Cavite into seven provincial districts. Magiging District I na ang Bacoor ng lalawigan ng Cavite. Actually, ang hinihintay na lang namin yun. Pero malaki naman ang porsiyento na papasa siya," pagtatapos ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN