Broadcaster Julius Babao explains name chosen for second child

The newscaster says "Antonio Francesco" was derived from three saints.
by Mark Angelo Ching
Jul 23, 2009
TV Patrol World newscaster Julius Babao said he would name their second child "Antonio Francesco" because he believes Padre Pio, or St. Francesco Forgione, helped his wife Christine Bersola-Babao finally conceive after four years. "So yun ang ini-name namin kasi we consider this baby a miracle baby. Kasi nga for the longest time we've been trying pero hindi kami nakakabuo ng baby, until nag-pray kami kay Padre Pio," th

Tatlong buwang buntis ngayon ang TV personality na si Tintin Bersola-Babao, at ayon sa asawa nitong si Julius Babao, nakapili na raw sila ng ipapangalan sa anak. Kung sakali raw matupad ang kanilang hiling at maging lalaki ang bata, ang magiging pangalan nito ay "Antonio Francesco," na hango sa pangalan ng tatlong santo—sina St. Anthony, St. Francis of Assisi, at Padre Pio.

Ayon kay Julius, espesyal daw ang pagkakapili nila kay Padre Pio, o Fr. Francesco Forgione, isang Italyanong pari na namatay noong 1968, dahil ito raw ang tumulong sa kanila upang makabuo uli ng isa pang anak matapos ang apat na taon na paghihintay.

Matapos kasi maipanganak ni Tintin ang una nilang anak na si Antonia, nahirapan silang makabuo pa ng bagong baby. Ngunit nakatulong daw ang pagdadasal sa nasabing santo.

"Kasi si Padre Pio, ang tunay na name niya is Francesco. So yun ang ini-name namin, kasi we consider this baby a miracle baby. Kasi nga for the longest time we've been trying pero hindi kami nakakabuo ng baby, until nag-pray kami kay Padre Pio," paliwanag ni Julius, sa launching ng parenTIN.tv noong Martes, July 21, sa Lancaster Hotels, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman pumunta ang mag-asawa sa Italy noong nakaraang buwan upang magpasalamat. Bumisita sila sa San Giovanni Rotondo, kung saan nakahimlay ang mga labi ni Padre Pio na hanggang ngayon ay buong-buo pa't hindi naaagnas.

Kuwento pa ng TV Patrol World anchorman, talaga raw milagro ang pagbubuntis ng kanyang asawa dahil sa kahugis ng bahay-bata nito ang libingan kung saan binabalak ilipat ang katawan ni Padre Pio.

"Nung pina-ultrasound namin yung baby namin sa tummy ng Mommy niya, yung shape nung womb ng mommy niya ganun. I don't know if it's coincidence, pero... I think it's a sign na dahil kay Padre Pio nabuo yung baby namin," dagdag ni Julius.

Kumusta naman kaya ang pagbubuntis ni Tintin?

"Nung pumunta kami ng Italy for that pilgrimage, hindi siya nahirapan, wala kaming na-experience na anumang hassle dun sa pregnancy niya. Everything worked out smoothly," paliwanag ng host ng XXX.

SLEEPING PROBLEMS. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Tintin, sinabi niya na bagamat mas magaan ang pagbubuntis niya ngayon kesa noong ipinagbuntis niya si Antonia, nagkaroon naman siya ng matinding insomnia. (Click HERE to read related story)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sobrang antukin ako during the day. Tapos nag-i-insomnia ako. Grabe ako mag-insomnia! From 12 midnight to 5 a.m., gising ako. Parang inaantok lang ako 'pag nakikita ko na ang araw," lahad ni Tintin.

Sa February 2010 ang due date ni Tintin, kaya't maaaring maging magkalapit ang birthdays nina Antonia at Antonio Francesco.

Read Next
Read More Stories About
Julius Babao
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol World newscaster Julius Babao said he would name their second child "Antonio Francesco" because he believes Padre Pio, or St. Francesco Forgione, helped his wife Christine Bersola-Babao finally conceive after four years. "So yun ang ini-name namin kasi we consider this baby a miracle baby. Kasi nga for the longest time we've been trying pero hindi kami nakakabuo ng baby, until nag-pray kami kay Padre Pio," th
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results