Rosanna Roces says daughter Grace Adriano plans to file case against Revilla family

"Hindi ako matapang sa Facebook lang. Kung ano ang isinulat ko doon, paninindigan ko. Kaya ko silang harapin one-on-one," says Rosanna Roces.


Sinabi ni Rosanna Roces sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung ano ang sinabi niyang status niya sa Facebook, yun ang nararamdaman niya. Nai-post ni Osang doon ang tila galit niya sa angkan ng mga Revilla dahil sa apo niyang si Gabriel. (Click here to read related article.)

Ayon kay Osang, hindi na raw isinosoli ng mga ito ang bata sa ina nitong si Grace Adriano, anak ni Osang. Si Grace ay ex-girlfriend na nabuntis ni Jolo Revilla, anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Nakapanayam ng PEP si Osang kagabi, July 23, sa premiere night ng kinabibilangan niyang pelikula, Karera, sa Cinemalaya Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

"Ang point ko lang, kapag may hiniram, mayroong dapat isolo," sabi ni Osang. "Kinukuha ko yung apo ko sa kanila dahil hiniram lang naman nila. Aba, ayaw nang isoli! Kapag usaping apo at anak na 'yan, walang-hiyaan na 'yan kung walang-hiyaan. Kung ano ang gusto kong iparating sa mga Revilla sa sinabi ko doon, yun ang sasabihin ko sa kanila nang harapan.

"Hindi ako matapang sa Facebook lang. Kung ano ang isinulat ko doon, paninindigan ko. Kaya ko silang harapin one-on-one," matapang na pahayag ng aktres,

Naitanong namin kay Osang kung bakit ganoon ang nangyayari, samantalang hindi na dapat umabot pa doon kung tutuusin.

"Hindi maayos ang pag-uusap kasi hindi sila maayos kausap," diretsahang sabi niya. "Kumuha ako ng dalawang articles na na-publish, sabi ng bata, ipapahiram naman niya kung may nagte-text. Ang sabi ng isang bayarang reporter, nananakot na ako. Kung tinatakot ka na, ibig sabihin, mayroon kang tine-text na hindi mo ginagawa.

"Tine-threaten ka na, ibig sabihin, nangungulit na itong isa. Bakit mo sasabihing walang nagte-text? Nakikita mo tuloy diyan ang kasinungalingan ng media, yung mga bayarang reporter. Nandoon yung kasinungalingan, at yung tapatan ng nagagalit. Nasa 'yo na kung paano mo huhusgahan kung sino ang nagsasabi ng totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang naman ako ang nagsasalita rito," patuloy ni Osang. "Ako kasi, madadaan pa ako sa pakiusap. Pero iba na kung yung mismong ina na ang magdedemanda sa kanila. Mas matakot sila doon. Magkakaletse-letse na sila kapag ganoon ang nangyari!"

Nasabi raw ni Grace kay Osang na kapag tumuntong na ito sa tamang edad, siya na raw mismo ang magdedemanda sa mga Revilla dahil diumano sa mga ginagawa nito sa kanila.

"Sabi nila, isosoli ang bata ng Friday, aba, umabot na ng Sunday, hindi natupad yun! Dumarating yung bata sa umaga. Sa pagtulog ko, nasa tabi ko ang bata, nagigising ako, wala na yung bata, kinuha na nila. Literally, ninanakaw nila yung bata! Hindi na sila nagpapaalam.

"Doon ako napupuno sa kanila. Naka-draft na yung demanda ni Grace sa kanila at pinag-aaralan na kung anuman ang kasong isasampa laban sa kanila. 'Tapos, isusulat na lang ang pangalan nila at ang address. My lawyer will deliver it. May pagka-kidnapping ang dating.

"They are causing us so much stress. Sa part ng nanay, sa part ko bilang lola. Nasabi ko nga kay Bong, hindi ba niya naiisip kung bakit tatlo ang entry ko sa Cinemalaya [one being the NETPAC entry, Aurora, yung isa pa ay ang opening film na Manila na ginawa niya para sa kumpanya ni Piolo Pascual]. Kasi, ang nag-i-inspire sa akin ay ang apo kong si Gabriel. Siya ang dahilan kung bakit itinutuwid ko ang mga pagkakamali ko. Gagawin ko ang lahat para maging mahusay sa ginagawa ko, para na rin sa apo ko.

"Nade-depress na naman ako dahil sa ginagawa nila. Tatlong gabi na akong nasa kama, di mapagkatulog, kaya kailangan ko na namang uminom ng sleeping pills. Hihintayin pa ba nilang ikamatay ko ito bago nila isoli yung bata?" tili ni Osang, na halos umalingawngaw sa apat na sulok ng CCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN