Next Big Star finalist Jay Perillo takes another shot at stardom

Jay Perillo, 21, is one of the strongest contenders in GMA-7's talent search, Are You The Next Big Star?.

"Strength ko po talaga yung passion, dedication, musicality, at yung vocal prowess ko. Weakness ko po, height!" he quips.


Napa-"wow!" si Jay Perillo nang marinig niyang among the contenders of Are You The Next Big Star?, siya ang choice ng halos lahat ng remaining contestants na maging "Next Big Star," o itinuturing na mahigpit na kalaban nila.

Ayon kay Jay, "Actually, sobrang flattered po ako! Sa competition na ito, this time, I'm trying to be more mature. Before po kasi, I was a kid, 17. E, ngayon 21 na ako. So, sobrang flattered po talaga dahil ako mismo, humahanga sa kanila. So, kapag alam mo pala na ang hinahangaan mo, humahanga rin sa 'yo, flattering po. At the same time, medyo pressured din kasi mas kailangan ko pang galingan."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay sa presentation ng remaining contenders ng Are You The Next Big Star?, ang latest na talent search program ng GMA-7.

SECOND CHANCE. Hindi na bago kay Jay ang pagsali sa talent contests gaya ng Are You The Next Big Star. Minsan na rin siyang nakasama sa Search for a Star in A Million ng ABS-CBN. Also, for the past years Jay has been a Viva contract artist.

Umabot din daw siya sa Top 6 sa Star in A Million Season 3, kung saan si Kris Lawrence ang itinanghal na winner. Pero aminado si Jay na marami siyang regrets sa nagawa niya noon.

"Pumasok po kasi ako noon nang walang bala," sabi ni Jay. "Ngayon, sobra pa po!"

Pero ayon pa rin kay Jay, kahit mas experienced na siya, hindi niya raw ito ipinagdadamot sa mga kapwa niya contestants sa Are You The Next Big Star?.

"Hindi po ako naging maramot. Hindi ko sila gaanong tinitingnan as kalaban. So, meron po akong mga suggestions kung ano sa tingin ko ay mas maganda," aniya.

Bakit niya ginagawa yun gayong nasa iisang competition sila?

"Opo, pero kasi po yung attitude na mine-maintain ko rito ay parang competitive ako sa kanila kapag nakaapak ako sa stage," sagot ni Jay. "Pero the second na bumaba yung paa ko sa stage, wala na po akong ano run. Sa totoo lang po, ito po ang competition na sobrang healthy. As in, literal na magkakaibigan po ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagtutulungan din kami. But still, hindi pa rin 100 percent because it's still a competition. Pero yun po, tumutulong talaga ako sa kanila kung ano ang feeling kong maganda at makakatulong sa kanila. Siyempre po, ang nasa isip ko kung paano ko matatalo ang sarili ko last week. Ayoko pong makipagkumparahan sa kanila."

RACE TO THE FINISH. Isa si Jay sa contenders ng Are You The Next Big Star? na ni minsan ay hindi pa napapasama sa bottom group. Confident ba siya na makakasama sa Top 6?

"Hindi rin po, e," sagot ng 21-year-old aspiring singer. "Kasi, every week, back to zero po kaming lahat, yung performances namin. So, sa pagiging consistent po na yun, medyo pressured din po ako kung paano ko sila gugulatin. Kasi alam ko po na kailangan ko po yung panggulat.

"Bilog po ang mundo kaya hindi ko rin masasabi kung ano po ang mangyayari, kung ano ang mga unfortunate events. Pero confident naman po ako dahil alam ko naman po na may gumagabay sa akin sa lahat ng kilos ko po—si Lord. Every performance po, bago ako humaharap sa kanila, tumatalikod po ako para magdasal."

Kung siya ang bet ng halos lahat, sino naman ang nakikita niyang puwedeng maging threat sa kanya?

"Si Greggy Santos at Geoff Taylor po," prangkang sagot niya.

Ano naman ang nakikita niyang strength and weakness niya?

"Strength ko po talaga yung passion, dedication, musicality, at yung vocal prowess ko. Weakness ko po, height!" natatawang pag-amin ni Jay.

Dugtong niya, "Pero yun nga po, yung mga sinasabi ko po kapag tinatanong nila ako, 'Paano ka magiging next big star, e, kulang ka sa height?' Ang nasa isip ko po, kung star ka po, star ka po."

Aminado si Jay na ang inspirasyon niya ay sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, opo...palagi ko pong sinasabi yun. Kung hindi ako pang-Next Big Star, paano na po sila Kuya Ogie? E, isa po sila sa mga hinahangaan ko when it comes to music. Yung musicality ni Sir Ogie, so broad! E, iba po ang respeto ko when it comes to musicians."

Desidido rin daw ituloy ni Jay ang pag-aaral sa Conservatory of Music sa University of Sto. Tomas, whether he wins or not. Pero kung sakali ba na hindi siya ang tanghaling Next Big Star, sasama ang loob niya?

"Aminado po ako, sinasabi ko nga po sa kanila," sagot ni Jay, "feeling ko, ako ang pinakamasasaktan dahil heart and soul, dedicated po talaga ako sa competition na ito. Like every aspect na nakikita kong negative na nakikita ng judges, pinipilit kong baliin kahit hindi ako yun. Kasi po, nakikita ko na ito po talaga ang ticket ko sa music scene.

"So, masasaktan po talaga ako, inaamin ko. Pero alam ko naman po na it's not the end and be all of everything. Sa contest po, tingin ko po ito na po ang huli. Pero in terms of music, hindi po, alam ko po na marami pa po akong magagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN