Photo controversy for another Next Big Star contestant

Geoff Taylor says some of his sexy photos circulating the web were taken with his cell phone which went missing during a male bikini competition in 2006.


Aware naman pala si Geoff Taylor, isa sa mga contestants ng Are You The Next Big Star? ng GMA-7, na may kumakalat sa Internet na mga sexy photos niya.

May mga photos siyang nakasuot ng sexy bikini trunks at may iba naman na kinukunan niya ang sarili niya via camera phone na naka-underwear lang siya.

Inaamin naman ni Geoff na siya nga ang nasa mga litratong iyon. Pero matagal na raw ang mga iyon at yung iba ay galing sa cell phone niya na nanakaw noon.

"Hindi ko naman po dini-deny. Ako po ang mga nasa picture na iyon," diin ni Geoff.

"Yung pictures na naka-trunks ako, that was [the] time na sumali ako sa Mossimo Bikini Summit Competition noong 2006. I was modeling before tapos pinasali ako sa Mossimo. Nanalo that year was Jerome Ortiz.

"Yung photos naman na kinukunan ko ang sarili ko sa salamin, that was during Mossimo rin. Nakatuwaan ko lang na kunan ang sarili ko kasi nga dati patpatin akong bata, tapos may abdominal muscles na ako.

"Marami akong photos na naka-store sa cell phone ko na iyon. Noong mag-show kami minsan out of town, iniwan lang namin ang mga things namin sa dressing room. Pagbalik namin, my cell phone was missing na. Kaya kung sino man ang kumuha no'n, siya ang nag-post ng mga photos sa Internet."

CHASING A DREAM. Ang Are You The Next Big Star? ang second contest sa TV na sinalihan ng 23-year-old na taga-Tuguegarao, Cagayan Province. Una siyang napanood bilang isa sa mga scholars ng kauna-unahang Pinoy Dream Academy. Si Yeng Constantino ang tinanghal na Grand Star Dreamer at pangatlo si Geoff sa natanggal sa show.

"Hindi naman ako dapat sa PDA dapat sumali, e. I was auditioning for Pinoy Big Brother: Teen Edition. I was 19 years old then. Pero sabi ng manager ko na huwag na lang ako sa teen edition kasi by the time na mag-start na ang show, I will be turning 20 years old na. Hindi na ako considered na teenager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ang plano talaga is sa Pinoy Big Brother Season 2 ako dapat ipapasok. But plans were changed again at sa Pinoy Dream Academy na ako pinag-audition. Hindi naman talaga ako professional singer. I'm not even a member of a band. Marunong lang akong kumanta.

"Kaya ako lang sa batch na iyon na walang experience performing sa harap ng maraming tao. Doon na ako sa PDA natuto at na-train ako talaga to be a performer onstage."

NEXT BIG STAR? Hindi naman daw siya kinontrata ng ABS-CBN kaya walang naging hadlang sa pag-audition niya sa Are You The Next Big Star? ng GMA-7.

"I did some guestings sa ilang shows ng ABS-CBN 2. Pero hindi naman nila ako ginawang talent nila talaga. Kaya noong magpa-audition sila for Are You The Next Big Star?, I tried it out na rin even if I was already doing a few shows here and abroad.

"Noong makapasok ako sa Circle of 16, natuwa naman ako because this show will give me another chance to prove myself as an artist. Yung mga hindi ko nagawa at naipakita before sa PDA, dito ko nilabas lahat. And so far, in my own assessment, I'm doing okay."

Isa nga si Geoff sa sinasabing malakas among the boys sa Are You The Next Big Star? dahil never pa naman siyang napupunta sa Bottom Four. Nagugulat nga siya at every week ay dumarami ang mga fans niya sa studio.

"Natutuwa ako at sinasabi nila na malakas ako. Pero hangga't wala pa kami sa pinakahuling laban, I will still consider myself na nanganganib sa competition.

"Lahat naman kami, we are doing our best para ma-impress ang judges at makakuha ng text votes from the TV audience. Basta every week, I do my best and I will make sure na mapapanood parati iyon ng marami," pagtatapos pa ni Geoff Taylor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN