Mylene Dizon wants to be in good films like last year's 100 that won her acting awards

"Every year, sinasabi nila, patindi nang patindi ang mga nagagawang pelikula. Kaya all the more na gusto ko uling makagawa para sa Cinemalaya," said the actress, who won awards in last year's Cinemalaya and the Golden Screen Awards of the Entertainment Press Society.


Natiyempuhan namin si Mylene Dizon sa Cinemalaya V sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kamakailan para bigyan ng suporta ang kaibigang si Neil Ryan Sesena na kasama sa competition entry na Mangatyanan. Si Mylene ang itinanghal na Best Actress last year sa Cinemalaya para sa makabuluhang pagganap niya sa 100, na nagbigay rin ng karangalan sa kanya in the same category sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS).

"Masyado pang maaga para sa anak kong bunso yung character niya," sabi ni Mylene tungkol naman sa kanyang bunsong anak na si Lukas. "Ngiti lang nang ngiti, tulog nang tulog. Pero, naaaliw ako dahil masayahin siya. Yung kaibahan niya sa first born ko, si Tomas, hindi pa masyadong halata. Masyado pang bata si Lukas.

"Nang makita ko si Lukas, ang eksaktong feeling ko? Relief! Natapos ang ordeal ko ng panganganak. There's joy. Pero, siyempre, punumpuno pa ang isip ko noon tungkol sa panganganak. Hindi sinasadyang mawalan ako ng epidural nang manganak ako.

"Dapat talaga, may anesthesia ako nang manganak ako, hindi tumalab yun. Overwhelmed ako roon. Kasi, naramdaman ko talaga ang panganganak. Relief talaga lalo na nang malaman kong normal yung baby."

Parehong ipinanganak sa U.S. ang dalawa niyang anak. Ang pamilya kasi ni Mylene ay nasa States.

"I'm an immigrant, kaya ganoon," pahayag niya. "Kung sa papeles din lang kasi, most likely, papunta na rin talaga kami roon. Hindi ko pa siya napaplanong mabuti.

"I have my reasons why gusto kong manganak sa Amerika. Kung si Paolo [Paraiso, father of her children] naman ang tatanungin mo, kung anu-ano ang plano niya, kung ano rin lang ang plano ko, ganoon din.

"Sa ngayon, wala akong iniintindi. Wala pang regular job. Pahinga muna at nag-aalaga ako ng mga bata ngayon," nasabi na lang ni Mylene.

KILLED OFF. Dahil sa kabuntisan niya noon, ipinagpapalagay na pinatay na lang ang character niya sa Tayong Dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, noong tinanggap ko yun, I think, buntis na ako. So, ang naisip nila, may certain hangganan talaga yung role. Wala talagang balak na ibalik ang character ko roon nang patayin na nga yung character. Ipinaliwanag talaga sa akin yun.

"Noong pumunta na ako sa States, that's really the time to leave the series," nangingiting sabi ng aktres.

Sa teleseryeng yun ng Dos na hanggang ngayon ay bongga pa rin ang pagtanggap ng publiko, pinalabas na namatay si Mylene sa panganganak.

As an actress, definitely, ang nasa utak ni Mylene ay makagawa pa ng magagandang roles gaya sa 100.

"I'm looking forward to an entry, probably, next year. I want good films talaga, in the caliber of 100, or even much better. I just want to keep on working," aniya.

Very positive ang feeling na nagbalik si Mylene para sumilip sa Cinemalaya, ang prestihiyosong film event na nagbigay muli ng karangalan sa kanya, for another milestone in her career.

"Every year, sinasabi nila, patindi nang patindi ang mga nagagawang pelikula. Kaya all the more na gusto ko uling makagawa para sa Cinemalaya," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN